19 | Actions

2.3K 86 0
                                    





Astrid's PoV

Nung madeliver ko yung message ko kay Dark, nagbihis kaagad ako bago pumunta sa sinabi kong location. Ang suot ko ngayon ay maluwag na pants, tapos naka-long sleeves din ako nang medyo maluwag. Hindi na ako nag-abala na mag-makeup at maglagay ng fake pimples kasi baka mauna pa siya sa akin kapag ginawa ko pa yun.

Sinuot ko na lamang ang makapal kong salamin tapos medyo ginulo ko pa ang buhok ko para naman mukhang nerd pa din.

Naalala ko kung paano ako nag-effort na mang-stalk kay Dark nung mga nakaraang araw para malaman kung ano ang effective na bait kay Dark.

Dahil mukha siyang babaero, pati yung mga babae niya, sinundan ko din. Napag-alaman ko pang si Shiena yung madalas ka-fling ni Dark!

Pinagki-kwentuhan nina Shiena sa may cafeteria kasama ang mga kaibigan niya, hindi naman halatang ini-stalk ko sila isa-isa bandang 8:32 am. Si Caryl lang naman yung blonde na babae tapos si Lean yung brown yung buhok na laging kasama ni Shiena kahit saan. Base sa mga narinig ko, si Shiena lang yung madalas makalapit kay Dark dahil naaliw niya ito ng sobra!






Nang makarating ako sa location na sinabi ko ay nagtago muna ako sa likod ng malaking puno. Mabuti na lang at nauna pa din ako sa kanya.



Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang kaluskos, sign na nandito na si Dark!


Napangiti ako dahil sa naisip ko, kumagat talaga siya doon?

Sinilip ko siya nang bahagya para tignan kung nakatalikod siya mula sa pwesto ko. Nang masigurado kong nakatikod siya ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod niya para hindi marinig ang kaluskos ng sapatos ko sa mga damo.

"Nasaan na ba si Shiena?" Napakamot pa siya nang ulo, tapos luminga-linga sa paligid.






Dark's PoV

Naramdaman kong may tao sa likod ko. Si Shiena na yata ito!

Agad ko siyang nilingon.

"Ay panget!" Nagulat ako nang makita ko si Nerd pero ang kinis na niya ngayon! Ang ganda! Joke lang na panget siya.

"Teka? Krystal?" Naguguluhan kong tanong. Pero imposible kasi hindi pinapalabas ni Chaos yun nang hindi siya kasama.

"D-Dark, tulungan mo ako." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ha? Bakit ka ba nandito? Krystal, lagot ako kay Chaos! Anong tulungan kita? Anong meron?" Dahil kinakabahan ako ay hindi ako mapakali.

"Why do you guys always call me Krystal?" Nagulat ako nang biglang naging matuwid ang pagsasalita niya.

The way she talks is like Krystal! Kaya bakit niya pa tinatanong yun?

"Kasi ikaw si Krystal? Tara na, ibabalik na kita sa lodge mo." Hinawakan ko ang kamay niya para hilahin siya pabalik pero nagulat ako dahil sa sakit.

Nung hinawakan ko ang kamay niya ay agad niya itong inilagay sa likod ko na para bang magnanakaw ako na dapat ikulong. Damn, ang bilis niya at ang lakas.

"Hindi ako si Krystal." Mariin niyang bulong sa akin. Medyo kinilabutan ako doon.

"Anong hindi ikaw si Krystal? Pinagtitripan mo ba kami? Aw, shit!" Mas lalo niyang idiniin sa likod ko yung kamay ko.


"Hindi nga ako si Krystal. Ako si Astrid. Yung muse na pinagtripan mo lang." Mas naguluhan ako sa sinabi niya.


"Krystal. Tama na." Kulang na lang mag-makaawa ako e. Nasaan na ba si Shiena?

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon