31 | Weapon

1.5K 64 3
                                    




Chaos' PoV

"Uh, guys?" Napalingon kaming lahat kay Techno dahil sa sinabi niya.

Lahat kami ay unti-unting nagsilapit sa kanya.

"Yung kotse na nalagyan ng tracking device, nasa parking lot lang ng isang hotel. Pero ang weird lang kasi, ang alam ko ay luma na yung hotel na yon." Pag-aalinlangan niya.

Agad namang tumayo si Ashton at pumunta sa harapan.

"That would be a great help." Panimula niya.

Nakita ko namang tumayo ang Mommy at Daddy ni Krystal, nag-usap sila sa isang gilid ay maya-maya pa ay may kausap na sila sa telepono.

"Okay, I think they are already doing something." Isinenyas niya sa amin ang mga magulang nila. "We're gonna talk about that girl who helped Chaos last night."

"Why do you think she helped us? Is she a friend or a foe in disguise?" Bumaling siya sa akin.

I shrugged.

"All I know is she knows a lot about us and our opponent." Tangi kong sagot.

"Nagpadala na kami ng mga tao doon, pero wala daw silang nakitang kahit isang tao sa loob ng building na yon. Let's eat dinner first." Naupong muli si Mommy.

"Patuloy pa din naming hinahanap yung babae, pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya matunton." Sabi naman ni Daddy.

Naging matahimik ang paligid, tila lahat ay may malalim na iniisip.

"Let's eat our dinner first." Aya ni Mommy.

"Okay, we'll continue later." Agad silang tumayo pero nanatili ako dito.

If that's an old building, then where could they be? Is there an underground hideout or they just used the helipad for escape?






Krystal's PoV

I still don't get it and I still don't know who he is.

"Babe, let's eat." He said as he opened the door.

Alam kong hindi niya ako makikita dahil nakabalot ako sa comforter at itinatago ang mukha para mag-isip ng mga maaari kong gawin.

"Hey, you haven't eat anything yet." Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko.

"Or maybe you want to eat here? Okay, I'll ask them to bring your food here." Tumayo siya at nagsimula nang maglakad palayo.

Agad akong bumangon at hinuli ang kamay niya. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"Can I borrow your phone?" Napansin ko kung paano siya nataranta sa tanong ko.

"Uh, gagamitin ko mamaya e. W-Why?" Nag-iwas siya ng tingin sa akin, at tinignan naman ang kamay kong nakahawak sa kamay niya.

"If you want, I'll just buy you a new phone." Matapos iyon ay naglakad na siya palabas.




"Maam, pinapasabi po ni Sir, pagkatapos niyong kumain, pwede kayong magpunta sa pool area." Sabi sa akin ng isang tauhan niya na naka-formal.

"By the way, I am his secretary, just call me Lia. And here's your phone." She handed me a paperbag, and alam kong nandoon yung phone na yun.

Nilapag naman ng mga kasama niyang katulong ang pagkain kong naka-tray sa kama.

"Thanks." Tanging sagot ko at tinignan lang sila hanggang makalabas sila ng kwarto.

Noong una ay nag-aalinlangan akong kumain pero gutom na ako kaya sa huli ay naubos ko din. Matapos iyon ay kinuha ko ang paperbag na may lamang cellphone at agad na sinubukan iyon.

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon