39 | Manipulation

1.3K 59 12
                                    




"Krystal, I'm so happy that you're alive." Kita ang kislap sa kanyang mga mata habang nakatingin sa kaharap na dalaga sa gitna ng arena.

"She's dead! Ilang beses ko bang dapat ulitin?" She tried to conceal her feelings through her cold voice and showing no emotions but when you stare at her eyes you'll know what's inside her head.

"No, anak kita kaya alam ko, Krystal." Sinubukan niyang lumapit ngunit humakbang ito palayo. Pinipigilan ng dalaga na saktan ito dahil alam niya sa sarili niyang kapamilya pa din niya kaharap niya.

"Walang inang nagmamahal na itatakwil ang anak para sa kaligayahan ng iba." Puno ng pait ang boses niya.

"Hindi ibang tao ang kakambal mo! Sige na, Krystal, mag-usap tayo nang maayos! May kailangan kang malaman!" Napadako naman ang tingin ng ginang sa madugo niyang damit. Alam niyang hindi lamang iyon basta talsik ng dugo.

Napatingin din si Celestine sa tiyan. Shit, nagbukas na naman.

"Anak, may sugat ka. Umuwi na tayo, gagam—"

"No! Hindi mo ako anak! Wala akong ina!" Dahil sa galit niya at umamba siya ng pagsuntok sa ginang. Ilang beses niya iyong ginawa ngunit lahat iyon ay nailagan.

"Come on, don't make it easy for me. Use you catastro-fist." Mas lalo siyang nainis dito. Iniba niya ang ginamit na atake at ito ang double roundhouse kick. Hindi iyon inaasahan ng kalaban niya kaya medyo nawala ito sa focus ngunit pinagpapalagay ng dalaga na pinapadali lamang ito ng ginang para sa kanya.

Dahil sa naisip niya, nabuhay ang galit sa kanyang dibdib. Wala siyang ginawa kundi ang umatake nang umatake hanggang sa mapagod ang ginang sa kakailag sa mga atake niya. Kung wala man lang siyang natamong saksak ay alam niya sa sarili niyang kaya niya itong gawin maghapon.

"Krystal, please! Listen to me for once!" Kumulo pa lalo ang dugo ng dalaga ng tawagin siyang 'Krystal' ng ginang na kaharap niya ngayon.

"I told you not to call me with that name!" Dahil sa inis niya ay sinubukan niyang bigyan ng front kick ang ginang. Nagulat naman siya nang mailagan niya ito.

Dang, I forgot. She was supposed to be the heiress that's why she can fight. She told herself.

"My name..." She tried to punch her. "...is Celestine!" Bawat suntok niya ay mararamdaman mo ang galit. May ilan na tumama sa ginang ngunit tila wala itong epekto sa kanya.

"Got you." Rivienne smirked when she caught Celestine's hand. Nagulat man ang dalaga ay hindi niya iyon pinahalata at sinubukang agawin ang kanyang kamay.

Ngunit sa isang iglap ay naramdaman na lang niya ang pagtama ng likod niya sa matigas na sahig na siyang ikinahina niya.

"Argh!" Daing nito. She can't believe that a woman who's older than her did that! She didn't even saw it coming.

"I told you to listen to me, just once. You want me to call you 'Celestine'? Okay, fine. But don't disrespect me. I am still your mother." Kahit si Celestine na walang kinakatakutan ay nakaramdam ng kilabot nang magbago ang tono ng matanda. It's like she transformed into a monster, ready to devour its prey. It's the first time she saw her like this!

"Y-You disrespected me first!" Sinubukan niyang bumangon ngunit inapakan ng ginang ang kanyang tiyan. Napadaing naman siya nang matamaan ng paa nito ang saksak niya na nakuha.

"There's no time to explain why we did that! I have to tell you something else! Ginagamit ka lang ni Papa!" Sigaw nito.

"Mother died because of an anonymous killer. We convinced papa that she died because of sickness but he insisted that she was killed by someone! That's the reason why I didn't want to be the heiress! Alam kong gagamitin niya lang ako para hanapin kung sino ang pumatay kay Mama! Pero tignan mo ang nangyari ngayon..."

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon