I am trying to figure out a way on how to escape this. Patuloy pa din sila sa pagpalo sa akin gamit ang mga baseball bat nila. Bawat palo nila ay tila ba parang may galit.First time ba nilang makakita ng panget? Bakit ba kayo mga galit na galit?
Medyo napaluhod na ako sa dahil sa sakit at panghihina. Bakit ba kasi sabi ni Daddy na wag akong lumaban? Does that mean kahit na ganito ang mangyari sa akin, hindi ako lalaban?
Habang mas lalong tumatagal, nawalan na ako ng lakas. Tumigil na din sila sa pagpalo sa akin. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko, medyo dumidilim na ang paningin ko.
Sobrang warm naman ng pag-welcome nila sa akin. Geez, thanks. Sobrang nakaka-taba ng puso.
"Pre, baka napatay na natin yan? Lagot tayo nito!" Sabi nung isang lalaki. Nakapikit lang kasi ako dahil nagdidilim talaga ang paningin ko, alam kong anytime ay mawawalan na ako ng malay.
"Tch, wala akong pakialam. Madami naman kayong pwedeng maghukay ng paglilibingan niyan." Mayabang na sabi nung isa pa.
"Bugok ka ba? Malalaman pa din ni Mr. Clayford kung may nangyari ba diyan o wala!" Umalma naman yung isang lalaki.
"Tss, boys, let's go to our classrooms na lang. They wouldn't know who did this to her, just leave no traces." Mataray na suggestion nung isa.
"Tama, talino mo talaga Rea." Compliment naman nila dun sa babae. Hahanapin ko yang Rea na yan.
Rinig ko ang kaluskos ng mga paa nila sa damuhan, tanda ng kanilang pag-alis palayo. Sinubukan kong tumayo pero natumba din agad ako. Walang-wala na akong lakas.
Ilang minuto na ang nakakalipas, umaasa pa din ako na sana may tumulong sa akin. Napakatahimik ng paligid, tanging simoy na lang ng hangin ang naririnig ko nang bigla akong lumutang. Nataranta naman ako kaya minulat ko ang mata ko.
Dahil medyo blurry ang nakikita ko, tanging malabong image ng lalaki na lamang ang nakita ko. Buhat-buhat niya ako na para bang bagong kasal.
Before I passed out, I realized something. This feeling when I'm close to this guy is very familiar.
+++
I woke up here on my bed, I don't know who helped me pero bukod dun sa bumuhat sa akin, nakita ko ang isang babae na naglalagay ng betadine sa isang bulak dito sa gilid ng kama ko. Nakita ko namang ilalagay niya na iyon sa may noo ko pero bigla akong umiwas kaya nagulat siya.
"Hala, sorry, nagising yata kita." Mahinahon na sabi niya.
"Ako nga pala si Scarlett, ako yung nautusan ng dean para samahan ka sa first day mo. Hinihintay kita dito kanina kaso nakaalis ka na ata non, tapos nagulat na lang ako buhat ka nung BP Leader. Tapos sugatan ka pa." Nakangiti niyang sabi. Anong BP?
"Gamutin ko na yung sugat mo sa noo ha?" Paalam niya sa akin pero agad ko siyang pinigilan.
"Ako na lang, naabala ka pa." Kinukuha ko sa kanya yung bulak pero nilayo niya agad sa akin. Naalala ko kasing baka natanggal yung fake pimples ko lalo na nung tulog ako.
"Nope, it's fine." Sabi niya, wala na din akong nagawa nung nadampi niya sa noo ko yung bulak.
"Uhm, Scarlett. Ano yung BP?" Bigla kong tanong sa kanya. Natatawa ako kasi naisip kong baka Blackpink yon.
"Ah. Yun yung Black Phantom na gang dito sa school. Sobrang sikat sila dahil bukod sa magaling silang makipaglaban, sobrang gwapo at hot pa nila." Base sa pagdedescribe niya, mukha isa siya sa mga fan non.
"Ang swerte mo nga e! Never lumapit sa isang babae yung Leader ng BP pero ikaw, binuhat ka pa! Sana all!" Medyo napapatili pa siya.
"Naawa lang siguro yon sa akin?" Sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
Onfire Academy: The School of Badasses
ActionThere's a school where the students are gangsters, mafia heir and heiress, badass elites and more. It's the Onfire Academy. A school with no peace. A school like hell. Until a fragile nerd came, but looks can be deceiving, better not mess with her.