24 | Escaped

2.3K 97 5
                                    




Gosh, seryoso ba 'to? 2k reads na?! Hindi ko ineexpect na aabot sa ganon kadaming reads pero sobrang thankful ako sa mga patuloy na nagbabasa.

Dahil 2k reads na, send kayo ng mga dare or questions sa akin. Pipili ako ng dalawang dare and limang questions HAHAHA

Follow me on twitter! @mysteriousgalWP

+++

Krystal's PoV

"Hindi ka naman pala mahirap pilitin." Pang-aasar ko sa kapatid kong nagmamaneho ng kotse ko.

"Shut up, Cel." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa daan. Pumikit na lamang ako dahil sa pagod, hindi talaga ako makatulog dahil sa mga nangyari. Siguro naman ay makapag-pahinga ako kahit ngayon lang.

Ilang oras lamang ang byahe namin, at nakarating na kami sa mansyon. Ang ilang maids na nasa labas ng bahay ay nagbulungan nang makita kaming lumabas ng sasakyan.

Hindi ko na lamang sila pinansin at sumunod agad kay Kuya na walang tigil sa paglalakad.

"Son!" I heard my Mom's voice.

Nang marating ko ang pintuan ay nakita kong yakap siya ni Mommy.

Napatingin kami sa taas nang maghiwalay sila nang yakap. Nagsilabasan na ang gang mates ko pati sina Chaos mula sa library. Napa-irap na lamang ako.

"Hey, Claxton." Nagtanguan sina Kuya at Chaos.

Halata naman sa mukha ng iba ang gulat at pagtataka.

"Guys, this is our son, Ashton Klynton Heritez." Panimula ni Dad at tsaka siya lumapit kay Kuya para yumakap. "And yung apat na boys, gang mates ni Krystal." Tinignan lang sila ni Kuya.

Ang gang mates naman ni Chaos ay lumapit din sa kanya para sa manly group hug.

"We're glad that you're back, Ash!"

"Grabe, pogi pa din!"

"Lods!"

"Teka, naaalala mo na kami?"

"Akala ko talaga dati may secret affair kayo ni Krystal!"

"Tigilan niyo nga yan. Kuya, tara sa library." Inirapan ko pa sila bago maglakad.

Nang makapasok ako sa library ay bumungad sa akin ang malungkot na mukha ni Scarlett. Tulala lamang siya pero napatingin siya sa akin nang pumasok ako.

"Krystal." She gave me a weak smile.

Umiwas na lamang ako ng tingin. I am guilty. Hindi ko nailigtas ang kaibigan namin.

Nang makapasok si Kuya ay itinuro ko sa kanya ang table sa unahan, senyales na siya na ang magsalita.

Tahimik lang akong naghihintay na makaupo lahat nang sumunod sa amin. I felt someone sit beside me.

"Babe, I'm—" Hindi ko na siya pinatapos.

"We need an explanation, Kuya." I heard Chaos' sigh.

"Okay, first of all. I came back to help my sister, save her twin." His eyes bore on our parents.

"And I guess, I really owe you guys an explanation. I have all my memories because I was not injected with memoleo. I think all of you knows that substance now?" I glanced at Scarlett, dahil nakita ko ang tingin sa kanya ni Kuya. There's something, huh.

Seryoso lang siyang nakatingin pero napatingin siya sa akin, naramdaman niya yata ang tingin ko sa kanya kaya nakaiwas na siya kay Kuya ngayon.

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon