36 | Betrayals

1.4K 55 0
                                    



"Termy, come here." My pet approached me while wagging his tail.

Pinadaan ko ang aking palad sa kanyang ulo hanggang sa kanyang katawan nang makalapit siya sa akin at mukhang nagustuhan niya iyon.

"You'll come with me after two days." I talked to him as if he would answer.

"I will give you lots of treats if you finish your mission, okay?" Dahil doon ay tumahol siya para iparating sa akin na tinatanggap niya ang mission.

Matapos ang iyon ay tumayo ako para ihatid siya sa kanyang tahanan. An improvised wooded forest outside this mansion. Specially made for him. Kada kukuhanin ko siya mula roon ay tsaka nila malalagyan ng madaming karne ng kung ano-anong hayop sa iba't ibang parte ng tirahan nito na kasya sa ilang araw o buwan.

Kapag naman nagagawa nito ang gusto ko ay pinapadalhan ko siya ng buhay na baboy para siya na lamang ang gagawa ng paraan para kainin niya ito. Para may thrill.

Lahat naman ng makasalubong namin ay napapatigil sa ginagawa at napapaiwas dahil sa takot na baka saktan sila ng alaga ko.

Nang makarating kami sa entrance ng tirahan niya ay tumingin siya sa akin, alam kong gusto niya akong yakapin kaya lumuhod ako at hinayaan gawin ang gusto. He's sweet like this to me but he's really wild kapag ibang tao ang nag-aalaga sa kanya.

Ang alam ko, ilan na ang nasugatan dahil sinubukan nilang pakainin ito. Nabalitaan ko din na nakawala ito nang isang beses at tinakbo nito ang aking kwarto pero wala ako doon. Ilang araw muna ang lumipas bago ito nahuli, they had to leave the mansion for days. Mabuti daw at walang nasugatan pero nang makabalik naman sila ng mansion ay puro sira ang mga gamit.

Palagi akong napapangiti kapag naaalala ko iyon. Good job, Termy.

"See you, baby." After that, tinanggal ko na ang harness niya. He run freely inside his home as I close the gates.









"Sir, magpapaload lang po ako para makausap ang anak ko." Paalam sa akin ng isa naming katulong dahil naabutan niya akong papasok ng bahay at mukha namang palabas na siya. I just nodded to her and umalis na siya.

"Son, how's work?" Bungad sa akin ni Daddy na may dala pang baso ng tubig.

"Never not fine, Dad." Tanging sagot ko lamang.

Maya-maya pa ay lumapit si Mommy sa amin na mukhang paalis dahil sa suot niyang casual attire. Ilang minuto ang makalipas ay lumapit si Kleirr sa amin na naka-casual attire din.

"Where are you going, Mom?" Baling ko sa kay Mommy.

"Magsha-shopping lang kami ni Monica, para sa flight mamaya." Ngumiti siya lumingon kay Kleirr.

"What flight?" My brows furrowed.

"Sinend na ni Papa ang date and location, the event will be somewhere in Croatia in 2 days. Mahigit 20 hours ang byahe and gusto din ni Monica na gumala muna." Paliwanag ni Mommy.

"You can just buy anything you want even in Croatia, why bother to go out?" Seryosong tanong ko.

"Maybe for a girl bonding na din siguro. Hayaan mo na! Minsan lang naman. Siya nga pala. mag-impake ka na. Mamayang gabi ang flight natin." Matapos yon ay naglakad na sila paalis at sinundan ko na lamang sila ng tingin.

Paglingon ko naman ay nakatingin din sa akin si Daddy.

"Kumain ka na ba? Nagluto si Manang ng bistek." Hmm, sakto. I'm kinda hungry.

Tumango na lamang ako sa kanya at tsaka nagpunta sa kusina.

I miss Krystal. That girl bonding with Mom and Kleirr, she never experienced that. We're not allowed to mention her name here anymore to respect Kleirr's feelings but that sucks for me. They have to respect too Krystal even if she's... damn, I still can't say it. Pero pansin ko kay Kleirr na naiinis siya kapag sinasabi ng ibang tao ma siya si Krystal pero ayaw niyang ipahalata. Or nami-misinterpret ko lang siguro ang pagtungo at pagkuyom ng kamao niya everytime na ganoon ang nangyayari? Siguro nasasaktan siya? I don't want to judge her because she's my sister.

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon