Habang kausap ni Cassey ang mga pulis ay tahimik lamang sa tabi niya si Mathew, pero ramdam niya ang pigil na galit nito. Mariin din ang pagkakakuyom ng kamao nito.
"Susubukan naming magtanong-tanong Atty., baka sakaling may nakakita sa gumawa nito sa sasakyan niyo".
"Thank you Sir, kung may development po pakitawagan na lang po ako", ani Cassey na inabutan ang pulis ng calling card.
"Thank you Adrian", ani Mathew sa pinsan. Nagkataong ang pinsan niya ang kapitan sa station sa lugar na ito. "Call me....." He said.
Nagtitigan lamang ang magpinsan, tila ba may silent communication na namamagitan sa dalawa. Matapos iyon ay nagkamay ang dalawa bago siya tinanguan ng pinsan ito at umalis na.
"Ken will just deliver your car after mapalitan ng tires at malinisan, just give him the address", baling nito kay Cassey pagkaalis ng pinsan nito.
Nilapitan nila si Ken, ang kakilalang tinawagan ni Mathew upang ibigay ang address kung saan ihahatid ang kaniyang sasakyan. Matapos pasalamatan si Ken ay nagpaakay na siya paalis kay Mathew.
"Salamat sa tulong mo. Mauna na ako sa iyo", ani Cassey na nauna nang maglakad ngunit hinuli lang ni Mathew ang kamay niya upang pigilan siya.
"Where do you think you're going?"
"Office, I still got things to do"
"Ihahatid na kita".
"Hindi na kailangan, magta-taxi na lang ako."
"Don't try my patience further Cassey. Ihahatid na kita", ani Mathew sa tinig na hindi tatanggap ng argument at hinila na siya patungong sasakyan nito.
Pumiksi si Cassey at hinila ang kamay mula rito.
"You don't have the right na utusan ako", she said defiantly, her arms crossed on her chest.
"Don't be stubborn, get in the car or else I'll carry you", hamon ni Mathew.
He looked dead serious kaya naman para hindi na ipahiya ang sarili ay nagdadabog na sumakay na siya sa sasakyan nito. Mathew watched her with smug satisfaction.
"Where to?"
Cassey gave him their office address at The Fort. Pareho silang walang imik habang daan. Parehong abala sa kani-kaniyang isipin.
"Thank you for the ride", Cassey said pagkababa niya. Mathew just nod then sped away. He needed to get away from her to sort out the different emotions Cassey had awaken in him.
Pinagmasdan lang ni Cassey ang papalayong sasakyan ni Mathew. Maraming damdamin ang napukaw sa muli nilang pagkikita ng lalake, mga damdaming akala niya ay naibaon na niya sa limot. Ang buong akala niya ay wala na siyang kakayahang magmahal at masaktan, after all tinuruan niya ang sariling maging matigas at matapang. Maling-mali pala siya, where Mathew is concern, she'll always be vulnerable and will never be strong. She'll never be hard, cause he can always makes her feel weak. Worst is that, she can still love because all it takes is just one meeting to make her realize just how much she still loves him. Thus she can still feel pain, the same pain he caused.
BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...
