Moeryl's POV
Nag-cut ako ng class. Hindi rin ako umuwi. Pumunta ako sa isang lugar kung saan ako laging dinadala ni papa.
Nandito ako sa tabi ng dagat, sa may dalampasigan. Naaalala ko pa dati, kapag malungkot ako, dito ako dinadala ni papa.
'Yong mga panahong iyon, 'yong buo pa ang pamilya namin. Iyong hindi pa siya nagloloko, iyong si mama at kaming mga anak niya pa lang ang mahal niya. Mapait akong ngumiti. Ngumingiti na ako, pero hindi naman ako masaya. Ngumiti ako pero lungkot at sakit lang ang katumbas ng ngiting 'yon.
Paano ba bumalik sa dati? O kung maibabalik ko pa nga ba ang dati? Kakalimutan ko na ba ito at magsisimula ng panibagong yugto ng buhay ko?
Pumunta ako sa dagat at inilusong ang mga paa ko. Pumunta ako sa malalim. Sa mas malalim pa hanggang sa umabot na ako sa parte ng dagat kung saan ulo ko na lang ang nakikita. Marahan akong ngumiti at nagpaubaya.
Nagulat lang ako nang may humila sa akin palayo roon. Halos makainom pa ako ng tubig dagat. Pagdating sa dalampasigan ay galit akong hinarap ni Kairo.
"Ano bang ginagawa mo, Moeryl?!" Umiling ako at marahang ngumiti. Bigla akong umiyak. Para akong sira rito.
"Pagod na rin kasi ako. Tapos may nasaktan na naman ako. Nasaktan kita..." Umiling si Kairo.
"Tsk. Wala naman akong pakialam kung masaktan pa ako ng paulit-ulit dahil sa 'yo. Kahit paulit-ulit mo pa akong itaboy, babalik at babalik pa rin ako sa 'yo," nakangiti ngunit may bahid ng sakit niyang sambit.
Hinawakan ko ang pisngi niya at lumuha. "Kairo, sorry ha? Hindi ko naman intensyong saktan ka, e. Napapagod na rin kasi ako. Palagi na lang akong nasasaktan tapos ako naman, ang dami na ring nasasaktan. Kalimutan mo na lang kasi ako, please?" Umiling siya.
Ngumiti siya pagkatapos ay niyakap ako. Hindi na ako nagpumiglas. Kahit dito man lang, mabawasan 'yong sakit na naidulot ko sa kaniya. "Kakalimutan ko 'yong nararamdaman ko para sa 'yo, pero hindi ikaw. Naging parte ka na ng buhay ko kahit sinasaktan mo lang ako. Mahal kita kahit hindi mo ako mahal. Pinahahalagahan kita kahit wala ka namang pakialam. Ipinagdadamot kita kahit balewala naman ako sa 'yo." Nakatitig lang ako sa kaniya habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon.
Bumitaw ako mula sa pagkakayakap niya. Umalis siya saglit pagkatapos ay bumalik din dala ang isang jacket. Isinuot niya iyon sa akin.
"Ihahatid na kita sa inyo. 'Wag ka na munang magtrabaho sa café. Ako na lang ang magsasabi kay lola." Marahan akong tumango. Nanginginig ako dahil sa lamig.
Pinagbuksan ako ni Kairo ng upuan. "K-kairo, mababasa 'yong upuan."
Mahinang tumawa si Kairo. "'Wag kang mag-alala. Ikaw naman ang uupo riyan kaya ayos lang," ani Kairo. Tumango lang ako.
Tahimik lang ako buong biyahe. Minsan ay kinakausap ako ni Kairo, pero minsan ay tahimik lang din siya.
"Moeryl, hayaan mo na lang ako," sabi ni Kairo kaya kumunot ang noo ko. "Hayaan mo akong mahalin ka. Hayaan mo akong iparamdam sa 'yo na mahalaga ka. Hayaan mo akong alagaan at bigyan importansiya ka. Hayaan mong akong sumaya kahit paano. Hayaan mo akong maghintay sa 'yo..." Sana nga gano'n lang kadali iyon, Kairo. Sana.
"Kairo, kung hahayaan kita, masasaktan ka lang. Kung hahayaan kita, masusugatan ka lang. Kung hahayaan kita, mapapagod ka lang. Kung hahayaan kita, magagaya ka lang sa akin na basag, at patuloy na nababasag." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
"Wala lang naman sa 'kin 'yon. Ako naman 'yong masasaktan, hindi ikaw." Bumuga ako ng hangin.
Ngayon pa lang Kairo, masisiguro ko nang sobra kang masasaktan pagdating sa huli. Masasaktan ka lalo na't masakit malaman ang katotohanan. Sana isang araw maisip mong hindi mo deserve maging parte ng buhay ko. Sana isang araw mapagtanto mong ang dumi mo pala sa mga panahong minahal mo. Sana ma-realize mong hindi ako ang babaeng para sa 'yo kasi Kairo, para sa ibang tao ako.
YOU ARE READING
Unchained Hearts
Teen FictionShe's a girl who's part of a broken family. She's a girl who's tired of loving because of always getting broke. She's a girl who suffered pain and betrayal. Moeryl was broke. Moeryl was backstabbed. Moeryl was pained. Moeryl fears to love... and...