Astrid's PoV"What the fvck?!" Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko nang makita ko yung picture sa kama ni Scarlett.
Bakit ako nasa picture? I mean yung babaeng nakatawa sa gitna! Ako yon!
Bigla ko na lang napansin na nakalapit na sila sa akin.
"Anong nangyari sayo, Astrid?" Scarlett asked.
Si Elise naman hinihintay lang akong sumagot.
Bigla kong na-realize na kaya nga pala kami pumunta ni Elise dito kasi sasabihin ko na sa kanila ang tunay na ako pero nung nakita ko yung picture, umurong lahat ng lakas ng loob ko. And I am confused.
"A-Ah, haha, wala. Sorry." Napatungo ako bigla.
"Hawak mo yung picture e, siguro nagtataka ka na close kami ni Rea dati?" Hula niya.
Tumango na lang ako para hindi halata na may nakita akong hindi ko dapat nakita. Kung ako yon, bakit hindi ko naman sila kilala? Or baka naman kamukha ko lang?
"She was my bestfriend tapos naging bestfriend na din namin si Krystal dahil sa pagtitiyaga ni Rea na kaibiganin siya." Tumango na lamang ako sa kanya. Hiniram ni Elise sa akin yung picture.
"Hala! Kamukha ni Riela!" Naramdaman kong para akong namutla dahil sa narinig ko.
"Sino naman si Riela?" Tanong ni Scarlett kay Elise.
Kapag pinagpatuloy pa ni Elise ang pagsagot, magkaka-bukingan kami ngayon!
Aayain ko na sana paalis si Elise nang may marinig kami sa speakers.
"To all the students, please proceed to the auditorium." Boses ni Mr. Clayford yon.
Inulit pa niya para walang mas ma-inform ang mga estudyante.
Inaya naman ako nina Scarlett para sama-sama na kaming magpunta don.
Saved by the announcement.
After one week, natapos din ang paghahanda namin para sa dadating na bisita. Ito yung dahilan kung bakit pinatawag lahat ng estudyante sa auditorium. Ganon ba siya kahalaga para ganito kabongga ang paghahanda?
Mr. Clayford wants everything to be perfect, kaya one week ang paghahanda.
Mamayang 8pm, may gaganapin sa event center na nandito sa loob ng campus, tsaka lang yun binubuksan kapag may event, shempre event center nga e.
Inaya ako nina Elise para mag-ayos like magdi-dress and magme-makeup pero I chose not to. Sabi ko allergic ako sa makeup at hindi ako nagsusuot ng dress.
Simula nung naging ka-dorm ko si Elise, tsaka lang ako natutulog kapag tulog na tulog na siya para alisin ang makeup ko at gumigising na ako nang mas maaga kesa sa gising niya para mag-makeup. Tinatamad na ako sa set up na yon dahil lagi akong kulang sa tulog, kaya binalak kong sabihin sa kanya ang totoo one week ago. Kaso nakilala nga pala niya ako bilang Riela! Tapos kamukha ko daw yung babae sa picture kaya for sure mahihirapan akong mag-explain kasi kahit ako naguguluhan.
Nang sumapit ang alas otso ng gabi, nagpunta na kaming lahat sa event center.
Nahiya naman ako bigla dahil parang ako lang hindi naka-ayos. Sana pala nagbihis man lang ako kahit formal attire, naka-casual lang ako e. For sure, hindi naman ako makikita ni Mr. Clayford.
BINABASA MO ANG
Onfire Academy: The School of Badasses
ActionThere's a school where the students are gangsters, mafia heir and heiress, badass elites and more. It's the Onfire Academy. A school with no peace. A school like hell. Until a fragile nerd came, but looks can be deceiving, better not mess with her.