28 | Missing

1.7K 60 1
                                    




Third Person's PoV

"Akala ko ba wala nang mga bomba?!" Galit na sabi ni Chaos sa earpiece. Nabuhay ang kaba sa loob niya nang hindi sumagot si Krystal.

"Na-contact ko na sila, Claxton. Wala daw silang na-detect na bomba dito sa loob." Paliwanag ni Ashton habang maingat na naglalakad sa ibang floor.

"Cel?" Pagtawag ni Ashton sa kapatid.

"Shit, Krystal! Answer me!" Mas lalong kinabahan ang dalawa dahil wala silang tugon na nakuha.







Nanghihinang nagmulat ng mga mata si Monica. The bomb that exploded isn't the usual bomb, it has a gas in it that made them sleep.

Napalingon siya sa glass window nang bigla itong mabasag dahil sa mga lalaking naka-itim. Akala niya ay makakaligtas na sila ngunit si Krystal lamang ang kanilang dinala. Gusto niyang sumigaw o tumayo para iligtas ang kapatid ngunit wala siyang lakas para gawin ito.









"Damn! Mabuti na lamang at nalagyan ko ng bomba iyong dalawa!" Galit na sabi ni Azalea habang nasa rooftop sila ng building, they are waiting for their private chopper.

Nanatili namang tahimik si Wisteria at tulala.

"Kung handa lamang tayo edi sana hindi na nating kailangang tumakas ngayon!" Umirap pa si Azalea.

Napalingon sila ng bumukas ang pinto ng rooftop, pumasok si Axe at Grev na iika-ika ang paglalakad dahil hindi pa din siya nakaka-recover sa tama na natamo mula kay Krystal noong gabing sumugod sila sa akademya.

"Sorry, Az." Grev gave her an apologetic smile dahil feeling niya ay pabigat siya. Hindi siya pinansin nito kaya napawi ang ngiti niya.

"Phoenix, kaya pa bang kunin yung tatlo doon?" Baling ni Azalea kay Phoenix.

"Kaya pa, dahil mukhang kakaunti lamang ang sumalakay sa atin ngayon." Napa-isip si Azalea sa sinabi ni Phoenix.

Ilang saglit pa ay may kausap na si Azalea sa kanyang cellphone.

"Nagpadala na ako ng mga tao para tulungan kayo." She looked at the boys after the call and then bumaling siya sa tulalang si Wisteria.

"Wisteria!" Halos mapalundag sa kinatatayuan si Wisteria nang tawagin siya nito.

"Sumama ka sa boys. You'll have your punishment right now. Reveal yourself to them. I don't care if you die. You must feel their hate towards you, you deserve it after all." Sakto namang pagdating ng chopper nila.

"What? N-No—" Natahimik mula siya nang masama siyang tignan ni Azalea.

Inakay na si Wisteria ng nga kasamang lalaki tila labag ito sa kalooban nila pero wala silang magagawa.






"You're mine again, my love." He looked at her like she's his favorite meal.

"You escaped from me once, I'm not gonna let you do that twice." He caressed her cheek habang walang malay itong naka-upo sa tabi niya.

"Ayaw kong saktan ka ng kapatid ko kaya ilalayo kita dito, my love." Ngumiti pa siya na parang napaka-bait niya dahil sa pag-kidnap niya sa babaeng mahal niya para sa ikabubuti nito.

"Fuck you! Let Krystal go." Masama niyang tinignan ang babaeng nasa tabi lamang ng umaandar niyang sasakyan. Mabilis ang pagpapatakbo nito ng motor niya para makasabay sa kanila.

"Who is this bitch?" He wondered. Hindi niya makita ang mukha nito dahil may takip ito na itim na mask.

Ilang saglit ay may pinindot lamang siya at nagsidatingan ang mga tauhan niya na walang awang pinagbabaril ang babae. Mabilis nitong iniliko ang kanyang motor sa iba't ibang direksyon para maiwasan ang nga bala.

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon