"Dad, I don't want to." Pagmamakaawa ko kay Dad. Imbis na naka-pokerface lang ako, nag-mamakaawa ako.
"Why? What's the matter? You're safe there." Mahinahong sabi ni Dad habang nagta-type sa laptop niya.
Okay lang naman sa akin na mag-transfer ako doon, kaso ano pang effect nung iniwan kong message doon sa lalaki na kinausap ko through earpiece, may pa-precious-precious pa akong nalalaman, tapos madali naman pala nila akong makukuha dahil kay Dad. Argh.
"Daddy, kasi..." Nag-iisip ako ng palusot. Basta yung palusot na tatagal ng isang buwan bago ako mapapunta sa school na yun.
"What, Ven? Ready na yung papers mo, ready na lahat. Ikaw na lang." Seryosong sabi ni Dad. Actually, si Mom and Dad lang ang kinatatakutan ko. Umuurong talaga sa kanila yung katapangan ko.
Napa-smirk ako sa naisip kong palusot. Nag-puppy eyes pa ako para mas convincing. "Eh, kasi po...n-napamahal na po ako sa school ko n-ngayon. Tsaka ayoko pong maiwan ang mga kaibigan ko doon." Pati po yung favorite baby ko, nandoon pa sa private na parking lot ko. Baka po pwedeng makuha ko muna bago mag-transfer. Gusto ko ding sabihin 'yon kaso hindi alam ni Daddy na naiwan ko yung kotse ko don, baka 'di na niya ako bigyan sa susunod. Naibalik ko na din yung kotse na ginamit ko.
"And?" Hindi pa din siya convinced?! Parang nag-aabang pa siya ng mas magandang dahilan.
"B-baka po pwedeng bigyan niyo ako ng one month p-para pag-isipan 'yon?" Hindi siguradong tanong ko. Napapikit ako habang inaantay sagot ni Dad.
"Okay, make sure na iba ang disguise mo kapag pumasok ka sa school mo ngayon, pero sa Onfire Academy, nerd ka pa din." Sabi ni Dad, wala na siyang sinabi pa kaya lumabas na ako ng office niya. Nagtatalon ako sa tuwa.
Well, iba-iba yung ugali ko depende sa disguise ko. Wala akong disguise ngayon since nandito lang ako sa bahay. Walang pasok ngayon dahil marami daw ang natrauma sa nangyari, bukas pa daw magku-continue ang classes.
Ang gagawin ko na lang ngayon ay aayusin ang papers ko para sa new disguise ko, and magpa-plano sa kung ano ang gagawin kong disguise this time.
++++++++++++++++++++++++++++++
Cianna's PoV
Two days na ang nakakalipas pero wala pa din akong balita tungkol kay Venessy, tapos yung niligtas naman niyang teacher ay unconcious pa din. Damn, I am so worried about her.
Madami ang humanga sa katapangan niya, yung mga may galit sa kanya kahit wala siyang ginagawa ay sinasabing nagpapapasikat lang siya. Yung mga guro naman gusto daw siyang bigyan ng award, well, she deserves it.
Nag-punta na ako sa room, nang makaupo ako ay kinuha ko lahat ng assignments ko at nireview ang sagot, sana pumasok na si Venessy ngayon.
Busy ako sa pag-rereview ng mga sagot ko nang magbukas ang pinto at bumungad ang adviser namin. Nasaan yung lecturer?
"Class, listen. Lumipat na ng school ang top one natin. Utos daw sa kanya ng kanyang mga magulang upang mapalayo sa kapahamakan and fortunately, may transferee dito ngayon, siya ang papalit sa ating top one. Dahil katulad ni Miss Venessy, matalino din siya. Tatawagin ko lamang siya." Naka-ngiting sabi ng adviser namin kahit na may kaunting pang-hihinayang sa pagkawala ni Venessy. Saglit na lumabas si Maam at makalipas ang ilang segundo ay bumalik na siya but this time may kasama siyang napaka-gandang babae.
Maputi at makinis ang balat. Napaka-ganda din ng buhok niyang kulay blonde na naka-kulot ang dulo at hanggang bewang ang haba. Color brown ang mga mata niya, mahahaba ang mga pilik-mata, matangos ang ilong, pinkish lips at long-legged! In short, she's a goddess! Lahat kami ay napanganga sa sobrang ganda niya. Ang mga lalaki naman ay parang hinuhubaran na siya sa kanilang isipan. Psh, perverts.
