20 | Insignia

2.3K 87 1
                                    




Astrid's PoV

One week na lang, sport fest na. Kaya kailangang focused kami sa practice ngayon. Sino ba kasing nagpa-uso nito?


Naging balita sa campus yung nangyari kay Dark, pero halatang hindi niya sinabi kung saan niya nakuha yon. Ini-announce din ni Chaos na kung sino man ang gumawa non kay Dark ay may parusa mula sa gang.

Sana sabihin ni Dark, gusto ko ulit ng thrill sa buhay.









Mabilis lumipas ang mga araw, bukas na ang ng sport fest. Pahinga na ako ngayon, wala ng practice, mag-focus naman daw ako sa pag-iingat ng sarili ko.

Binigyan pa nga pala nila ako ng skin care products nung unang araw ng practice, pero hindi ko naman ginagamit. Mas hiyang ako sa mga dala ko talaga. Medyo binawasan ko na lang yung fake pimples ko nung nakaraan para mamukhang effective yung products na binigay nila.

"Ven, ano mga sasalihan mo sa first day?" Biglang tanong ni Elise sa akin.

Ano nga ba? Hindi ko naman alam kung anong mga pwedeng salihan, tsaka wala akong pakialam. Gusto ko lang sanang matulog maghapon.

"Wala." I answered.

"Ven! Mabobored ka lang kapag wala kang sasalihan!" Pangungulit niya sa akin.

"E bawal din naman akong maglilikot, iwas sugat." Nagtalukbong ako ng unan. Naramdaman kong umupo si Elise sa kama ko.

"Ah, basta isasama kita bukas!" Pumikit na lang ako at hindi siya pinansin.









Unang araw ng sport fest, lahat kami ay nagpunta sa auditorium para sa introductions. Hindi na lang ako nakinig, kasi wala talaga akong pakialam. Tsaka mamaya ay irerepresent ko ang section namin, ipapakilala din ang mga muse sa unahan e.

"Hoy, Ven, makinig ka." Bulong sa akin ni Elise.

Napansin kong luminga-linga siya sa paligid, sino bang hinahanap nito? Nagpaalam naman si Scarlett sa amin na may aasikasuhin siyang booth.

Napalingon ako sa gawi nina Chaos, katabi niya si Krystal na nakikinig sa nagsasalita sa unahan. Nagulat naman ako nang makita kong nakatingin sa akin si Dark. Nginisian ko siya nang makabawi ako sa gulat.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng mapatingin ako kay Shadow. Oh my gosh, he smiled!

Napa-iwas ako ng tingin at napansin yun ni Elise.

"Ikaw ha, humaharot ka na." Pang-aasar niya sa akin. Inirapan ko na lang siya.








Lumipas ang mga araw, naging normal naman ang mga namgyari. Si Elise ay parati lang akong hinihila kung saan niya gustong pumunta, ang masama pa noon ay kung nasaan sina Chaos, doon niya ako dinadala.

She's being weird na.






Someone's PoV


"So, how was the plan?" She asked as she entered the room. Azalea.

"I've heard that they're having a sport fest, and it's on their third day already." Singit naman ni Phoenix.

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon