15 | Vixen

2.4K 95 1
                                    




Scarlett's PoV

Naka-titig lang ako sa kanila habang pinagtitripan nila si Astrid.

I want to help her but I can't.

Simula nang gamitin niya ang codename na yon, natakot ako. Alam kong pag-iinitan siya ng mga tao dito. Lalo na ng leader ng BP.

Kinakausap ko pa din siya noon kahit yung codename na yun na ang gamit niya until Rea talked to me. Sabi niya, kapag kinaibigan ko pa din si Astrid, in just one second, kakalat ang sikreto ko.

Ang sikreto na hindi dapat malaman ng kahit na sino, kaya kahit gaano ko kagustong tulungan si Astrid everytime na binubully siya, hindi ko magawa.

Alam kong galit siya sa akin, but I have my reason. Sana lang ay maintindihan niya. Kapag kasi hindi ko ginawa ay pati ako mabubully din. I know it's selfish.

Tumayo ako at nagsimula nang maglakad papunta sana sa CR kaso para kasing may nag-uusap dun sa isang vacant room. Sound proof naman yung mga rooms dito pero iniwan kasi nilang bukas yung pinto.

I tried to listen, kahit masamang mag-eavesdrop.

"We're done with the first step, babe! Lumayo na sa kanya yung friend niya. You have lots of plans pala, hindi mo sinabi sa akin. She looked so scared pa sa archery na activity natin!" It's Rea. Mukhang tuwang-tuwa pa siya.

Wala akong narinig na tugon.

"So what's the next plan?" She asked.

"The new girl seems to be so close to her. Make her life miserable too, so she'd leave that nerd alone." Oh my gosh! Chaos!


Agad akong naglakad palayo para magtago nang maramdaman kong sisilip sila sa labas, it's a good thing na mabilis akong maglakad at tumakbo. That's why I chose to be called Vixen.

Although maikli lang din ang pasensya ko.


Anong gagawin ko dahil sa narinig ko?





Astrid's PoV

"Stop it!" I heard her voice again. Why does it feel like she's my guardian angel?

She comes everytime I'm in danger, lol.

Itinigil nila ang pambubully sa akin, of course, they listened to her because she's pretty.

Bigla namang may dumating. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko. Tch, binuhusan nila ako ng harina. Hindi naman sila handa niyan?

"Why do you care so much about her?" Mataray na tanong ni Rea dun sa guardian angel ko. Tss, ang lame ng tawag ko.

"Kasi kaibigan ko siya!" Matapang na sagot niya.

"Let's see if you're still going to treat her as a friend after this." Nagulat ako nang sinampal niya ang guardian angel ko. I closed my fist, trying to control my anger.

Sinenyasan ni Rea ang mga alipores niya, maya-maya pa pinagtutulungan na nila yung laging lumiligtas sa akin.

I forgot her name since matagal ko siyang hindi nakita, pero never kong nakalimutan na ilang beses niya na akong kinaibigan no matter how I look.

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon