Katatapos lang ng klase nila at katulad ng dati sabay na naglakad palabas sina Cassey at Kat. Madalas ay idinadaan si Cassey ng kaibigan sa bahay, ngunit hindi nito dala ang sasakyan nito ngayon dahil coding. Susunduin ito ng fiancé nito sa may gate ng university. Siya naman ay mag-aabang na lang ng taxi pauwi.
"Sigurado kang okay ka lang dito, ayaw mo talagang sumabay na sa amin?", nag-aalalang tanong ng kaibigan kay Cassey.
"Okay lang ako dito, ano ka ba? Sanay akong mag-commute."
" Pero Cassey ang dilim-dilim dito. Parang wala na ring dumadaang sasakyan. Masyado tayong ginabi ngayon"
"Ano ka ba Kat dati ko na itong ginagawa, okay lang ako. Sige na at kanina pa naghihintay si Tony sa'yo", taboy niya sa kaibigan.
"Bakit kasi ayaw mo pang bumili ng kotse mo. Afford mo naman. Di sana pag ganitong pagkakataon, hindi ako nag-aalala sa iyo."
"Saka na yang kotse na yan kapag mayaman na ako."
" Kung tutuusin, mayaman ka na"
"O sige, kapag milyonaryo na ako at marunong na akong mag-drive", natatawang sagot ni Cassey sa kaibigan.
"Hintayin ka muna kaya naming makasakay?", nag-aalala pa ring turan ng kaibigan at hindi siya maiwan-iwan.
"Hindi na, may lakad pa kayo ni Tony, maabala pa kayo ng husto. I can manage....go.....," aniya at itinulak na ito pasakay sa sasakyan ng boyfriend nito.
"Mag-iingat ka", bilin pa nito.
Natatawang tumango lang siya at pinaalis na ang mga ito matapos bilinan si Tony na mag-ingat sa pagmamaneho.
Ilang minuto na rin siyang naghihintay pero wala man lang dumadaang taxi o kahit jeep na lang. Naisipan niyang maglalakad na lang hanggang sa may 7'11. At least doon mas maliwanag ng konti kaysa sa kasalukuyang kinatatayuan niya.
Kung bakit naman kasi ngayon pa naisipan ng professor nilang mag-overtime. Mahihirapan na talaga siyang makasakay ngayon dahil sobrang gabi na. Mukhang mapipilitan na nga yata talaga siyang mag-aral magmaneho at bumili ng kotse. Lalo na at mag-isa lang naman siya dito sa Manila dahil nasa probinsiya ang buong pamilya niya.
Medyo malayo-layo na rin ang nalalakad ni Cassey at natatanaw na niya ang convenience store na pakay niya. Tamang-tama, medyo nauhaw siyang naglakad, bibili muna siya ng tubig. Noon naman may humintong kotse sa tapat niya. Hindi na sana niya ito papansinin nang nagbaba ng bintana ang sakay nito at batiin siya.
"Hi Cassey", nakangiting bati ng lalaki.
Nilingon ito ni Cassey at namukhaan niyang ito yong lalaking nagpaabot kanina kay Liza ng bulaklak sa kaniya. Bahagya niya itong tinanguan at balak ng lampasan nang bumaba ito ng sasakyan at humarang sa daraanan niya.
"Excuse me, nakaharang ka sa daan ko", nakasimangot na sabi niya rito.
" I'm Nathan, ako yong nagbigay ng bulaklak na tinaggihan mo".
"Thank you, pero hindi ako basta-basta tumatanggap ng kahit ano sa hindi ko kilala."
"Kaya nga ako nakikipagkilala sa iyo ngayon", maangas na sagot ng lalaki.
"Sorry, pero nagmamadali na ako", aniyang sinubukan itong lampasan. Pagtapat niya rito ay bigla nitong hinaklit ang braso niya.
"So, totoo nga ang sinasabi nila sa iyo, suplada ka nga talaga. But I like that in a woman....feisty", nakangising wika nito.
"Ihahatid na kita, mukhang hindi mo kasabay ang kaibigan mo".
"Thank you, but no. Kaya ko ng umuwing mag-isa".
"Masyado kang pakipot. Ikaw na nga ang ihahatid. Halika na", anito at hinila na siya pasakay.
"Let go of me, ano ba" ani Cassey na hinihila ang braso mula rito.
"Huwag ka ng maarte, ihahatid lang kita. Kung makapumiglas ka naman akala mo may gagawing masama sa iyo."
"And what do you think you're doing? Hindi ba masama ang pilitin ang isang tao. Let me go, hindi ako sasabay sa iyo".
"Wag ka ng masyado pang maraming satsat", anitong lalo pa siyang hinila.
"The lady said, let go of her, ayaw sumama sa iyo", biglang sabad ng kung sino. Nilingon ni Cassey ang nagsalita at laking pasasalamat niya nang makitang si Mathew iyon.
------------------------------------

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...