Moeryl's POV
Alas-siyete na. Dalawang oras na lang din at matatapos na ang trabaho ko para sa araw na ito. Pahinga bukas at balik na naman dito sa Miyerkules. MWSS kasi ang schedule namin ng trabaho.
Si Kairo ay nananatiling nasa labas ng café. Gabi na, a? Bakit hindi pa umuuwi ang isang 'yon? Minsan ay nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin. Ano pa bang dahilan ng pagtatagal niya rito sa café? Kung umuwi na lang siya at nag-aral para bukas, may napala pa siya. Napailing na lang ako.
Libre ang dinner namin dito ni Winoei, ayon kay Manager Ria. Sa totoo lang, dapat ay lola ang tawag ko sa kaniya dahil kasingtanda niya ang pumanaw kong lola. Nakikita ko rin ang lola ko sa kaniya kaya gano'n.
Habang kumakain kami ng dinner ni Winoei ay bigla akong napalingon sa entrance ng café nang pumasok si Kairo. Fudge. Ang tibay niya, a. Akala ko ay pupunta siya sa lola niya pero pumunta siya sa table kung saan nandoon kami ni Winoei at kumakain.
Parang kiniliti si Winoei nang makitang tumabi sa akin si Kairo. Umiwas ako sa kaniya. Fudge. Ano na naman bang pakulo nitong lalaki na 'to?
"Ayieee! Uy... Moeryl, anong meron sa inyo ni Sir Kairo?" kinikilig na tanong ni Winoei. Sinadya niya pa atang iparinig 'yon kay Kairo. At tinatawag niyang 'sir' si Kairo? Umiling ako sa tanong niya – senyales na wala. Tumawa si Kairo at tumayo saglit. Akala ko ay aalis siya, pero pupunta lang pala kay Ate Lorna para may kuning pagkain.
Mahinang hinampas ni Noei ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko. "Gusto mo si Sir Kairo?"
"Hindi." Bumuga ako ng hangin.
"Pero ako, gusto ko siya," biglang sabi ni Kairo kaya napalingon ako sa kaniya. Nasa likod ko pala siya habang may hawak na tray ng pagkain. Umupo siya sa tabi ko at inayos ang pagkain niya. Halos puro gulay ang pagkain niya, a. Vegetarian ba siya? Nah. I'm not interested, just curious.
Café ang shop ng lola ng ni Kairo pero mayroon naman silang mga pagkain dito na kinakain para sa dinner. Actually, hindi 'yon binebenta, para lang talaga sa dinner iyon ng mga empleyado ng Mimo's Café.
"Yieeee!" Tumili-tili si Noei kaya maging ang ibang tao sa café ay napatingin sa amin. Inis ko siyang binalingan. "Peace lang!" natatawa niyang saad. Humalakhak si Kairo sa tabi ko.
Tahimik lang akong kumakain. Minsan ay nag-uusap si Kairo at Winoei. Direct to the point si Kairo. Kahit siguro ipagsigawan sa mundong gusto niya ako, magagawa niya pa rin. Hindi niya ba naisip na masasaktan lang siya sa mga ginagawa niya? Sakit lang ang kahahantungan ng pagkakagusto niya sa akin.
Nagulat ako nang ilagay ni Kairo sa harap ko ang isang bowl ng vegetable salad. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya. "Para sa'n 'yan?" Nagtatakang tanong ko.
"Kumain ka ng gulay. Maganda kasi 'yan para sa kalusugan mo. Dapat malusog ka, para hindi na rin tamaan ng sakit. Okay?" Mahabang mungkahi niya. Pati kalusugan ko, pinapakialaman niya. Iba rin 'tong lalaking 'to, e.
"Hindi ako kumakain ng gulay, Kairo," seryoso kong tugon. Kahit anong gulay, hindi ako kumakain. Maarte na kung maarte, pero gano'n talaga ako.
Nagsalubong ang mga kilay ni Kairo. "Bakit hindi? Ano ba naman 'yan, Moeryl?" Huminga ako ng malalim. Bakit pala kung hindi ako kumakain ng gulay? Ikamamatay ko ba iyan?
"Wala kang pakialam, okay?" Sarkastiko kong usal. Tumayo si Noei na tila naguguluhan sa amin ni Kairo. Nakakunot ang noo niya at nakaawang ang bibig.
"Uh... guys, mauna na muna ako, ha? Mukhang nag-aaway pa kayong dalawa, i-settle ninyo muna 'yan. Iba talaga kapag nagmamahalan, madalas mag-away." Nanlaki ang mga mata ko at tumalim ang titig sa kaniya. "Joke lang, Moeryl! Hahaha!" Natatawang siyang umalis. Tumawa rin si Kairo pero nanatili siyang nasa tabi ko.
"Bakit hindi ka kumakain ng gulay?" Nakasimangot niyang tanong sa akin.
"Ayaw ko ng lasa," ani ko. Bumusangot si Kairo sa sagot ko. Tatanong-tanong siya tapos bubusangot? Galing, a.
