Chapter 30

624 16 0
                                        

Pagdating sa bahay bakasyunan nina Mathew ay bahagya pang nailang si Cassey sa mga magulang ni Mathew. Hindi niya alam kung ano ang alam ng mga ito sa nangyari sa kanila ni Mathew. At hindi niya alam kung galit ba ang mga ito sa kaniya dahil ngayon lang nila nalaman na may apo na sila.

Mathew sensing her worry just held her hand and smiled at her.

"It's okay sweetheart, they understand. Isa pa excited na ang mga iyang magkaapo kaya tuwang-tuwa sila nang malamang may apo na sila".

Kinuha ni Mathew ang anak na nakatulog na mula sa kaniya upang makababa na siya. Maingat niya itong kinarga upang hindi magising mula sa pagkakatulog.

"Come on sweetheart, let's introduce Jace to his grandparents"

Hindi pa natatapos magsalita si Mathew ay may narinig na silang mga boses. Mukhang hindi na makapaghintay ang mga itong pumasok sila.

"Is that may grandson", humahangos na wika ng Mama nito.

"Oh my, he's so adorable", ang Mama ulit nito na dinutdot ang pisngi ng natutulog na apo.

Dahil sa ingay ay nagising si Jace na agad yumakap sa leeg ng ama at itinago ang mukha nang makita ang ibang tao.

"Natakot yata sa iyo hon", natatawang wika ng Papa ni Mathew nang makita ang ginawa ng apo.

"Psshhh, nonsense Alejandro, Nahihiya lang ang apo ko. Come here baby, come to grandma."

Inabot naman ni Mathew ang anak sa ina. Nung una ay nag-aalangan pa ito pero kalaunan ay sumama rin sa lola. Pumayag din itong halikan ang Lolo at Lola nito nang humiling ng halik ang mga ito.

"Ang guwapo naman ng apo ko. He looks just like you Mathew", sabi ng Mama ni Mathew at binalingan silang dalawa.

"Thank you hija, for bringing our grandson here"

"I'm sorry po kung itinago ko siya sa inyo...", hinging paumanhin ni Cassey.

"We understand you hija. I'm just glad na finally naayos na ninyo kung ano man ang hindi ninyo pagkakaunawaan noon", anang Mama nito na inabot ang kamay niya at pinisil habang karga ang apo.

Ang Papa naman ni Mathew ay tinapik ang anak sa balikat saka siya binalingan, ibinuka nito ang mga braso. Kusa ng yumakap si Cassey dito.

"Welcome back hija"

"Thank you po Tito", garalgal ang tinig na wika ni Cassey. Hindi niya napigilamg mapaiyak nang maramdaman ang bukal na pagtanggap  ng mga magulang ni Mathew sa kanila ni Jace.

"Hey stop making my girl cry", natatawang sabi ni Mathew ng pakawalan si Cassey ng ama.

"At ikaw naman....have you done the right thing?", baling ng ina rito.

"Hey...huwag niyo akong unahan sa....", Hindi pa natatapos si Mathew ay nagsalita na si Cassey.

Legally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon