[26]

2 0 0
                                    

Moeryl's POV

"My s-stepfather tortured h-him, Noei." Kumawala ang mga luha at hikbi sa bibig ko pagkatapos iyong sabihin. Nanlaki ang mga mata ni Noei.

"H-hala! Anong i-ibig mong sabihin?"

"'Yong babala ni t-tito... na b-babalikan niya ako p-pati 'yong taong mahal ko, tinotoo niya." Napaiyak na lang ako sa sakit. Malala ang kalagayan ni Erol dahil sa hayop kong amain! "A-ang sabi sa akin ng mama ni Erol, n-nagpaalam daw siya rito sa kadahilanang... kakausapin daw siya ni t-tito. H-hindi niya alam... na bubugbugin pala siya nito at halos... p-patayin na..." Hinaplos ni Noei ang likod ko upang patahanin ako. "B-buti na lang at nakulong na s-siya. He deserves to be in jail!"

"S-si Erol ba ang dahilan kung bakit hindi mo kayang bigyan ng chance si S-sir Kairo?" Marahan akong tumango sa itinanong niya.

Mahal namin ni Erol ang isa't isa. Naroon siya at katabi ko no'ng mga panahong basag at pira-piraso ako. Dinamayan niya ako no'ng mga panahong tinalikuran na ako ng mundo. Naroon siya at pinapasaya ako bagkus sa katotohanang iniwan na ako ng mga taong mahal ko.

"Sa ngayon, comatose... siya. T-tapos binibisita ko siya minsan. Masakit makitang gano'n 'yong kalagayan niya. May m-mga kung anong n-nakadikit... sa katawan niya," pahinto-hinto at nauutal kong wika. Naiisip ko pa lang ang itsura niya habang nasa gano'ng kalagayan ay naiiyak na ako. "Pero..." Mukhang nakuha ko ang atensyon ni Noei sa sinabi ko.

"Bakit?" Malungkot akong napayuko.

"Tutol ang pamilya ni Erol sa relasyon namin. Mas namuhi pa sila sa akin dahil sa nangyari sa kaniya. Sinisisi nila ako." Namilog ang mga mata ni Noei.

"A-ano?" Marahan akong tumango.

"Halos hindi na nga ako papasukin tuwing bibisita ako sa hospital." Bumuntong-hininga ako at napatingin na lang sa sahig.

"Anong hospital ba? Sasamahan kita kapag may oras ako." Nakangiti si Noei, pinapagaan ang loob ko.

"Vernin's Hospital," maikli kong tugon. Ngumiti si Noei. Ngumiti rin ako pabalik.

Nawala ang atensyon ko kay Noei nang may kumatok sa pintuan.

Teka.

Si Kairo na ba iyon? Akmang tatayo si Noei pero pinigilan ko siya. "Ako na," ngumiti ako. Maliit na siwang lang ang binuksan ko at nakita ang nakangiting mukha ni Kairo.

"Sandali lang at magbibihis pa ako." Tumango lang siya.

Narito kami sa amusement park na sinasabi ni Kairo. Nakaupo kami sa bench. Tanaw ko ang mga batang tuwang-tuwa habang namamasyal sa park. Lihim akong napangiti.

"Mas gumaganda ka pala kung nakangiti. Mas magiging maganda nga lang kung ako ang dahilan ng mga 'yan, pero hindi," sabi ni Kairo na naging dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa malayo ngunit kita sa mga mata niya ang lungkot at pait. Bumuga ako ng hangin.

"Tama na ang drama, please. Ano bang pag-uusapan natin?" putol ko sa ginagawa niyang pagdadrama. Nakangiti siyang lumingon sa akin.

"B-birthday ko k-kasi... next week." Kumunot ang noo ko.

"Tapos?" Pilit siyang ngumiti at napakamot sa batok niya.

"G-gusto kitang imbitahan," saad niya. Mapakla akong napangiti.

"Gusto mo ba talagang saktan 'yong sarili mo? Ayaw mo namang masaktan lalo, 'di ba? Mag-move on ka na kasi! At makakatulong sa paglimot sa akin ang hindi pag-imbita sa birthday mo!" Tumayo ako pero nahila ako pabalik ni Kairo. Lumuluha siya. Fudge. "Hey, bakla ka ba?" Nanlaki ang mga mata ni Kairo sa sinabi ko.

"M-mukha ba akong bakla? M-mahal kasi kita k-kaya ako umiiyak." Inilingan ko siya. Crying because of me? Fudge. I'm not worthy of his tears.

"Tigilan mo na 'yan. Tigilan mo na ako," wika ko na mas lalong nagpadusa sa kaniya. Nagsusumamo ang mukha ni Kairo ngayon.

"W-wala ba talaga akong... pag-asa? Hindi ka b-ba talaga handang... bigyan ako ng c-chance?" Nanliit ang mga mata ko at napaiwas ng tingin.

"W-wala! Basag pa ako, hindi pa ako handa, Kairo. 'Wag na lang ako, please." Tahimik na bumagsak ang mga luha ko at nasapo ang aking noo. I'm so sorry, Kairo. Sa iba na kasi nakalaan ang puso ko. I'm really sorry. Lumapit sa akin si Kairo at hinagkan ako. Hindi na ako tumutol. "I-I'm sorry for not being able to catch you. I'm sorry for hurting you. I'm s-sorry because you're being pained and miserable b-because of m—" Pinatigil ako ni Kairo.

"H-hindi mo kasalanan, okay? Ako 'yong nagmahal at hindi mo kasalanang hindi ka pa handa para mahalin ako. H-hihintayin kita..." Agaran akong umiling.

"No! P-please, don't wait for me." Kumunot ang noo ni Kairo sa sinabi ko.

"Why?"

"H-ha?" Napaiwas ako ng tingin at nanginig ang mga labi ko. Tumigil na rin ako sa pag-iyak. "Ayaw kong mas masaktan ka pa, Kairo. You deserve someone else." Napatingin na lang ako sa mga paa kong walang tigil sa panginginig.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Si Zira," may diin kong usal. Kumulubot ang noo ni Kairo habang nakatingin sa akin.

"B-bakit? Nagseselos ka ba... s-sa kaniya?" Fudge. Why would I, Kairo? Umiling ako.

"Siya ang nagseselos sa akin." Tila tumaas naman ang isang kilay ni Kairo sa akin. "Mahal ka niya at nagseselos siya kasi ako 'yong mahal ng taong mahal niya. Ako 'yong binibigyan ng oras at atensyon na dapat siya ang dumarama. Ako 'yong minamahal habang siya ay nasa tabi lang at naghihintay na baka mahalin mo rin." Umiling si Kairo, tila naguguluhan.

"Pero hindi ko siya mahal." Sarkastiko akong napatawa.

"Then gawin mo ang lahat para siya na ang mahalin mo! Gawin mo lahat ng paraan para makalimutan ako. Ipalit mo si Zira sa akin. You deserve her and she deserves you... too!" Fudge. Bakit ba hindi niya maintindihan?

"No, Moeryl," tanging naiwika niya na lamang. Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko iyong iniwas. "Bakit ba umabot tayo sa ganitong usapan? I-I just want you to be i-in my birthday... celebration n-next week."

"No. Hindi ako dadalo. Masasaktan si Zira. Masasaktan ka! Dapat kang maging masaya sa kaarawan mo. Just enjoy your birthday... with Zira." Pilit siyang ngumiti pero hindi maitatago no'n ang poot at lungkot.

"P-please?" Nangilid ang mga luha niya at mahina siyang napahikbi. "Dali na, please. Kasi gusto lang... naman k-kitang makita sa birthday ko, e. Kahit... h-hindi ka na magtagal. Magpakita ka lang... s-sa akin. Batiin mo lang ako ng 'Happy Birthday'. Pwede... b-ba 'yon?" Pinunasan ko ang mga luha niya. May iilang mga taong napapalingon sa amin pero hindi ko na sila pinansin.

Napayuko ako at pagod na ngumiti. "Pero ipangako mo sa aking titigilan at kakalimutan mo na ako?" Namilog ang mga mata niya at agad na umiling.

"B-bu—"

"Please," maikling tugon ko. He sighed.

"S-sige. Pumunta ka, ha? Sa Thursday... next w-week. Hihintayin kita," malungkot ngunit nakangiting saad niya. Namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig.

Thursday? 'Yon ang araw ng pagbisita ko kay Erol! Hindi pwedeng hindi ako makabisita. Gulat akong napalingon kay Kairo.

"Kair—"

"Hmm. T-thank you, Moeryl. I'll wait for you. S-salamat talaga." Tumayo na siya at nakangiting tumingin sa akin. "Masaya akong minahal kita kahit masakit. Tara na? Ihahatid na kita pauwi sa inyo."

Marahan akong tumango. Fudge. Anong gagawin ko? Ang dumalo sa selebrasyon ng kaarawan ni Kairo? O ang bisitahin sa ospital ang taong mahal ko?

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now