"Check your side mirror sweetheart, okay na ba ang adjustment? Now put it to first gear then slowly release the clutch", pagbibigay instruction ni Mathew sa dalaga. Naroon sila sa village ng mga ito at kasalukuyan siyang tinuturuang mag-drive.
"Ang hirap naman pala nito", nakasimangot na turan ni Cassey.
"Patience sweetie, kailangang matuto ka", natatawang turan ni Mathew.
It's been over a month mula nang maging sila at maraming bagay pa silang natutuklasan sa isa't-isa. Nalaman niyang sa kabila pala ng katarayan at kasupladahan ng girlfriend ay malambing ito at maalaga. Nung una ay hindi ito komportableng maging showy pero kalaunan ay nasanay na rin. Minsan naman ay para itong bata which he finds adorable and cute.
"Come on sweetheart, you can do this", Mathew coaxed once more.
"Automatic na lang ang bibilhin ko para mas madaling pag-aralan".
"Well, yes, pero iba pa rin if marunong ka ng manual"
"Bahala ka, kapag naibangga ko 'tong kotse mo, walang sisihan".
"I can buy another one sweetie, by all means, ibangga mo lang".
"Yabang!"
"Mahal mo naman", sagot ni Mathew sabay kindat.
Inirapan lang ito ni Cassey at sinimulan na uling paandarin ang sasakyan nito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang may itinatagong kakulitan ang lalaki. Sa mahigit isang buwan nilang relasyon ay nakita niya ang iba pang katangian nito.
Patuloy pa rin ito sa tila panliligaw sa kaniya sa kabila ng katotohanang girlfriend na siya nito. Madalas pa rin siya nitong padalhan ng bulaklak at kung ano-ano pa sa opisina. Minsan naman ay bigla itong sumusulpot upang ayain siyang kumain. Tuwing hapon naman at wala rin lang itong maraming ginagawa ay sinusundo siya upang sabay na silang pumasok.
Naipakilala na rin niya ito sa parents niya nang minsang dumalaw ang mga magulang sa kaniya. Plano nga nilang magbakasyon sa La Union after ng final exams nila.
"What's your plan sweetie after graduation?"
Nilingon ni Cassey ang nobyo bago sumagot.
"Nakapag-file na ako ng study leave para makapag-review ako for bar exam. Ikaw?"
"Nag-usap na din kami ni Papa, during review siya na muna ang bahala sa opisina. Sisimulan na rin niya ang pagtuturo kay Xandie."
"I thought magma-masteral pa siya sa London?"
"Yes, pero sisimulan na rin niyang pag-aralan ang pasikot-sikot ng negosyo. After all, if I passed the bar, mababawasan na ang oras ko dun".

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomansaCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...