"Nagkakasarapan na sila sa inuman nang magsalita si Lizzy.
"A little game guys", agaw ni Lizzy sa atensiyon nila.
"Oo nga naman, to liven up the evening", dugtong ng isa sa kaibigan nito.
"Let's hear it", si George na medyo may tama na.
"Truth or dare"
"That's too old", angal ni Kaizer.
"The game maybe, but the dares are exciting.....come on guys, it's just a little fun. So game?"
Pumayag na rin sila at nagsimula na ngang maglaro. Rex was dared to sing in the stage with the band without a shirt on. George danced a folk dance. Kaizer on the other hand endured a body shot. Ang iba ay pinainom ng pinaghalo-halong alak. Sa muling pag-ikot ay tumapat ang bote kay Mathew na nagpakislap sa mata ng mga babaeng kasama nila. It was Lizzy's friend Hannah who asked the question.
"So Mat, I heard you're engaged...anong base na ang narating niyo ng fiancée mo?", malisyosang tanong nito.
Napatiimbagang si Mathew sa tanong nito. Kung hindi lang ito babae ay baka nasuntok na niya ito.
"Don't you think that's too personal?", he asked in a clipped tone.
"Puwede ka namang mag-dare kung ayaw mong sumagot", balewalang sagot nito.
"Fine, what's the dare", sikmat ni Mathew
Tumingin ito kay Lizzy bago ibinalik ang tingin sa kaniya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang makahulugang palitan ng mga ito ng tingin.
"French kiss with Lizzy for five minutes"
Napamura si Mathew sa narinig. Pumiksi siya nang hawakan siya ni Lizzy sa braso.
"It's just a game Mat, nothing serious. Hindi naman to makakarating sa fiancée mo. Don't tell me, you'd become dull, na-engaged ka lang", naghahamong sabi ni Lizzy
"You used to be fun Mat, masyado ka bang hinihigpitan?, Lizzy taunted further.
"Enough Lizzy, let's get this over with, then after this enough"
"Chill Mat, relax, masyado kang seryoso. So sino ng hahalik, ako ba o ikaw?"
Pissed off, Mat grab her and silence her with a rough kiss. After that, he left without a single word.
Mathew kicked the tire of his car pagdating niya sa parking lot. Nagagalit siya sa sarili niya dahil nagpadala siya sa galit at pinatulan si Lizzy. Medyo may tama na rin siya kaya siguro nawalan na rin siya ng kontrol. He felt guilty after the kiss. Hindi niya maiwasang isiping niloko niya ang kasintahan dahil sa paghalik sa ibang babae, kahit sabihin pang isang hamon lamang iyon. The fact is may hinalikan siyang iba sa kabila nang may fiancée na siya.
Inilabas niya ang cellphone niya at itenext lahat ng kasama at binalaang wala sinuman sa kanila ang magpaparating kay Cassey ng nangyari.
Gusto sana niyang tawagan ang kasintahan pero madaling araw na, baka maistorbo lang niya ang tulog nito, so he just texted her. Mababasa naman nito iyon paggising nito kinaumagahan. Not wanting to go back inside the bar, he just get inside his car and drove home.
Nagising si Cassey sa pagtunog ng cellphone niya. Nang tingnan niya iyon ay unknown number. Hindi na niya sana papansinin ngunit ayaw tumigil ng tumatawag. Nakailang tawag na ito kaya sinagot na niya.
"Hello"
"You're fiancé is cheating on you. I'll send you a video. Watch it", iyon lang at ibinaba na nito ang telephone. Hindi niya kilala kung sino ang tumawag but his voice sounded familiar. Mayamaya pa ay muling tumunog ang cellphone niya.
Curious, she opened the video and what she saw in there broke her heart...it was Mathew grabbing someone then kissing her passionately. The woman is also kissing him back. Halos maging isa na ang katawan nila sa sobrang pagkakadikit. Hindi na niya tinapos panoorin ang video, ayaw na niyang makita pa ang kasunod ng eksenang iyon. Nanghihinang napaupo sa kama si Cassey habang tuloy-tuloy ang agos ng luha.
Hindi niya akalaing magagawa iyon ni Mathew sa kaniya. How could he cheat on her. Her heart is breaking into pieces. The pain is too much, hindi niya alam kung paano kakayanin. It's too unbearable.
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang tumunog ang cellphone niya. It was a text from Mathew.
"I know that you must be asleep sweetheart, I just want you to know that I love you very much."
Ibinato ni Cassey ang cellphone nang mabasa iyon. Lalo lamang siyang nakaramdam ng galit rito. Halatang guilty ang damuho.
-------------------------------------

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...