Ashton's PoVHindi ko pa din makausap si Scarlett dahil sa mga nangyari. Alam kong ginawa niya iyon para tumakas. Alam ko din na kung hindi niya sinundan iyon ay walang mangyayari.
Ang mas ikinagagalit ko lamang ay napahamak siya.
"Mom, kamusta na yung friend ni Krystal?" Bungad ko kay Mommy nang pumasok ako sa office nila ni Dad.
"Still unconscious, sabi ng doctor ay baka abutin pa ng ilang araw." Bahagya siyang ngumiti sa akin.
"How about Monica? What is she doing?"
"Siguro nagpapahinga sa kwarto niya or nagbabasa ng books, bakit?" She asked me.
"Kamustahin ko lang si Monica, Mom." Tumayo ako at bumeso sa kanya.
Naglakad ako patungo sa kwarto ni Monica, kumatok muna ako sa pintuan kahit na medyo naka-bukas na iyon. Sumilip din muna ako bago pumasok.
"Hey, sis." Bati ko sa kanya, napalingon naman siya sa akin. Napansin ko nga na may hawak siyang libro at nagbabasa bago ako dumating.
"K-Kuya?" She stuttered.
"How are you feeling?" I slowly walked towards her bed para mas makausap ko siya nang maayos.
"Medyo okay na naman po, kailangan na lang ng pahinga." Nginitian niya ako nang bahagya.
"How was your life in Brazil? Do you have a boyfriend?" Mabilis siyang umiling habang natatawa.
"Naging masaya naman po ako doon, tsaka wala pa sa isip ko yung mga ganoong bagay. Mas gugustuhin ko pang makipag-race gamit ang mga mabibilis na sasakyan kesa humanap ng boyfriend." Natatawa niyang sabi kaya natawa din ako.
"That's good, mag-aral ka din muna." I gave her a smile. It faded when I noticed that she became sad.
"I hope my twin is fine." Sa malayo na siya nakatingin ngayon dahil panigurado akong naiisip niya ang kambal niya.
"And thank you, Kuya. Ako nagsabi sa kanya na isama ka sa pagligtas sa akin dahil gusto din kitang makilala, at baka kasi huling pagkakataon ko na pala yon, kahit makita ko man lang ang isa ko pang kapatid, diba?" Nakaramdam ako ng kirot sa puso dahil sa sinabi niya. Halata din ang mga luhang pinipigilan niya.
"Ang mahalaga ay ligtas ka na ngayon tsaka wag mong masyadong isipin na nasa kapahamakan yung kakambal mo dahil kaya niyang protektahan ang sarili niya." Tinapik ko ang kanyang balikat.
"You only live once, yun ang kadalasang sinasabi ng mga tao, diba? We'll never know what will happen next. You should talk to your girl, Kuya. Kapag yon nakahanap ng iba, lagot ka." Natatawa niyang sabi pero natulala ako doon. She's right!
"Yes, I will! Thank you, sis. Continue what you're doing!" Tumayo na ako pero bago ako umalis ay binigyan ko muna siya ng halik sa noo.
She smiled genuinely at me before I go.
"Scarlett." Napansin kong nanigas siya sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan ang mga bulalak pero umakto siya na parang walang naririnig.
"I'm sorry." I sincerely apologized.
Dahil hindi pa din niya ako pinapansin ay nilapitan ko na siya at sinubukang yakapin pero umiwas siya.
"Hey." Hinawakan ko ang braso niya para iharap sa akin at nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak.
"Bwisit ka!" Natatawang sabi niya kahit umiiyak siya. Hinampas pa niya ang dibdib ko.
"Akala ko ikaw ang unang makakaintindi kung bakit ko ginawa yung paghalik doon sa lalaki e! Akala ko matutuwa ka kasi sinubukan kong iligtas ang kapatid mo! Hindi ko yon ginawa para magpasikat sayo ha, pero ang sakit kasi hindi mo man lang naappreciate, nagalit ka pa!" Umiiyak niyang paliwanag. I caressed her cheeks.
BINABASA MO ANG
Onfire Academy: The School of Badasses
AcciónThere's a school where the students are gangsters, mafia heir and heiress, badass elites and more. It's the Onfire Academy. A school with no peace. A school like hell. Until a fragile nerd came, but looks can be deceiving, better not mess with her.