Chapter 36

1.3K 25 0
                                        

Two weeks na lang at kasal na nila ni Mathew. Hindi na rin halos halata ang mga peklat niya na ikinatuwa naman niya. Kasalukuyan siya ngayong nagbu-book ng flight nila papuntang Japan. Si Jace ay pansamantala muna nilang iiwan sa parents ni Mathew.

Nang mai-book ang flight ay  inasikaso naman niya ang reservation ng accomodation nila. Aabot sana siya ng isa pang cream puff nang mapansing ubos na ito.

She wrinkled her nose, gusto pa niya ng cream puff. Tatawagan na lang niya si Mathew para pabilhin ito bago umuwi. Umalis kasi ito at si Jace kanina para bumili ng pangako nitong bike kay Jace. Dahil medyo masama ang pakiramdam niya kanina ay hindi na siya sumama.

Lately ay nakakaramdam siya ng hilo sa umaga at nahihilig nga siya lalo sa matatamis lalo na ang cream puffs. Tatawagan na sana niya si Mathew nang pumasok ito sa kuwarto nila. Sayang naman, nakabalik na pala ito. Lalabas na lang siguro siya para bumili.

"Hi sweetheart, problem?" Napansin nito ang bahagyang pagsimangot niya.

"Ubos na ang cream puffs ko", nakangusong sagot niya.

Natawa ito sa ginawi niya habang lumalapit sa kaniya. Hinalikan siya nito bago inilabas ang itinatago sa likod. A box of cream puffs from her favorite bake shop. Nagniningning ang kaniyang mga mata nang abutin ang dala nito.

"I have a feeling na maghahanap ka ng ganito pag naubos na 'yong binili natin kagabi. Nahihilig ka masyado rito"

"Thank you sweetie, ewan ko nga rin, dati naman na akong mahilig sa matamis pero walang particular sweets...ngayon lang. Tumataba na nga ako eh. Napansin ng tumahi ng gown ko nang i-fit ko yon last time na medyo sumikip siya sa akin. Sabi nga niya huwag daw akong mag-stress eating"

"Don't mind her, I don't care kahit tumaba ka pa. Just eat what you want to eat. You're still the most beautiful woman for me."

"Bolero. Asan si Jace?"

"Nasa kusina, nilalantakan ang chocolate eclair", natatawang sagot ni Mathew. "Manang-mana sa iyo, mahilig sa matamis"

Nang medyo masama pa rin ang pakiramdam pagkagising kinabukasan ay nagpasya na si Cassey na magpa-check up bago tumuloy sa opisina. Mahirap ng magkasakit siya gayong ilang araw na lang ay kasal na nila. Mabuti na lang at maagang umalis kanina si Mathew dahil may meeting ito, kung nagkataon ay siguradong mag-aalala na naman ito sa kalagayan niya.

Nang makarating sa ospital ay tinanong siya ng doktor kung ano ang nararamdaman niya. Nagtaka siya nang matapos sabihin ang mga nararamdaman ay binigyan siya nito ng lalagyan ng urine sample.

"I don't think you're sick, base sa mga sinabi mo, I think you might be pregnant"

Napaisip si Cassey, pilit inaalala ang schedule ng period niya. Sa dami ng mga nangyari, idagdag pa ang excitement sa kasal nila ay nawala na sa isip niyang hindi pa nga pala siya dinaratnan. Nanlaki ang mata niya nang ma-realize na mahigit two weeks na siyang delayed.

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon