Chapter 6

621 16 0
                                        


Nagulat si Cassey nang paglabas niya ay nakita niya si Mathew sa harap ng bangko. Nakasandal ito sa sasakyan nito at tila may hinihintay. Nang makita siya nito ay agad itong lumapit sa kaniya.

"Hi, sabay na tayong pumasok", nakangiting sabi ni Mathew sa dalaga.

"Anong ginagawa mo rito?", nakakunot ang noong tanong ni Cassey sa binata.

"I was in the area, kakatapos lang ng meeting ko. Alam kong palabas ka na rin para pumasok kaya dinaanan na kita", paliwanag naman nito.

Nagdududang tiningnan ni Cassey ang binata. Hindi siya naniniwala sa alibi nito, pero sino ba siya para mag-inarte. Convenient para sa kaniya, nakasama pa niya ito.

Kaya naman nagkibit balikat na lang siya at nagpaakay na lang rito patungo sa kotse nito.

Alam ni Mathew na hindi naniniwala si Cassey sa dahilang sinabi niya kung bakit siya naroroon at sinundo ito. Ipinagpapasalamat na lamang niyang hindi na ito gaanong nag-usisa. Ayaw muna niya itong biglain sa plano niyang panliligaw. Sasanayin na muna niya ito sa presensiya niya. Kahit papano ay may utang na loob pa siya kay Nathan kung susumahin dahil kung hindi dito ay baka nag-iisip pa rin siya hanggang ngayon kung paano lalapit kay Cassey.

"So, how's your day?", simula ni Mathew ng usapan nang nagsimula na silang bumiyahe.

"Fine, ikaw, kumusta naman ang mga meetings mo?"

"Fine", kibit-balikat na sagot ni Mathew sa tanong ng dalaga. "I've been doing it for so long, kaya wala na rin namang bago."

"It must be hard running a company as you do?"

"Yes, but I've been trained at a young age kaya naman sanay na ako."

"Paano mo pa naisasabay ang pagkuha ng law?", namamanghang tanong ni Cassey sa binata.

"Being a lawyer is a dream me and my father shared. Running our business is a responsibility I will share with my sister. Since hindi pa siya tapos mag-aral, ako na muna, pero oras na makapagtapos siya, siya na ang mas tututok sa negosyo ng pamilya at magko-concentrate na ako sa pagiging abogado."

"I heard you also have your own business aside sa family business niyo."

"It's just a small one at kayang-kaya ko na 'yong isabay later on", aniyang nginitian ito.

"And you still have time to spare with all those women?" Biglang natakpan ni Cassey ang bibig nang ma-realized ang nasabi.

"Sorry, I didn't mean anything", namumulang wika ni Cassey.

"It's okay Cassey, aware naman ako sa reputation ko sa university. But let me clear one thing, I only went out on a date with those women, no relationship or whatever."

"So, isa ka sa mga lalaking ayaw ng commitment".

"Not really, it so happen that they are not the one for me. Once that woman comes along, I'd be so willing to commit."

Tumingin si Mathew sa dalaga nang sabihin iyon, tamang-tama namang lumingon din ito sa kaniya kaya naman saglit na naghinang ang kanilang mga mata. At katulad kagabi, nakita na naman ni Cassey ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa mga mata ng binata.

Ibinalik na ni Mathew ang atensiyon sa pagmamaneho. Papasok na rin sila sa university kaya naman hindi na uli nag-usisa pa si Cassey.

Pagpasok nila sa classroom nila ay napatingin lahat ng kaklase nila sa kanilang dalawa. Marahil ay nagtataka ang mga ito kung bakit magkasama sila. Hindi na lamang umimik si Cassey at dumiretso na sa tabi ni Kat.

"Ano yong nakita ko?" tanong agad nito. "Bakit magkasama kayong dalawa?"

"Dinaanan niya ako sa bangko",  bale-walang sagot niya sa kaibigan.

"As in, sinundo ka ni Mathew sa trabaho mo."

"Well not really, according to him, he was at the area and since papasok rin naman siya naisipan niyang daanan na lang ako at isabay."

"Wait, he knows your workplace?" Namamanghang tanong ni Kat.

"It was just a coincidence, nagkataong doon siya sa branch ko nag-open ng account".

"Coincidence huh, don't you think that's too much of a coincidence?" Nagdududang wika ni Kat at tiningnan ang kinaroroonan ni Mathew. Nilingon din ni Cassey ang kinaroroonan ng binata. Kasalukuyan itong nakikipagkuwentuhan sa kaibigan nitong si Kaizer.

"I don't want to think too much about it, let's just leave it at that."

"Hmmm" tanging sagot ni Kat sa kaibigan. Kasalukuyan pa rin siyang nakatingin kina Mathew kaya naman huling-huli niya ang panakaw na titig ni Mathew sa kaibigan. Napangiti na lamang si Kat, there's something brewing in the air and it looks like it's going to be good for her friend.

----------------------------

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon