Pagbalik nila ay tuwang-tuwa ang buong pamilya ni Mathew na engaged na sila. Pinaplano na nga ng magulang nito ang gagawing pamamanhikan sa kanila sa La Union habang hinihintay sila. Napagkasunduan nilang sa susunod na araw ay bibiyahe na silang tatlo pauwi. Mananatili sila roon ng ilang araw upang makapagbakasyon na rin. Susunod naman ang magulang ni Mathew after a week para sa pamamanhikan.
Ang anak naman nila ay mukhang napagod sa biyahe kaya nakatulog na habang nagkukuwentuhan sila. Matapos madala ang anak sa kuwarto nila ay tinawagan na rin niya ang mga magulang at ibinalita ang pagpo-propose ni Mathew. Masaya ang mga magulang para sa kanila, lalong lalo na para kay Jace.
Nagising si Cassey sa banayad na haplos sa kaniyang mga pisngi. Nang magmulat siya ng mga mata ay ang nakangiting si Mathew ang mabungaran niya. Pinagmamasdan silang mag-ina.
"Good morning sweetheart", anitong dumukwang upang halikan siya. Iniingatang huwag maipit ang anak sa pagitan nila. Pinagitnaan nila ito sa pagtulog kagabi. Isang kuwarto lang ang inihanda para sa kanilang tatlo. Ang katwiran ng mga magulang ni Mathew ay may anak na sila at ikakasal na rin kaya bakit kailangan pang hiwalay ng kuwarto.......mga kunsintidor.....
"Morning....kanina ka pa gising?"
"Uhuh....and this is one of the best morning ever....waking up beside the two most important people in my life. I would love to wake up everyday like this and watch you sleep."
"Gusto mo ba akong paiyakin ng ang aga-aga?"
"Just telling the truth sweetheart. Anyway, gigisingin na ba natin ang batang 'to o hayaan muna nating matulog, bumaba muna tayo at magbreakfast..."
"Hahanapin niya ako paggising niya, kaya nga kapag maaga ang alis ko ginigising ko siya para magpaalam, at least kung alam niyang umalis na ako kahit matulog siya uli hindi siya magta-tantrums paggising niya".
"Let's wake him up then...", ani Mathew na banayad na tinutusok tusok ang pisngi ng anak hanggang magising. Habang ginigising nito ang anak nila ay pumasok siya saglit sa banyo upang maghilamos.
Napangiti si Cassey nang makita ang nakasimangot na anak nang magmulat ito ng mata. Kinukusot-kusot pa nito ang mga mata at kumibot-kibot ang mga labi nito na tila iiyak.
"Good morning baby", ani Cassey na binuhat na ang anak at hinalikan. Sumubsob naman ito sa dibdib ni Cassey habang pilit iniyayakap ang maliliit na braso sa leeg niya
"Ginising ka ni Daddy?"
"Daddy bad...gising Jace.....", sumbong nito sa kaniya habang naghihikab pa.
Natawa si Mathew sa anak. Tumayo na siya at kinuha na ito mula sa pagkakakarga ni Cassey. Bahagya pang nakapikit ang mga matang ipinatong ng anak ang mukha sa kaniyang balikat .
"Wake up kiddo...it's time for breakfast....would you like some pancake?"

BINABASA MO ANG
Legally in Love
RomanceCassandra's life seems perfect, but in truth far from it. She has a good career, stable even considered rich in a manner of saying, beautiful but with a broken heart. But that very good career and reputation is also the reason her life is now in dan...