23 | Siblings

2.5K 90 2
                                    




Krystal's PoV


Agad akong tumakbo papalapit kay Scarlett nang makita ko siyang pumasok ng mansion.


"Krystal?" Nagulat siya.


I realized something.


"T-Teka, nasaan si Elise?" I nervously asked.


Nakita ko kung paano namuo ang luha sa mga mata niya.

"B-Bakit mo hinahanap ang kaibigan ko, K-Krystal?" Nag-simula na siyang umiyak.


"Mamaya na ako magpapaliwanag, nasaan ba siya?" Natakot ako nang umiling siya.


"W-Wala na siya, wala na ang kaibigan ko, pati si Astrid, hindi ko na makita." Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko.


"Y-You mean patay na si Elise?" Paninigurado ko.

Hindi niya na ako sinagot, umiiyak lang siya nang umiiyak.

"Krystal, pagpahingahin mo muna ang kaibigan mo." Tumingin sa akin si Scarlett na puno ng pagtataka, pero nilapitan siya ni Mommy.

"Ihahatid na kita guest room."





Agad kong hinanap si Chaos para komprontahin.



"Oh, Krystal, hanap mo si Chaos?" Biglang sulpot ni Amazon sa harap ko.


I nodded.


"Nandoon siya sa library kausap yung Daddy mo. Pupunta ako doon, sabay ka na sa akin." Napansin ko ang hawak niyang tray ng mga sandwich.

"Bakit ba ikaw ang nagdadala niyan?"

"Ang seryoso nila doon sa loob e, gusto ko lang huminga kasi nakaka-suffocate e, hehe." Nagsimula na siyang maglakad.







They looked at us the moment we entered the library. Agad kong nilapitan si Chaos at binigyan siya ng napakalutong na sampal.

"Damn you, Chaos. Bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi?!" Umiiyak na sabi ko. Sinusuntok-suntok ko pa ang dibdib niya.

"Krystal, I'm sorry. Ayoko lang madagdagan yung iniisip mo." Mas lalo akong nagalit dahil sa sagot niya.

"Wala pa akong sinasabi ah! Edi kagabi mo pa pala talaga alam?!" Dahil sa galit ko ay parang kusang gumalaw ang kamao ko papunta sa mukha niya.


Sabi ko na nga ba, duda ako diyan kagabi e.

"Krystal!" Sigaw ni Daddy.

Nag-walk out ako at naglakad palabas ng mansion. Napatigil ako nang makita ko si Mr. Clayford, pansin ko ang ilang sugat sa mukha niya.

"Miss Heritez." He smiled at me. Pero tinignan ko lang siya. Nagsimula na ulit siyang maglakad kasama ang mga tauhan ni Chaos.


"Sandali." Napatigil sila at tumingin sa akin.

I walked towards him.

"You're probably thinking why you're here?" Marahan siyang tumango.

"Nandito ang anak mo." Tapos nag-lakad na ako papunta sa kotse ko.

"Krystal, sandali!" Hinawakan ako ni Chaos sa braso bago pa man ako makapasok ng kotse. He's gasping for air.

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon