Nakita ni Mathew ang pagbaba ni Cassey mula sa sasakyan nito nang dumating sa opisina nito. Kanina niya pa ito hinihintay, ang totoo ay galing na siya sa loob at nagtanong sa secretary nito. Wala naman daw itong hearing today pero hindi pa nagpupunta ngayong umaga.
Hindi naman niya ito matawagan kahit alam niya ang contact number nito dahil mas gusto niya itong makausap ng personal.
Hindi na muna siya bumaba sa sasakyan niya at pinagmasdan muna ang dalaga. Nakita niya itong umibis ng sasakyan. She seems preoccupied kaya bumaba na siya para salubungin ito.
Mukhang malalim ang iniisip nito at hindi pansin ang paligid, baka kung ano pa ang mangyari rito habang naglalakad kahit pa nga sabihing nasa gilid naman ito.
Nang makababa ay noon niya napansin ang isang sasakyang humahagibis...
Bakit masyado yatang magilid ang patakbo nito, halos nasa sidewalk na. Lasing ba ang driver nito?
Ganun na lamang ang panlalaki ng mata ni Mathew nang makita ang tinutumbok ng sasakyan at ma-realize ang planong gawin nito. That car is going to run Cassey down.
Mabilis na tumakbo si Mathew sa dalaga habang isinisigaw ang pangalan nito.
"Cassey, look out!"
Cassey heard someone calling her, before she felt a body slammed on her. Then in the next second, she found herself lying in the pavement wrapped in Mathew's arms and a car speeding away.
"Damn...", Mathew cursed habang tinatanaw ang sasakyang walang plate.
"Mathew...."
"Nasaktan ka ba?"tanong nito na itinayo na ang dalaga. Matapos ay pinasadahan siya nito ng tingin upang tingan kung saan siya nasaktan.
"You have a bruise on your knee...damn I'll kill that man, whoever he is", he said angrily nang makita ang gasgas ni Cassey sa tuhod.
"I'm fine Mathew, gasgas lang yan. How about you?"
Mathew protected her from the fall, kaya ito ang sumalo sa impact ng pagbagsak nila. Napansin niya ang punit sa sleeve ng polo nito sa may balikat at ang bahid ng dugo.
"You're bleeding!", natatarantang sabi ni Cassey. Bahagya siyang tumingkayad upang makita ang braso nito. Mukhang ang balikat nito ang tumama nang bumagsak sila. Napansin din niya ang pagngiwi nito ng magalaw niya ang braso nito.
"Hindi mo ba nakita 'yong sasakyan", galit na sigaw ni Mathew.
"May iniisip ako plus nasa gilid ako. It's not as if may magpapatakbo sa sidewalk." Nakasimangot na sagot niya.
"Unless sadyang sasagasaan ka!"
Hindi umimik sa Cassey...

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...