Chapter 23

533 11 0
                                        

Kanina pa nakatayo si Mathew sa harap ng gate ng bahay ni Cassey pero hindi pa rin siya nagdo-doorbell. Sinadya niya itong puntahan matapos siyang tawagan ni Adrian kagabi. Siya talaga ang tinawagan ng pinsan sa halip na si Cassey, dahil na rin sa pakiusap niya, tungkol sa insedenteng nangyari sa sasakyan nito.

Nang makakuha ng sapat na lakas ng loob ay lumakad na siya palapit sa doorbell. Ngunit bago siya makalapit ay bumukas na ang gate at lumabas ang isang lalaki.

Namukhaan ni Mathew ang lalaki, ito ang kayakap ni Cassey nung puntahan niya ito sa kanila. Nagtagis ang mga bagang niya sa selos na biglang bumalot sa kaniya. He's jealous .......madly jealous.

Matalim ang tingin niya sa lalaki habang tinatanong ang sarili kung ano ang ginagawa nito roon o kung sila pa rin ba ni Cassey.

Nagulat ang lalaki nang mabungaran si Mathew sa labas na matalim ang tingin sa kaniya ngunit saglit lamang ay nakabawi na rin ito.

"Sino ka?", seryosong tanong nito kay Mathew.

"I'm Mathew, I'm looking for Cassey", Mathew said in equally cold voice.

"May kailangan ka sa kaniya?"

"Just a news about something"

Nagsukatan muna ng tingin ang dalawa, ngunit saglit lang ay nakangising lumingon ang lalaki sa loob ng bakuran at may tinawag.

"Jenny, tawagin mo ang Ate Cassey mo, may naghahanap sa kaniya." Matapos niyon ay tuluyan na itong humakbang palabas at tinapik si Mathew sa balikat.

"Mauna na ako, mukhang seryoso ang pag-uusapan niyo ng pinsan ko. Idinaan ko lang naman ang padala ng parents niya. Sige pare, good luck!" nakangising wika nito.

"Wait!", tawag dito ni Mathew bago ito makasakay sa pick-up nito.

"Huh?"

"You're Cassey's cousin?"

"Oo", natitigilang tanong nito kapagkuwan ay tila may na-realize.

" uh..oh...Don't tell me, isa ka sa mga manliligaw na itinaboy ni Cassey gamit ang picture ko at sinabing boyfriend ako. Lagot na, di dapat ako maabutan ni Cassey....sige 'tol.....mauna na ako", nagmamadali itong sumakay. Pero bago umalis ay may pahabol pa ito kay Mathew.

"Whatever it is that Cassey told you, iisang lalaki lang ang minahal niyan...."  Iyon lamang at umalis na si Andrew na may ngiti sa labi. Habang kausap si Mathew kanina ay may nalaman siya. Kahit walang sinasabi ang pinsan kung sino ang ama ng anak nito, kitang-kita ang pruweba sa lalaking nakaharap kanina. Ngunit sa kung anong dahilan ay tila may nangyari sa pagitan ng dalawa. Kung ano man  iyon ay ang mga ito lang ang nakakaalam at makakaayos.

Mathew just stared at the speeding car, stunned beyond belief. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Did he just make the biggest mistake of his life four years ago? Did he just blow his chance to be happy with Cassey?

Had he been such a jerk? He jumped into conclusion without asking her first. Nasa ganun siyang pag-iisip nang lumabas sa gate si Cassey.

"Mat?"

"Good morning"

Napakunot-noo si Cassey nang mapansin ang itsura ni Mathew.

"Is something wrong, why are you here?"

"Wala naman, dumaan lang ako para sabihing may balita na si Adrian. Apparently, nakuhanan ng CCTV ang nangyari sa kotse mo. Hawak na nila ang footage"

"Ohhhh..."

"You could take a look sa station. Inaalam na rin nila ang identity ng taong gumawa niyon."

"Mabuti naman, pupunta na lang siguro ako doon bukas. Thank you, sana hindi ka na nag-abalang pumunta rito. Nasa kanila naman ang contact number ko, I'm sure tatawagan naman nila ako."

Napansin ni Mathew ang medyo mailap na mga mata ni Cassey at ang madalas na pag tingin sa loob ng bahay. Hindi rin nakaligtas sa pansin niya na hindi man lang siya nito inalok na pumasok. Mukhang ayaw nito na naroon siya, hindi lang nito masabi ng deretso. Naiintindihan naman niya ito.

"Napadaan kasi ako kina Adrian kanina kaya kinumusta ko na rin ang progress. Sinabi ko na rin sa kaniya na ako na ang magsasabi sa iyo. Anyway, iyon lang naman ang sadya ko, so I'll be going", alanganing paalam niya rito at mabilis ng tumalikod paalis. Kailangan din muna niyang lumayo sandali to sort things out. Kailangan niyang harapin sa sarili ang nagawang pagkakamali.

Nagtatakang pinagmasdan ni Cassey ang paalis na binata.  There's something wrong with him. Parang balisa ito at tila may problema. She didn't expect him to show up in her doorstep. Mabuti na lang at tulog pa ang anak niya, otherwise.....she didn't know what will happen once na nakita nito si Jace....

Hindi pa siya handang malaman nito na may anak sila. Hindi yata niya kayang tanggapin kung sakaling hindi nito kilalanin ang bata.

Mathew's emotion is in turmoil. Para siyang nakasakay sa roller coaster mula nang makita ulit niya si Cassey. To think that, that was just three days ago. Mula noon ay ang dami ng nangyari, samut-saring emosyon ang naramdaman niya.

He discovered that he missed her so much, that he still love her despite of thinking that she betrayed him. He's still protective of her and cared for her too much. He can still feel jealousy and possessiveness towards her. And now...this...he just discovered he'd been the biggest asshole, the biggest jerk in the planet....how could he have thought that Cassey would do that to him....he should have known.....she's not that type of person....

"Jerk....damn asshole.....stupid....stupid fool....",mura niya sa sarili habang nagmamaneho. Itinabi ni Mathew ang sasakyan at isinubsob ang mukha sa manibela.

Ano na ang gagawin niya ngayon...paano niya babawiin ang isang bagay na kasalanan niya kung bakit nawala sa kaniya. How could he ever forgive himself for being a fool. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya....sa panghihinayang at galit sa sarili niya....sa pagsisisi sa pagiging padalos-dalos.

Nang mailabas ni Mathew ang lahat ng hinagpis at pagsisi ay  hinamig na niya ang sarili at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Now more than ever, he's determine to win Cassey  back, no matter what it takes, even if he begs.....hell he will beg just to have her back in his life.


--------------------------------

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon