1 | Unexpected Happenings

9.6K 223 12
                                    




Ven's PoV

I am living alone in my condo unit, it was from my parents. Sweet sixteen gift daw nila. Pero para daw hindi ko pagtripan na nga magnanakaw, mag-disguise daw ako as a nerd though I can handle myself without any disguise.

I'm on my way to school, driving my favorite baby, I have a license though underage pa ako, tinulungan ako nina Daddy e. Sobrang nakakaagaw ito ng pansin dahil sa linis at kintab, madidisappoint ang hindi nakakakilala sa akin kapag nakita nila ang isang nerd na lumabas mula sa isang napaka-ganda at pinaka-mahal na sasakyan.

Nakarating na ako sa school, at dumiretso na ako sa private na parking lot. Well, connections.

Tago itong area na ito kaya walang nakakapansin, tsaka private nga diba?

Naglakad na ako papunta ng locker room. Iniiwan ko kasi doon lahat ng gamit ko lalo na at kung wala namang assignments.

Kitang-kita ko ang pandidiri at ang mapanghusgang tingin ng ibang estudyante sa akin. Pero hindi ko sila pinapansin, nanatili lang ang expressionless kong mukha. I don't care about 'em.

Nang makarating ako sa locker room, dumiretso ako sa locker ko at kinuha ang mga gamit ko pagkatapos ay naglakad na akong papunta ng classroom.

I have a weird feeling today, feeling ko may nakamasid sa akin mula sa malayo at feeling ko may hindi magandang mangyayari.

Nakarating ako sa classroom, at pagbukas ko ng pinto naramdaman kong may tatama sa akin kaya agad akong nagtago sa may pader at nakita ko ang paglampas ng pambura ng chalk.

Bvllsht.

Pumasok ako sa room na para bang walang nangyari, araw-araw naman na ganito, walang bago kaya sanay na sanay ako.

Nagulat sila nang makita ako na okay lang, ine-expect kasi nila na may chalk powder ang mukha ko. May nabasa kasi ako na, "Don't give anyone their satisfaction." Tama naman, lalo na kung mali ang ginagawa.

Naupo na ako sa paborito kong pwesto, pinakadulo ng left side sa pinaka-unahan. Dito ako pinaupo ng adviser namin dahil ako daw ang top one. Tsaka paborito ko ito dahil maganda ang tanawin na nakikita ko, ang ganda kasi ng mga puno, nakaka-relax kapag tinitignan ang pagsayaw ng mga dahon dahil sa hangin at kitang kita din ang malawak na field ng school.

Nakarinig ako ng bulungan.

"Baguhin natin yung plano bukas, sanay na siya sa araw-araw nating ginagawa kaya laging nakaka-iwas."

"Oo nga, yung may thrill naman, ang boring niyo mag-isip e."

"Oh, edi ikaw ang mag-isip."

Ganito ang trato nila sa akin dahil pumasok ako bilang scholar at hindi naman sa mababa ang tingin ko sa scholars, pumasok din ako ng may pimples sa mukha kahit fake lang ito, hindi ko alam kung anong trip ng parents ko basta sila daw ang bahala kapag may nanggulo sa akin dahil malalaman din naman daw agad nila kung may mangyari sa akin.


+++++++++++++++++++++++++++++++++

"Hi, can I sit with you? Wala na kasing vacant e." Rinig kong tanong ng isang babae, hindi ko na siya pinansin since naka-upo na din naman siya. Bahala na lang siya kung hindi ko siya kausapin.

"Akong nga pala si Cianna, ikaw, anong name mo?" Masayang tanong niya.

Patuloy lang ako sa pagbabasa, ganito ako lagi dito sa cafeteria, laging nagbabasa habang nakain para walang lumapit at kumausap sa akin. I hate talking lalo na at non-sense ang topic.

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon