Marami ng tao sa bar kung saan idinadaos ang birthday celebration ng class president nila nang dumating sila ni Kat. Since graduating na sila at ito na ang huling chance na lumabas ang buong klase nila ay kumpleto sila ngayon. Rex, their class president owns the bar kaya naman ipinasara muna nito iyon ngayong gabi for their exclusive use at sa iba pang mga bisita nito.
Mathew called her a while ago para sana sunduin siya pero tinanggihan na lamang niya ito at sinabihang sasabay na siya kay Kat since kanina pa naman sila magkasama ng kaibigan.
Pagpasok sa bar ay agad lumibot ang paningin ni Cassey sa mga bisita. Hinahanap niya si Mathew na alam niyang kanina pa narito dahil nag-text na ito sa kaniya.
"Hey Cass, your Prince Charming is coming over ", agaw ni Kat sa pansin niya at itinuro si Mathew na palapit na nga sa kanila.
"Hi ladies", bati ni Mathew sa dalawa.
"Hi, mukhang kanina ka pa nag-aabang ha. Pagpasok pa lamang namin ni Cassey, palapit ka na agad, early to mark your territory huh", tukso ni Kat sa lalaki.
Tumawa lamang si Mathew pero napansin ni Cassey ang bahagyang pamumula ng mukha nito. Dumiretso muna sila kay Rex para batiin ito at ibigay ang regalo nila bago sila nagtungo sa puwesto nila. Nakaupo na roon si Kaizer na itinaas ang baso bilang pagbati sa kanila.
"What drinks do you want to have, ako na ang oorder sa bar", tanong ni Mathew sa dalawa.
"I'll have a Cosmo please, thank you", sagot dito ni Kat.
"Ahmm, I don't really drink, mango juice na lang siguro sa akin, if they have", nahihiyang sagot dito ni Cassey.
"So Cass, kumusta naman kayo ng kaibigan ko? Ano na bang status niyo?", nanunuksong tanong ni Kaizer nang makaalis si Mathew.
Namumulang napailing si Cassey nang makita ang panunukso sa mata ni Kaizer.
"Ahmm, we're friends?"
"Showbiz na showbiz ang sagot mo bes", tukso ni Kat sa kaniya.
"Ang bagal kasing kumilos ng kaibigan mo Kaizer", dugtong ni Kat na binalingan si Kaizer.
"Hmmmm, I guess he'll remedy that tonight", makahulugang sabi nito na nakatingin kay Cassey.
Hindi na ito nausisa ni Cassey dahil nakipagkuwentuhan na ito kay Kat. Nang makabalik si Mathew dala ang order nila ay dito na natuon ang atensiyon niya.
Nagkukuwentuhan sila habang pinapanood ang ibang bisitang nagsasayawan sa dance floor nang mayamaya pa ay pumailanlang ang isang love song.
"Hmmm, change of beat", nakangiting turan ni Mathew at tumayo. Inilahad nito ang kamay sa kaniya..."May I?"

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...