Chapter 32

584 10 0
                                    

The following week ay dumating ang parents ni Mathew para sa formal na pamamanhikan. Mabilis na nagkapalagayang loob ang kanilang mga magulang.

They stayed there  for two days more kasama ang pamilya ni Mathew bago sila bumalik ng Manila. Tambak na ang mga trabaho nila at kailangan na nilang magbalik sa trabaho.

"Susunduin ko kayo sa Saturday ni Jace  sweetheart, be sure to pack everything hmmm..." , ani Mathew nang maihatid sila sa bahay ni Cassey.

Naroon sila sa sala at nagkakape bago umuwi si Mathew. Ang anak nila ay kanina pa nakatulog sa pagod.

Hindi kasi siya tinantanan ni Mathew hanggang hindi siya napapayag na lumipat na sa bahay nito. Kinutsaba pa nito ang mga magulang niya. Hindi niya alam kung paano nito nakumbinsi ang mga magulang na pumayag na lumipat na silang mag-ina kahit hindi pa sila kasal.

Kaya sa sabado ay maglilipat na sila ni Jace kasama ang yaya nito. Ang akala niya ay sa condo nito sila tutuloy, pero may bahay na pala itong naipatayo sa isang subdivision sa Quezon City. Medyo malapit sa subdivision kung saan nakatira ang mga magulang. May property din daw itong nabili sa Tagaytay at plano nitong patayuan ng bahay para daw kapag weekends ay doon sila tutuloy na mag-anak.

"Oo na, nagmamadali ka..."

"I can't wait to start spending my life with you and Jace. Marami na akong nasayang na panahon. Ilang taon ang napalampas kong makasama kayong mag-ina, kaya naman ayaw ko ng magpalipas kahit ng isang araw kung maaari na hindi kayo kasama."

"I'm s...."

"Shhh sweetheart", si Mathew silencing her with his finger. "Not your fault, I just want to make up for the lost time".

"You can sleep here for the meantime if you want", Cassey offered.

"I might, pero uuwi muna ako ngayon para ipahanda ang bahay natin. Dalawa lang ang kasama  ko doon. Mag-ina, tagabantay lang. Hindi naman ako madalas umuwi doon, padaan-daan lang. Mostly sa condo ako naglalagi. Magdadagdag ako ng makakasama natin at ipapaayos ko ang masters bedroom at room ni Jace. The rest of the house, ayusin mo according to your preference"

"Hindi pa ba furnished ang bahay?"

"Hindi naman, kumuha si Xandie ng interior decorator para ayusin iyon nang maipatayo ko, but I want you to arrange it the way you want it. It will be our home and I want to see you in it, in its every corner".

"Hmmm, you and your glib tongue..."

"Seryoso sweetheart....I want it to feel like home, parang sa bahay nina Mama. One reason na mas gusto ko ang condo kasi parang may kulang pa sa bahay na 'yon. Now I know what it was....you. I want you there...you and Jace and our next babies..."

"Hep.....hold that thought....anong babies?"

"Siyempre kailangan nating bigyan ng kapatid si Jace", anitong pilyo ang ngiti.

"Iba na naman ang iniisip mo ha...", namumulang sabi ni Cassey.

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon