Chapter 10

555 15 0
                                    


Kanina pa sila walang imikan habang nagmamaneho si Mathew. Ramdam ni Cassey ang pagpipigil pa rin nito ng galit kaya naman hinahayaan niya muna itong manahimik.

Pinakikiramdaman ni Mathew ang dalaga, alam niyang ganoon din ito sa kaniya. Ramdam pa rin niya ang galit kay Nathan pero pinipilit niya iyong kontrolin dahil ayaw niyang matakot si Cassey. Maya-maya pa ay inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng daan. Maliwanag naman sa area na iyon kaya safe naman silang huminto saglit.

"About what I said earlier doon sa bar", panimula ni Mathew sa usapan at tumingin sa dalaga. Nakatingin ito sa kaniya at parang may binabasa sa kaniyang mata.

"Alin dun?", tanong ni Cassey dito.

"About you being my girl", deretsong sagot nito looking her straight in the eye.

Cassey looked in his eyes and that same emotion she'd been seeing in his eyes for the past few days is there again. Very visible and clear. She can see it clearly now...and she knows what it is....it's very clear in his expression, in the way he look at her....Mathew loves her. Even without him saying the word yet, she knows it, she can feel it.

"I know I said that we'll talk. I actually planned to bring you to a romantic dinner then I'll confess, not like this. I want it somewhere romantic..."

"What will you confess Mathew?", marahang putol niya sa sasabihin nito.

Mathew took a deep breath and said in a very sincere voice while looking at her...

"I like you Cassey...no....I love you. I've been secretly in loved with you for years now. Mula pa noong una kitang makita, gusto na kita. Wala lang akong lakas ng loob na manligaw...", napabuntong hininga si Mathew.

Bahagya itong huminto sa pagsasalita at pumikit bago muling bumaling sa kaniya at derestsong tinitigan siya.

"I liked you very much at hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya gusto kong ipaalam sa iyo na liligawan kita at sana hayaan mo akong ipakita sa iyo kung gaano ka ka-espesyal sa akin".

Tahimik lang na nakatingin sa kaniya si Cassey. Tila ba inaarok ang katotohanan sa sinabi niya. Kaya naman nagpatuloy lang sa pagpapaliwanag si Mathew.

"I won't rush you. I promise, I'll wait no matter how long...kahit...."

Hindi na matapos ni Mathew ang sasabihin dahil bigla na siyang hinalikan ni Cassey. Dampi lang iyon at nang akmang lalayo na ang dalaga ay hinawakan niya ito sa batok at siya na ang humalik dito. Halata na ito ang unang halik ni Cassey, so he kissed her tenderly. Yong namagitang halik sa kanila kanina ay dampi lang, iba sa halik na ipinagkakaloob niya rito ngayon.

Mathew swiped his tongue on her lower lips. Napasinghap si Cassey at sinamantala niya iyon to delve his tongue in her mouth. She tasted sweet, nothing like anything he tasted before and he could just lost himself in her. Bahagya niyang pinalalim ang halik na pinagsasaluhan nila. Naramdaman niya ang pagganti nito ng halik, tentatively imitating the movement of his lips. Mathew groan and kiss her deeper.

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon