Azalea's PoV"Ma'am, para sa inyo po." Salubong sa akin ng isa kong katulong nang makita akong pababa ng hagdanan at pansin ko ang dala-dala niyang box.
"Saan galing?" Seryoso kong tanong sa kanya. Nang makababa ako nang tuluyan ay kinuha ko iyon mula sa kanya.
"Wala pong nakalagay, Ma'am e. Nakita lang po nung guard sa may gate." Hindi ko na siya pinansin at nagtungo na ako sa living room kung saan naroroon ang mga kasama ko.
"Open it." Sabi ko sa kanila nang mailapag ko iyon sa lamesa.
"Who sent this?"
"Hindi ko din alam, buksan niyo na lang." I rolled my eyes.
"I doubt that there's a bomb inside, we have a package scanner and a bomb sniffing dog." Lobelia said while looking at the box na ngayon ay binubuksan na nila.
"Woah." Sabay-sabay nilang sabi.
"An invitation for us?" We all looked at Grev dahil siya na ang humawak sa laman ng box, there are envelopes that look old but I find it cool.
She distributed them to all of us at agad naman naming binuksan iyon. Napansin ko ang isang simbolo sa takip ng sobre, and it seems very familiar to me.
Nanlamig ang buong katawan ko nang basahin ko ang sulat na nakalagay sa loob ng sobre.
"Wait, we received the same invitations, right? But isn't it weird that it has our real names?" Biglang sabi ni Grev.
"Lobelia." I called her and then I stood up.
I walked upstairs at ramdam ko naman ang pagsunod niya. I locked the door as we both entered my room.
"You said she's really dead right? I mean three years ago?" Tanong ko sa kanya, tinitigan niya lamang ako.
"Yep, she was cremated too, according to him." Napa-kunot naman ang aking noo.
"Who's 'him'?"
"Don't mind it, just one of my spies." She shrugged.
"Diba si Krystal ang heiress ng Mafia Melwrick? Nakalagay sa invitation na magpapakilala sila ng bagong heiress, that only means she's dead for real." Paliwanag nito.
"But why are we invited? We're not even friends with Krystal or with that soon to be heiress?" Yun lamang ang tanging tanong ko sa kanya, sasagutin sana niya ako nang mag-ring ang cellphone ko.
"What?" Bungad ko sa kung sino man ang tumawag.
"Maam! May nasagap akong balita!" Oh, great.
"Spill it." Nakatingin lamang sa akin si Lobelia habang may kausap ako sa cellphone na para bang gamit ang mga tingin niya ay tinatanong niya ako kung sino ang kausap ko.
"Imbitado po sila sa isang event, ang rinig ko e may ipapakilala daw sa event na yon. Paniguradong pormal iyon, Maam. Ang alam ko ay yung lolo nung Krystal ang nagpadala noon." Masaya niyang ibinahagi iyon na para bang may isa siyang nagawa tama sa buong buhay niya.
"Hindi ka ba nila naririnig diyan? Kapag napahamak ka, hindi ko na kasalanan iyon kaya hindi kita tutulungan." Umirap ako kahit hindi niya nakikita.
BINABASA MO ANG
Onfire Academy: The School of Badasses
ActionThere's a school where the students are gangsters, mafia heir and heiress, badass elites and more. It's the Onfire Academy. A school with no peace. A school like hell. Until a fragile nerd came, but looks can be deceiving, better not mess with her.