"Kindly introduce yourself." Sabi ng aming adviser habang naka-ngiti dahil sa reaksyon namin.
"Hi, everyone! I am Gorgeous Riela Asuncion. Just call me Riela and I am sixteen years old. I am half-filipino and half-american. I hope all of us can be friends! That's all." She have a sweet voice too that made all the boys fell for her! She's really a goddess!
"Wow, Miss Riela, they're all stunned by your beauty. Anyway, you make take your seat." Naka-ngiting sabi sa kanya ng advuser namin. Humarap naman sa amin ang adviser namin.
"And class, be kind to her. Girls, wag niyong hahayaan na malapitan ng mga manyak!" Natatawang sabi ni Ma'am Buencia at umalis na.
Nakatingin siya sa akin, hindi pa din siya umuupo, nasa unahan pa din siya. Nahihiya siguro siya, kakaibiganin ko para hindi na siya mahiya. Since, vacant yung chair sa right side ko, nginitian ko siya at tinap ko pa yung upuan niya.
Ngumiti din siya at naglakad papalapit sa upuan na nasa tabi ko, pansin ko din na lahat ng kaklase namin ay naka-sunod ang tingin sa kanya.
"Hi! Ako si Cianna! Cia for short!" Masayang sabi ko tapos nilahad ko pa ang kamay ko para makipag-shake hand.
"I'm Riela! Nice to meet you!" Malugod niyang tinanggap ang kamay ko. Sobrang lambot ng kamay niya!
"Nice to meet you too! Would you mind if I ask you kung bakit ka nag-transfer dito?" Tanong ko sa kanya, wala pa naman kaming lecturer kaya dadaldalin ko muna.
"Uhm, no, I won't mind. Nag-transfer ako dito kasi ito yung school na malapit sa tinitirhan namin, kakauwi lang kasi namin galing America kahapon and I badly need to continue my studies. Buti na nga lang at naayos na agad yung papers ko para maka-pasok dito. I chose to study here though I heard the news about what happened two days ago kasi wala na ding choice, ayoko namang mag-dorm kung sakaling sa malayong school ako mag-aaral." Paliwanag niya.
"Bakit ayaw mo mag-dorm?" Takang tanong ko. Ngumiti naman siya.
"Hindi naman sa pagmamayabang pero the last time na nag-dorm ako, laging may nagdo-doorbell. Eh yung dorm mate ko ang laging unang nagigising kaya siya ang nagbubukas ng pintuan at lagi na lang daw may bumubungad sa kanya na chocolates na nasa box and boquet of flowers na nakalapag sa sahig na para sa akin and guess what, galing sa iba't-ibang lalaki, sa America pa 'yon at hinding-hindi na ako mag-dodorm dito sa Philippines." Natawa ako sa sinasabi niya, at the same time humanga. Sa sobrang ganda ba naman niya, malamang madaming manliligaw sa kanya at kahit labag sa rules ang pagpunta sa dorm ng opposite gender kahit hindi naman kailangan, lalabagin talaga.
"Kahit naman hindi ka mag-dorm, madaming aakyat ng ligaw sayo dito!" Napa-pout siya sa sinabi ko. Aww, ang cute!
"Bakit naman?" Hala, natakot siya sa sinabi ko?
"You'll find out later, but you don't have to worry, sasamahan naman kita para i-tour ka sa buong school!" Nakagiting sabi ko sa kanya. Napako lang ang atensyon namin sa harapan ng dumating ang lecturer namin at nag-discuss. Through-out the discussion kami lang yung halos sumasagot sa mga tanong ng lecturer about the topic at ang lahat ay humahanga dahil walang mali sa mga sinagot niya.
I guess she's really smart.Pero para sa akin, si Venessy pa din ang top one :(
~~~
BINABASA MO ANG
Onfire Academy: The School of Badasses
ActionThere's a school where the students are gangsters, mafia heir and heiress, badass elites and more. It's the Onfire Academy. A school with no peace. A school like hell. Until a fragile nerd came, but looks can be deceiving, better not mess with her.