10 | Stalker

2.8K 103 3
                                    



Astrid's PoV

Dahil sobrang sakit pa ng katawan ko, napagdesisyunan kong hindi muna pumasok. Sabi din ni Scarlett magpahinga na lang muna ako, pinainom na din niya ako ng pain reliever.

Mabuti na lamang at hindi ako nabalian dahil sa mga palo nila. Habang nag-iisip ako ng mga gagawin ko sa maghapon dito sa dorm ko, biglang nag-ring yung cellphone na pinadala sa akin ni Daddy, bale may keypad pa siya.

"Yes, Dad?" Bungad ko kay Daddy nang masagot ko ang tawag.

"Sweetie! Kamusta naman ang first day mo diyan?" Sambit ni Daddy sa kabilang linya.

Gusto ko sana sabihin kung gaano ka-warm yung welcome nila pero parang bata naman ako kapag ginawa ko yon.

"My first day was great. Actually, Daddy, male-late na po ako. Talk to you later!" Agad kong binaba ang tawag para hindi na siya magtanong pa.

Dahil simula na ang klase, sigurado akong konti na lamang ang estudyante sa paligid kaya napag-desisyunan kong maglakad-lakad muna at magpahangin kahit na iika-ika at masakit ang katawan ko.

Hindi ako mamamatay sa sakit ng katawan, pero mamamatay ako sa boredom. Hindi ako mahilig manood e tapos yung cellphone na may keypad lang yung dala kong mapapagka-abalahan kaya gagala na lang ako. Tch.

Naka-pantulog pa din ako, pero para magmukha akong mahirap ay mukhang lumang jogging pants ang suot ko tapos napaka-laki ng t-shirt ko. Nakapaglagay na din ko ng fake pimples pagka-gising ko tapos sinuot ko na din ang napaka-kapal kong salamin.

Pag-labas ko ng dorm, tama ng ang hula ko, konti na lang at estudyante at halos lahat sila ay may sari-sariling ginagawa kaya hindi nila ako mapapansin.

Buti na lamang at may elevator yung mga dormitory building, since nasa 4th floor ako, mas pipiliin kong mag-elevator.

Naka-abang lang ako sa pagbukas ng pinto ng elevator nang mapindot ko yung down arrow.

Sobrang nagulat naman ako nang magbukas ang pinto ng elevator at may lalaking tumambad sa akin. I acted like I'm scared of him, although he looks harmless.

Nakasunod lang sa akin ang mga mata niya hanggang makapasok ako. Nanatili akong nakatungo habang iika-ika maglakad pero kita ko siya sa peripheral vision ko.

Ang bango ha, infairness. Ang manly ng amoy niya.

"Hindi mo pipindutin kung anong floor ka bababa?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Gosh! Bakit ba ako kinakabahan?

Tinignan ko yung bottons, naka-ilaw na yung button para sa lobby kaya wala na akong pipindutin.

"L-Lobby din a-ako." Wait, what? Never pang nautal ang isang Venessy sa isang lalaki, ngayon lang!

Oh, right, I'm not Venessy, I am Astrid. Tch, pero bakit parang natural yung pagka-utal ko? Kahit ako hindi ko ineexpect yun!

Wala nang nagsalita sa amin after non, nang makarating kami sa lobby, naghiwalay na kami ng daan. Wala talaga akong specific na destination, kung saan na lang ako mapunta, dun na lang.

Ang sarap ng simoy ng hangin, dahil nga wala namang makakapansin sa akin, dahan-dahan lang ang lakad ko.

Napansin ko na medyo mapuno na yung part ng campus na pinupuntahan ko pero hindi ko alam kung bakit ako hindi ako tumitigil.

Hindi ko na alam kung nasaan ako, wala ito sa mapa na ibinigay sa akin nung dean. Is this a secret place?