Bigla siyang ngumiti na parang sinapian ng kasiyahan. May aning ba 'to sa utak? "Moeryl, everyday, tuwing recess, magdadala ako ng isang dish na may halong isang uri ng gulay. Kailangan mong kumain ng gulay everyday. Kailangan mong matutong kumain ng gulay. Ibig sabihin, bawat araw na kakain ka tuwing recess time, makakakain ka ng gulay. Yey!" Umiling-iling ako sa natura niya. Bahala siya sa buhay niya. Ako? Kakain ng gulay? Fudge. Baka naman ikamatay ko 'yon.
"Ayaw ko." Tumawa siya at kinindatan ako.
"Ayaw mo talaga?" Tumango ako na siyang dahilan ng pagngiti niya. "Ayaw ko 'tong gawin pero binibigyan mo ako ng dahilan, e. Ayaw kong manakot pero iyon na lang ang tanging magagawa ko." Ngumiti siya sa akin.
Tumaas ang isang kilay ko. Anong gagawin niya? "Sasabihin ko kay lola na tanggalin ka sa trabaho mo kapag hindi ka pumayag sa akin. Sige ka, ikaw rin." Napapailing akong napalabi. Fudge. Nang dahil sa gulay na 'yan. Woah. Pero okay lang din namang matanggal ako sa trabaho, pero babalik na naman sa dati – mababagot lang ako sa bahay.
"Fudge. Sige na nga." Nanlaki ang mga mata niya at biglang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya.
"Good. Magsisimula na tayo bukas," sambit niya. Napilitan na lang akong tumango. Campus crush ba si Kairo? Wala naman sigurong magagalit sa akin kapag nakitang magkasama kami, 'di ba? Besides para lang 'to sa pagkain ko ng gulay na sinasabi niya.
Kung hindi lang dahil sa trabaho na 'to, tinanggihan ko na si Kairo. Kairita, a. Tumayo na ako. Ipinatong ko ang kutsara't tinidor sa plato ko at inayos na rin ang iba. Hinawakan ni Kairo ang kamay ko kaya nanigas ako. Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya at lumayo ng unti.
He sighed. "S-sorry. Saka... hayaan mo nang 'yong iba ang magligpit niyan." Marahan na akong tumango. Iniwanan ko siya roon at pumasok sa isang maliit na silid. Naabutan kong may ka-text si Noei bago pa ako tuluyang makapasok.
Nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya pero bigla ring ngumiti. "Anong nangyari? Nagbati na ba kayo ni Sir Kairo? Awieee! Masaya ako para sa inyo." Umirap ako sa kaniya. Maging masaya siya kung nagmamahalan kami ni Kairo. Hindi ko nga gusto 'yong taong 'yon, eh.
"Oo na lang," tanging nasambit ko.
8:27 pm na. Malapit na rin kaming matapos sa trabaho. Hinahanap din kaya ako ni mama at ate ngayong oras na ito? Nag-aalala rin kaya sila kung bakit hindi pa ako umuuwi? Iniisip din kaya nila kung nasa maayos akong kalagayan ngayon? Inaalala rin kaya nila ang kaligtasan ko? Syempre... hindi. Hindi na ata mangyayari 'yon.
Sa last 30 minutes namin ni Noei bago matapos ang oras ng trabaho ay nag-serve lang kami ng orders ng costumers. May iilang matataray at maaarte pero kaya ko namang magtimpi pa. Hindi ito ang oras para sa mga ganiyang bagay.
Nang matapos ang trabaho namin ay tinipon kami ni manager pati ang ibang empleyado. Pinaliwanag niya sa amin saglit ang paghahati ng trabaho. Mayroon daw dalawa na naka-assign sa paggawa ng iba't ibang flavour ng coffee gamit ang coffee makers. Mayroon ding apat para sa pag-bake at paggawa ng cakes, cupcakes at cookies. May isang nagluluto ng dinner para sa aming mga empleyado. May isa ring nakabantay sa shop, iyong parang cashier dito sa café. Kaming dalawa naman ni Noei ay para sa pag-serve lang ng orders para sa mga costumer. Actually walang trabaho si manager dito kung hindi ang mag-manage lang sa café.
Paglabas ko ng café ay nakita kong wala roon ang sasakyan ni Kairo. Mabuti naman at umuwi na ang isang 'yon. Sa dami kasi ng magugustuhan, ako pa ang natipuhan. Ako na walang maibibigay sa kaniyang pagmamahal, puro pasakit lang.
9:16 pm. May dadaan pa naman sigurong taxi rito. Hindi rin naman ako hahanapin ni mama at ate sa bahay, kahit pa gabi na ako umuwi.
YOU ARE READING
Unchained Hearts
Teen FictionShe's a girl who's part of a broken family. She's a girl who's tired of loving because of always getting broke. She's a girl who suffered pain and betrayal. Moeryl was broke. Moeryl was backstabbed. Moeryl was pained. Moeryl fears to love... and...