Chapter 18

501 10 0
                                    

Maagang nagising si Cassey kinaumagahan. Sa kabila ng pinagdadaanan ay nakatulog siya kagabi ng mahimbing. Ipinagpapasalamat niya na mayroon siyang mapagmahal at maunawaing pamilya.

Her parents just embraced her assuring her na nandun lamang ang mga  ito para sa kaniya. They'll support her sa kahit na anong desisyon niya. Ipinagpapasalamat din niyang hindi na nagpilit pa ang mga itong alamin kung bakit hiniwalayan na niya si Mathew.

Napangiti si Cassandra nang matanaw ang humintong sasakyan sa harap ng bahay nila. Ang Kuya Andrew niya, malapit siya sa pinsan niyang  ito mula pa ng bata siya. Mukhang nalaman nitong umuwi siya kaya dinalaw siya nito.

Mabilis siyang lumabas ng bahay nila upang salubungin ito. Patakbo siyang lumapit dito at sinugod ito ng yakap. Hindi na niya tuloy nakita ang sasakyang kahihinto lang na mabilis din namang umalis.

"Hey babe, mukhang na-miss mo ako ah", tumatawag bati ni Andrew sa dalaga.

"Pasalubong ko Kuya?"

"Tingnan mo 'to, ikaw ang bagong dating, ikaw ang maghahanap ng pasalubong. Pumasok na nga muna tayo at pagkapehin mo ko. Marami kang ikukuwento sa akin, balita ko engaged ka na"

Sa sinabi ng pinsan ay muling bumalong ang luha sa mga mata ni Cassey.

"Hey, what's wrong?", nag-aalalang tanong nito.

"Halika pumasok tayo sa loob, ikuwento mo sa akin", inakbayan na siya ng pinsan at pumasok na sila sa bahay nila.

Nagtatangis ang mga bagang na pinasibad ni Mathew ang sasakyan paalis sa bahay nina Cassey.

Maaga siyang bumiyahe patungong La Union dahil miss na miss na niya si Cassey, ngunit hindi niya inaasahan ang eksenang aabutan pagdating doon.

Kakahinto lang ng pick-up niya sa gilid ng kalsada sa tapat ng bahay nina Cassey. May nauna kasing sasakyang pumarada sa harap ng gate ng mga ito. Nakita niyang umibis mula roon ang isang lalaki.

Dahil grills ang bakod nina Cassey, kitang-kita ang loob ng bakuran ng mga ito. Nakita niya ang paglabas ng dalaga sa bahay ng mga ito at ang nakangiti nitong pagsalubong ng yakap sa lalaking dumating.

Pigil na pigil ang galit na pinasibad na lamang niya ang sasakyan paalis dahil baka kung ano pa ang magawa niya kung magtatagal pa siya doon.

"Is he the reason why you suddenly disappeared Cassey?"Mathew angrily muttered. 

Inihinto nito saglit ang sasakyan sa gilid at galit na hinampas ang manibela.

"Damn..... I'm such a fool! I was so worried, iyon pala......shit....."

Matagal na ba siyang niloloko ni Cassey?

Muling napamura si Mathew then sarcastically laugh at himself.

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon