4 years later........
"Paano ang custody ng bata Mr. Alfonso?", tanong ni Cassey sa kliyente niya.
"Gusto kong sa akin mapunta ang custody ng anak ko Atty."
"Well, we can fight for that"
"Hindi ako papayag na mapunta sa asawa ko ang anak namin Atty., mapapahamak lang ang anak ko sa boyfriend niyang drug addict"
"We'll see what we can do. Anyway, psychological incapacity as a ground for declaring your marriage null is a bit hard. Ito kasi ang madalas na grounds ng mga nagpapawalang bisa ng mga kasal nila. I just wish you have some other grounds na pwede nating maging option for easier proceedings. Well, let's just see what we can do"
"Thank you Atty."
"Don't thank me yet, magpa-file pa lang tayo. Anyway, you're paying for my services so it's my job. Just wait for my call.."
"Salamat pa rin Atty., mauuna na ako at may kausap pa akong tao", ang kliyente niya at tumayo na.
"Sige Mr. Alfonso, thank you", ani Cassey na tumayo na rin at kinamayan ito.
Pag-alis ng client ni Cassey ay nahahapong sumandal siya sa swivel chair niya. Puno ang schedule niya sa araw na ito. Mula hearing kaninang umaga at appointment sa mga client sa hapon.
Masaya siya na kahit papano ay maganda na ang takbo ng career niya. Kahit mahigit dalawang taon pa lamang as a lawyer ay marami na rin siyang client. Kilala na ang law firm nila ni Kat at dumadami na rin ang referrals nila.
Ilang buwan pagkapanganak ay pinagsabay niya ang pag-aalaga sa anak niya at paghahanda para sa bar exam. She is very thankful to have passed in her first take. Nang lumabas ang result ay nagkasundo sila ni Kat na ng mga panahong iyon ay nasa public attorney's office na, na magtayo ng sarili nilang firm.
It was hard at first, they barely have clients pero salamat sa isang negosyante na naligaw sa firm nila at nagustuhan ang serbisyo ni Cassey, nagbigyan sila ng break nang i-refer ang firm nila sa mga kaibigan nito,
Sa ngayon, their firm is thriving and starting to grow.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Cassey nang tumunog ang cellphone niya. Napangiti siya nang makitang ang anak ang tumatawag.
"Yes baby, you miss mommy already?", malambing na sabi niya rito.
"Yes Mommy, go home na?"
"Later baby, what are you doing?"
"Watch Simba", tukoy nito sa bida sa Lion King, then proceeded to tell her what he is watching.
Matiyagang nakikininig si Cassey ng kuwento ng anak, paminsan-minsan ay nagkokomento siya sa sinasabi nito. Mayamaya pa ay nagpaalam na ito nang mapagod magkuwento.

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...