Hindi ko na itatanggi, ang ganda. Para akong nasa ibang bansa dahil dito. May mga malalaking bato at puno pa sa iba't ibang parte ng lawa. Tapos parang may dalawang mini lodge akong nakikita. Ang peaceful ng paligid. Nakaka-relax.

Wala naman sigurong masama kung tatambay ako dito. Hahanap na lang ako nang mauupuan at pagmamasdan ang paligid.

Habang pinagmamasdan kong ang paligid ay napatingin ako sa biglang tumabi sa akin sa inuupan kong bench. Siya yung lalaking nakasabay ko sa elevator kanina!

Gulat na gulat akong nakatingin sa kanya tapos naalala kong nerd nga pala ako kaya kunwari ay takot na takot ulit ako sa kaniya. Medyo umisod pa ako para mas lumaki yung agwat namin sa bench. Umisod lang ako nang umisod hanggang sa mahulog na ako, kaya napapikit na lamang ako at hinihintay na bumagsak sa damuhan.

Pero wala akong naramdaman na pagbasak ko, ang naramdaman ko lang may nakahawak sa kamay ko tapos ini-angat niya ako para makaupo ulit sa bench. Medyo napangiwi ako dahil masakit yung part niya nahawakan niya dahil puro pasa iyon tapos napahigpit ang hawak niya sa akin para hindi ako mahulog.

Medyo nahiya tuloy ako sa katangahan ko. Ngayon lang ako kinabahan sa presensya ng lalaki ha!





Chaos' PoV

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman dahil sa nakikita ko ngayon. She is just a nobody pero she reminds me of someone, kaya nagkaroon ako ng feeling na gusto ko siyang alagaan at protektahan pero naunahan na naman ako.

Why does it have to be always you, Shadow?

Simula palang sa lobby ay nakamasid na ako sa nerd na yon pero hindi niya ako napansin. Nakita kong sabay silang lumabas ng elevator pero hindi ko na lang pinansin dahil parang hindi sila nagpapansinan tsaka naghiwalay din sila ng direksyon.

Pero ano 'tong nakikita ko?

Lalapitan ko sana kanina si Nerd para kausapin siya since nag-iisa siya dito sa secret garden ng gang namin. Nagagalit ako kapag hindi ko kilala ang mga pumupunta dito kahit hindi nila sinasadya pero hindi ko magawang magalit kay nerd.

Kaso nakita kong tumabi sa kanya si Shadow. Naglakad na lamang ako papunta sa loob ng cottage, hindi naman nila ako nakita dahil sa ibang direksyon sila nakaharap dahil na din sa pwesto ng bench na inuupuan nila.

Mula dito sa loob ng cottage ay nakita ko ang mga nangyari.

Maybe the history really repeats itself, huh?

Nagulat naman ako nang biglang nagsalita si Rage, tsk! Akala ko pumasok na silang lahat, akala ko ako lang hindi pumasok sa amin!

Ibang klaseng rules kasi meron ang gang namin, at iba din naman ang lessons na tinuturo sa school na 'to kaya napakahalaga kung papasok kami. Plano ko lang talagang bantayan 'tong nerd na 'to!

"Ikaw, Chaos ha, bakit hindi ka pumasok?" Mapang-asar na tanong ni Rage tapos sinilip din niya kung saan ako nakasilip.

"Teka! Si Shadow yun ah! Sino yung babae?" Biglang tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya na para bang anytime ay bubugbugin ko siya.

"Sorry naman! LBM e!" Nag-peace sign pa siya tapos nagmamadali namang tumakbo papuntang banyo, tch.

Pagtingin ko naman pabalik sa pwesto nina Shadow ay wala na sila doon. Teka! Nasaan sila?!

Tumakbo ako palabas ng cottage tsaka nilibot ang tingin ko para hanapin sila, pero wala.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa inis.

Damn! Kay Krystal lang ako nakakaramdam ng gantong frustration dati! Bakit ba ganito effect sa akin ng nerd na yan?!

++++

Onfire Academy: The School of BadassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon