8 | Deadly Welcome

3.6K 115 3
                                    



This chapter is dedicated to @MilesOrsoa 👋🏻  Ingat ka palagi and God bless 💖

+++

After nung gala namin sa Europe, umuwi din agad kami sa Pinas dahil nag-aalala nga daw si Mommy.

Sa totoo lang kakagising ko lang ngayon, nagbukas naman ako ng account ko sa facebook. Dahil madami akong personality, madami akong account.

Yung account ni Riela muna yung binuksan ko, pero hindi na nagulat dahil sabog na naman ang notifications, messages at friend requests.

Nag-scroll muna ako para manood ng mga nakakatawang videos. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko.

"Come in." Sabi ko. Nagbukas naman ang pinto at pumasok si Mommy.

"My baby girl! You should get ready na!" Masigla niyang sabi tapos umupo sa kama ko para tumabi sa akin. Hinaplos pa niya ang pisngi ko tsaka malungkot na ngumiti sa akin.

"What's the matter, Mom?" Nag-aalala kong tanong, isinarado ko naman ang laptop ko.

"I'll miss you for sure." Bigla siyang naluha.

"Mom, I can stay here if you want. I'll convince Dad." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nalungkot naman ako nang umiling siya.

"No, sweetie. I want you to go because it's your safety." Pinunas naman niya ang luha niya nang biglang pumasok si Dad.

"Hon, uuwi din naman siya kapag holidays e." Lumapit si Daddy kay Mom para yakapin ito.

Ang sweet naman, sana all.

Yung tungkol naman sa latest kidnapper ko. hindi na ako nagtanong although parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip kung sino yon. Paano kung matandang hukluban lang pala na nangangailangan pala ng pera?

Pinahanda na nina Mom sa maids yung mga gamit na dadalhin ko dahil required mag-stay sa loob ng school na papasukan ko. Bale mag-dodorm ako. Magdadala na lang ako ng extra cash para may pambili ako ng mga kakailanganin.

Napag-usapan na din namin nina Daddy yung personality ko sa loob ng school na yon. Iniwan ko muna sila sa may kama ko at pumasok sa banyo para mag-ayos.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na akong mag-ayos, bumaba na din kami para kumain and then gora na.

Nang matapos ang munting bonding naming tatlo habang nakain ay sumakay na ako sa kotse ni Dad, ihahatid na lang daw niya ako. Habang nasa daan pa kami ni Dad, tinawagan ko muna si Zy.

"Hey, Zy." Pambungad ko sa kanya.

"Hm?" Mukhang bagong gising ang lokong 'to ah.

"I'm on my way there. Ikaw na bahala sa gang." Sabi ko tsaka ko pinatay ang tawag.

Actually, dati ay kasali na ako sa isang gang pero pinatigil ako nina Mommy dahil delikado daw. And then, yung ngayon patago lang ulit tapos nalaman pa ni Mommy na ako ang leader, pinagalitan niya ako. Kung gusto ko daw mag-stay sa gang na yon, pumasok ako sa school na pupuntahan namin ngayon.

Yung dating school ko naman, nagawan na ng paraan nina Daddy para hindi suspicious yung pag-alis ko don. Pinalabas nila na I have to manage our business in California kaya doon muna ako mag-stay for a while.

Pinagmamasdan ko lang ang paligid habang nasa daan pa kami kasi hindi talaga ako makatulog kapag nasa byahe.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita si Daddy.

"Sweetie, I am going to make up a story there, sakyan mo na lang ang trip ko ha." Natawa ako sa sinabi ni Dad.

"Yes, Dad, I will." Sabi ko at tumanaw na ulit sa labas, namangha naman ako sa nakita ko. Napakataas na gate at mga pader. Akala ko malaki na yung former school ko pero may mas lalaki pala doon at ito yon.

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon