2 | Onfire Academy

6.4K 193 1
                                    

Ven's PoV

Aw! My freakin' head hurts! Ano bang nangyari? Nag-inom ba ako? Nagising kasi ako dahil sa putukan! Hindi ko nga alam kung bakit may nag-babarilan e.

Dahan-dahan akong umupo habang sapo-sapo ang ulo ko. Narinig ko ang pag-bukas ng isang pintuan. Nang maka-adjust ang mata ko sa liwanag ay nakita ko ang isang lalaking naka-ngisi habang nakatingin sa akin.

"Akalain mo yun, ang bilis makatunog ng pamilya mo." Sabi niya sa akin, at umupo malapit sa may kama na kinalalagyan ko.

"Who in the hell are you? Where the fvck am I? What do you freakin' need from me?" Sunod-sunod kong tanong. Natawa naman siya.

"Oh, I can sense fear." Pang-aasar pa niya. Tss.

"Tanga! Hindi fear ang tawag dun, curiousity!" Nanlisik ang mata niya sa akin nang tawagin ko siyang tanga. Truth hurts.

Napalingon kaming pareho sa may pinto na naka-lock nang may sumubok na magbukas nito. Nag-ring din ang cellphone niya. Agad din niyang sinagot.

Ni hindi man lang siya nag-salita, basta niya pinatay ang tawag nang may galit sa mukha.

"Hindi pa tayo tapos. Babalikan at babalikan kita. Magtutuos tayo." Mariing sabi niya at dumiretso sa may bintana, may inayos lamang siya na konti doon at bigla na lamang siya nawala na parang bula. Mukhang pinag-handaang mabuti ang mga ito ah?

Tsaka ano bang kailangan niya sa akin? Mukhang mayaman na naman siya, kung kailangan niya ng pera, isasaksak ko pa sa lalamunan niya! At hindi hamak na kasali lamang ako sa isang gang! No more, no less! May atraso ba ang gang ko sa tangang yun?

Tuluyan nang nag-bukas ang pinto at bumungad sa akin ang mga armadong lalaki at mukhang may mga kasamang assassins dahil may dalawang naka-itim at balot na balot ang mukha.

Ano bang nangyayari?! Naguguluhan na ako ng sobra. Dapat nga wala akong pake e, pero pagtataka lang talaga ang makikita sa dapat ay naka-pokerface kong mukha.

Nag-silapit sila sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Teka?! Pagkatapos ng isang kidnap, may kikidnap ulit? The fvck!

"Bitawan niyo ako." Malamig kong sabi pero hindi sila nakinig, pilit pa nila akong itinatayo. Naalala ko pa yung sabi nung tanga kanina na mabilis makatunog ang pamilya ko, what does he mean by that? Kasi kung kidnap for ransom 'to tatawag siya sa parents ko at hihingi ng malaking halaga ng pera kapalit ko, pero sabi niya, makatunog, ibig niya sigurong sabihin ay tatawag palang siya? Am I right, nalilito na kasi talaga ako at wala naman akong alam na may mga ganitong tauhan ang parents ko, ang mga tauhan nina Daddy ay men in black lang, takot din sila na pilitin ako sa kahit ano kasi alam nila ang kaya kong gawin.

"Kapag hindi niyo ako binitawan, may kalalagyan kayo." Walang emosyong sabi ko, tinignan ko silang lahat ng masama kasama na yung mga armadong lalaki na nakabantay sa may pintuan.

"Sorry, but you need to go with us. You belong to us!" Boses ng isang lalaking naka-itim or should I say assassin.

Hindi ko na siya sinagot pa, ginamit ko ang buong lakas at bilis ko para maagaw ko ang magkabilang braso ko mula sa mga nakahawak sa akin. Siniko ko ang nasa right side ko kaya napalayo ito sa akin. Binigyan ko naman ng malakas na suntok sa mukha ang nasa left side ko pero hindi pa din siya natinag, mukha matigas ang bungo nito ah. Naalerto naman ang mga nakabantay sa pintuan.

Sabay na lumapit sa akin ang mga assassin at sinugod ako. Mabilis akong tumalon papunta sa likod ng lalaking nasa left side ko, at kinuha ko ang espada na nasa likod niya.

It's a katana.

Napatigil ang dalawang assassin. Mukhang hindi alam ang gagawin, inihanda naman ng mga armadong lalaki ang kanilang mga baril at mukhang handa na silang barilin ako. Well, dapat silang matakot dahil kahit gaano sila kadami, kayang-kaya ko silang patayin in just a span of time, with just one weapon.

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon