Monica's PoVSa ilang araw ng pag-stay ko sa school na 'to ay wala pa din akong nakikitang sign na buhay si Krystal.
Oh, yes. I'm just pretending that I am Krystal pero totoo na nagka-amnesia ako. Our grandpa helped me to remember.
Ang mission ko mula kay Lolo ay ang hanapin at pabalikin sa Europe ang kakambal kong si Krystal. Pero ilang araw na nga ang nakakalipas, ako lang ang tinatawag nilang Krystal which means she's not here.
Kapag hindi ko napabalik agad si Krystal, hinding-hindi na namin makikita ang older brother namin. Kung may pakialam pa si Krystal sa kuya namin, babalik siya nang kusa kapag—
My phone suddenly rang, sinagot ko agad iyon nang makita kong agent ko yung tumatawag.
"Any updates?" I asked.
"Ayon po sa investigations ng team, nadala na siya sa Europe pero nakatakas lang ulit. After noon ay wala na po kaming nasagap na balita." Agad kong pinatay ang tawag dahil sa sinabi niya.
Kung nadala na siya sa Europe at nakatakas ulit, saan naman siya pupunta? Ito ang pinakaunang place na naisip kong puntahan dahil dito siya nag-aaral dati, and our brother used to run this place.
Nasabi din ni Grandpa sa akin na hindi din makaalala ang dalawa kong kapatid dahil sapilitan kaming tinanggalan ng mga alaala ng mga magulang namin.
Ipinadala ako sa Brazil, ang kwentong sabi pa sa akin ng mga nag-alaga sa akin ay car accident daw kaya ako nagka-amnesia. I love racing kasi, kaya yun yung nagawa nilang reason, napaniwala nila ako doon hanggang sa makusap ko si Grandpa who told me the truth.
Isa ako sa magja-judge sa ibang contests na gaganapin sa sport fests. And sana lang ay may mangyari namang maganda, like magparamdam na si Krystal?
Bigla kong naalala yung nerd na nakita ko nung gabi ng pagdating ko sa school na 'to. Agaw-pansin siya kasi siya lang yung ganoon ang suot at siya lang yung tanging nerd na nakita ko sa school na 'to.
"Hey." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Chaos.
"Babe, how are you?" I stood up and kissed him.
"I'm fine just by looking at you." I chuckled with what he just said.
Malalagot ako kay Krystal kapag nalaman niya 'tong mga ginagawa ko sa boyfriend niya! Pero parte 'to ng plano ko para mapalabas siya ng pinagtataguan niya 'no!
"Babe, I've noticed a nerd the night that I just came here. Who is she?" I suddenly asked. Napansin kong nagulat siya sa tanong ko.
"She's just a nobody." Sagot niya nang makabawi.
Really? A nobody? But why he seems so affected?
"Why don't you kick her out?" I suggested, tinitignan ko kung matutuwa ba siya o hindi.
He looked at my eyes.
"Hindi ka pa din talaga nagbabago." After that, he kissed me gently.
"Gala tayo?" Biglang aya niya, agad naman akong napatango.
It's kinda boring in here, Krystal's mini lodge but the place is nice though.
While we were walking, nagmamasid kami ng paligid. Nagpromise kasi siya na itu-tour niya ako kapag trip niya para na din makaalala ako. Well, wala akong maaalala kasi hindi naman ako si Krystal!
Habang naglalakad kami papasok ng event center ay may nakabangga sa akin.
Oh, it's the nerd.
BINABASA MO ANG
Onfire Academy: The School of Badasses
ActionThere's a school where the students are gangsters, mafia heir and heiress, badass elites and more. It's the Onfire Academy. A school with no peace. A school like hell. Until a fragile nerd came, but looks can be deceiving, better not mess with her.