I don't know who I am anymore, after everything that has happened to me. I am just a gangster, it this the consequences for what I have done?I don't know my real name. I have different names, now I don't know what's real.
I fought different people just to save myself, days ago. And now, here's
another one. I'm confused. Who are you people?I have a lot time to think, because here I am in a bedroom, staring blankly at the ceiling.
First, my parents wanted me to change my personalities. Second, a guy kidnapped me and I still have no idea who he is. Then, those assassins said that I belong to a weird freaking place. Now, I'm here, kidnapped by an old man.
Pedophile ata 'to e.
Pero never kong ibibigay sa kanya ang perlas! Kahit naman mahirap ako, hindi ako papatol sa ganito.
Kidding aside, it's weird but I feel like I belong here. And I'm loving this feeling.
Habang nagiisip-isip ako, biglang pumasok ang mga lalaking naka-itim, lahat sila ay armado, so hindi ko na babalakin na tumakas.
"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Boss sa training room." Hindi ko siya pinansin at tumungin na lang ulit sa kisame. Bakit naman ako pupunta don? Anong iti-train ko? Tch.
"Ma'am—" Punyeta. Ang kulit.
"Ayoko." Tipid kong sagot.
Nagulat ako nang bigla nila akong tinutukan ng mga barili nila, bigla na lamang akong napatalon nang sabay-sabay nila itong paputukin.
"What the fudge?!" Bulyaw ko.
Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ko at nailagan ko ang mga iyon, nakapag-tago na din ako dahil kung hindi ay baka butas-butas na ang katawan ko.
Dahil sa inis ko ay naghanap ako ng pwedeng magamit na pang-depensa. Hindi ko alam kung tama bang dito ako sa banyo napunta dahil mukhang wala akong magagamit dito.
Nataranta ako nang marinig kong sinusubukan nilang buksan ang pinto, punyemas naman oh!
Ang naisip ko na lamang ay magkalat sa sahig ng mga shampoo at sabon para kung sakaling pumasok sila ay madudulas sila. Inihanda ko na din ang sarili ko para lumaban kung sakaling gumana ang plano ko.
Namemental block ako ngayon, ang dami kong iniisip tapos ganito pa!
Bumagsak na lamang ang pintuan na siyang ikinagulat ko, nandito ako sa likod ng napaka-bonggang shower curtains.
Napapigil ako ng tawa nang marinig kong may isang lalaking bumagsak. Lalabas na sana ako para lumaban nang marinig ko ang usapan nila.
"Aray ko, tangina!" Sigaw nung lalaking nadulas, tss, buti nga sayo.
"Yan, tatanga-tanga ka e, hindi tumitingin sa dinadaanan HAHAHA" Asar sa kanya nung kasama niya.
"Ang bobo naman po HAHAH" Asar pa nung isa, lumabas na ako at dahil alam kong madulas, tumalon ako papunta sa bowl, buti na lang nakababa yung cover.
Nahablot ko yung baril nung isa nilang kasama kaya nagulat sila. Agad ko silang pinaputukan.
"Hoy, taena niyo! Balikan niyo ako dito!" Nagtakbuha kasi palabas yung dalawa niyang kasama.
"Gago ka! Ayaw pa naming mamatay!" Sigaw naman nung isa mula sa labas ng kwarto.
Binaba ko ang baril at nilinis yung pagtatapakan ko para hindi ako madulas. Tinulungan ko namg tumayo yung lalaki, mukha namang silang harmless e, napag-utusan lang nung matanda hukluban. Char!
BINABASA MO ANG
Onfire Academy: The School of Badasses
ActionThere's a school where the students are gangsters, mafia heir and heiress, badass elites and more. It's the Onfire Academy. A school with no peace. A school like hell. Until a fragile nerd came, but looks can be deceiving, better not mess with her.