"Hi, can I open an account?", agaw ng lalaki sa pansin ni Cassey. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong siya ng nakangiting si Mathew.
"Hi Cassey"
"Hello, can I help you with anything?" Nakangiting ganting bati ni Cassey rito.
"Wow, dapat pala sa workplace ka pinupuntahan para nginingitian mo ako."
"Sira, seriously, what can I do for you?"
"I'm really here to open an account. Swerte ko lang na dito ka pala nagwo-work. Must be my lucky day today."
Hindi na lamang pinansin ni Cassey ang sinabi nito at tinawag ang isa sa mga staff niya para humingi ng form. Siya ang branch manager sa Tayuman Branch ng bank na pinagtatrabahuhan niya.
"Paki-fill up na lang tong form at pahiram ng dalawang ID mo", aniyang ibinigay ang form sa binata saka kinuha ang ID's nito upang i-photocopy.
Pansamantala na muna niyang itinabi ang ginagawa kanina at siya na ang personal na nag-asikaso sa binata.
"Ang swerte ko naman, manager pa mismo ang mag-a-assist sa akin."
"Ikaw ha Mr. Cervantes, kagabi ka pa nang-aalaska."
"Aba Miss, sasamatalahin ko na habang 'di mo ako sinusupladahan."
Namumula ang mukhang inirapan lamang siya ni Cassey.
Mathew chuckled softly.
"You look adorable when you're blushing."
"Nambobola ka na."
"Of course not, I'm just being honest"
"Mat" saway niya rito.
Tinawanan lamang siya nito at ipinagpatuloy ang pagpi-fill up ng form.
"I like the sound of my name when you say it" ani Mathew na mataman pa siyang tinitigan.
"Stop it Mat, please" aniyang lalong namula ang mukha.
"Sorry, I didn't mean to make you feel uncomfortable", hinging paumanhin ni Mathew nang mapansing pulang-pula na ang mukha ni Cassey.
Tumango lang ang dalaga at ngumiti. Siya naman ay ipinagpatuloy na ang pag-fill up sa form.
"Here, tapos ko ng i-fill up to," ani Mathew nang matapos at inabot iyon sa dalaga.. Bahagyang pinasadahan ng tingin ni Cassey ang form para siguruhing wala itong nakaligtaan. Saglit siyang nagpaalam dito upang ibigay sa staff niya ang form nito para sa opening ng bank account.

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...