Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog nang marinig ko na naman sila. They've always been like this.
"Kung sana kasi hindi ka nambabae, hindi kami mahihirapan ng mga anak mo!"
"Hindi ko kasalanang hindi na kita mahal! Kasalanan mo kung bakit ako nambabae dahil nagsawa na ako sa 'yo!"
"Sige! Umalis ka rito! Lumayas ka nang wala ng peperwisyo sa buhay namin!"
"Lalayas talaga ako! Pesteng pamilya 'to!"
Nagulat na lang ako sa malakas na pagbagsak ng pintuan dahil sa pagsara siguro ng ama ko. Umalis na siya. Tuluyan niya na kaming nilisan.
"M-moeryl... I'm sorry," mataman niyang usal pagkatapos ay tangkang lumapit sa akin. Umiwas ako. Lumayo ako sa kaniya.
"Sorry para saan?" Nangilid ang mga luha ko. This is not the right time for me to cry. Hindi. Hindi ako iiyak para sa isang lalaki.
"Hindi na k-kita mahal." Tumulo ang patak ng mga luha galing sa mga mata niya. Woah. 'Di niya na ako mahal? Ang bilis. Bakit parang ang dali lang para sa kaniyang sabihin 'yon?
"The feeling isn't mutual, Lawrence. Mahal pa rin kita. Ano? Bakit? May iba na ba?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at sinuntok siya sa dibdib niya. Pinigilan niya ako at wala naman akong magawa.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. I love him but I think my love for him wasn't enough for him to stay.
"I love someone else. Kasi alam mo, Moeryl? Mas pinaramdam niya sa aking may halaga ako. Mas pinaramdam niya sa akin 'yong labis na pagmamahal, na ni minsan ay hindi ko nakuha sa 'yo."
I slapped him. I punched his face. "Gano'n? The feeling's now mutual, Lawrence. Hindi na rin kita mahal."
That was my first break-up.
"Leigh? Nasaan ka? Si James ba nakita mo?" Tanong ko habang kausap si Leigh sa cellphone. Tinawagan ko siya para malaman kung nasaan siya... at ang boyfriend ko.
"M-moeryl? N-nasa condo ko ako. Si James.. 'di ko a-alam kung n-nasaan siya, e." Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita. Mapait akong ngumiti at nanuod nang mabuti.
"Talaga? Hmm. Thank you."
"H-ha? Welcome."
I smiled. I laughed sarcastically. "Thank you... for lying." Agad kong ibinaba ang tawag.
Narito ako, nanunuod sa kanila. Narito ako sa harap ng SSG office habang pinapanuod silang maghalikan.
Narito ako at natutuklasan ang pagtataksil ng kaibigan ko at ng aking kasintahan sa akin.
This is my second break-up and I hope, this will be the last.
YOU ARE READING
Unchained Hearts
Teen FictionShe's a girl who's part of a broken family. She's a girl who's tired of loving because of always getting broke. She's a girl who suffered pain and betrayal. Moeryl was broke. Moeryl was backstabbed. Moeryl was pained. Moeryl fears to love... and...