Epilogue

3 0 0
                                    

Moeryl's POV

Thursday morning. Fudge. Mamayang alas-sais ang kaarawan ni Kairo at gano'ng oras ay nasa ospital dapat ako.

Paikot-ikot lang ako rito sa apartment ni Noei dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagulat si Noei mula sa paglabas sa kwarto niya nang makita ako sa ganitong estado.

"Hindi ka pa pumapasok?" takang tanong niya sa akin. Fudge! Oo nga pala. Hmm.

"Hindi muna siguro ako papasok ngayon. Liliban ako sa klase," usal ko. Kumunot ang noo ni Noei sa sinabi ko.

"E? Bakit?" Umiling lang ako sa kaniya.

"Wala. Fudge. Ang gulo!" Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga na lang.

So, ganito na lang. Alas-kwatro siguro ako pupunta sa ospital at magtatagal ng isa't kalahating oras. Pagsapit ng 5:30 pm, bago ako tutungo sa bahay ni Kairo. Tama!

Hindi naman siguro kailangang bonggahan ang damit, 'di ba? Kahit simpleng t-shirt at pantalon lang.

Alas-dos ng hapon nang magising ako. Fudge. Hindi ako naka-kain ng lunch ko. Paglabas ko sa mula sa silid ko ay naabutan kong walang tao sa apartment. Marahil nasa school ang isang 'yon.

Dalawang oras na lang at dadalawin ko na si Erol sa ospital. Maaaring itaboy na naman ako ng pamilya niya, pero ayos lang dahil mahal ko naman siya.

Kumain na lang ako ng kung anong makakain ko at nagsipilyo. Nagsuot ako ng damit kung saan ako komportable at nanatili sa sala para makapag-isip-isip. Fudge.

Kahit ayaw kong pumunta sa birthday celebration ni Kairo ay wala akong magagawa dahil nakapangako na ako sa tao. Mabuti na rin iyon dahil titigilan at kakalimutan niya na ako. Wala na akong poproblemahin at mas matutuon na ang atensyon ko kay Erol.

Binuksan ko ang phone ko at napapunta sa contacts. Nakita ko roon ang nangunguna sa listahan.

AaaaMama. 'Yan ang name ni mama sa contacts ko. Nangilid ang mga luha ko. Nami-miss ko na si mama. Nami-miss ko na siya, sobra. Gusto kong umuwi pero natatakot akong baka paalisin niya rin ako.

Tinawagan ko siya at 'laging sinasabing unattented. Gano'n ba siya kagalit sa akin na pati ang tawag ko ay ayaw niya nang sagutin? Galit ba siya dahil sa sinumbong kong nahuli kong may kahalikan si ate? Fudge. Gano'n siguro ako kahirap paniwalaan... noon pa.

Magkakaayos pa ba kami ng pamilya ko? Babalik pa ba kami sa dati? Patuloy akong umaasa kahit ipinapakita na sa akin ng mundo na hindi na 'yon mangyayari pa.

Quarter ko 3:00 pm na. Agad akong lumabas sa apartment at ikinandado ito. Pumara ako ng taxi at pumunta sa ospital kung nasaan nagpapagaling si Erol, sa Vernin's Hospital.

Dahan-dahan akong naglakad sa loob ng ospital patungo sa room ni Erol. May iilang napapalingon sa amin.

Pagdating sa tapat ay nakabungad ang mga magulang niya. "What are you doing here again?!" pagalit na salubong sa akin ng mama ni Erol. Pinigilan siya ng asawa niya at matalim na tumitig sa akin.

"Ito na ang huling pagkakataong bibisitahin mo ang anak namin, Moeryl. Sulitin mo na dahil bukas ay tutungo kami sa Singapore para magpagamot," ani ama ni Erol. Awtomatikong lumaki ang mga mata ko at napabuka ang bibig ko.

"P-po?!" Tumango lamang siya. Agad akong pumasok sa kwarto ni Erol at umupo sa gilid ng kama niya.

"Erol naman... bakit ilalayo k-ka na ng parents m-mo sa akin?" Hinawakan ko ang kamay niya at tahimik na napaiyak at humikbi. "Hindi ba't, magpapagaling k-ka pa? Uy. Kasi n-naman, 'di ko... k-kayang malayo sa 'yo. Erol..."

Pumikit ako at lumuha. Niyakap ko siya. Nararamdaman niya ba ako? "Iiwan mo na ako... bukas. B-bakit naman? B-bakit hindi ka na lang... d-dito magpagaling?" Hinaplos ko ang mukha niya.

Pinunasan ko ang mga luhang lumalandas sa mukha ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Fudge. Ang sakit niyang pagmasdan. Hindi naman sana aabot sa ganito kung hindi dahil sa hayop kong stepfather. Sana ay mabulok siya sa bilangguan!

Umiyak akong muli hanggang sa malunod ako sa dapat ng mga isipin at nakatulog. Magiging maayos din ang lahat.

Nagising ako bigla sa hindi malamang dahilan. Pagtingin ko sa orasan ay talagang nanlaki ang mga mata ko. Alas-nuwebe na! Fudge. Inayos ko ang sarili ko at dali-daling lumabas sa room ni Erol pero napahinto ako nang bumunggo sa isang pigura.

Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Kairo. Fudge! Nangingilid ang mga luha niya kaya agad ko siyang hinila palabas ng ospital hanggang sa makarating kami sa hardin ng ospital kung saan walang mga tao.

Umaagos na ang mga luha niya habang nakayuko. "Kairo..." Nag-angat siya ng tingin sa akin at patuloy ang pag-iyak niya.

"M-moeryl naman. Bakit? B-bakit ang... sakit?" Tumulo ang mga luha ko. Fudge. "Bakit n-nagsinungaling ka? Kasi akala ko hindi... ka h-handa, pero may nauna pala talaga..."

Tinangka kong lapitan siya pero umiwas lang siya. "S-sorry," tanging nasabi ko at tahimik na humikbi.

"You're sorry? Wow. A-alam mo bang naghintay a-ako sa 'yo... kanina? Alas-sais, imbis na mag-entertain ng mga bisita ko, n-nagtiyaga akong maghintay sa 'yo. Moeryl... ang s-sakit kasi." Humihikbi siya at nananatiling nakatitig sa akin. "A-alam mo rin bang umulan? M-moeryl hinayaan kong b-bagsakan ako ng ulan k-kakahintay sa 'yo pero hindi ka d-dumating. G-galit sa 'yo... si mom pero ipinaglaban k-kita... sabi ko ay b-baka na-late ka l-lang... pero 'di pala."

"L-let me explain... please," pagsusumamo ko.

"No. Nagsinungaling k-ka... kasi, e. Sana simula pa lang, sinabi mo n-nang may mahal ka na palang iba. Hindi h-handa? Wow. Ang galing mo palang... magsinungaling. Haha. Tawang-tawa ako sa sarili... ko." Pilit niyang pinapaalis ang mga luhang lumalandas sa mukha niya. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa nangyayari.

"S-sorry... ayaw lang kitang masaktan lalo." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Ewan ko pero mas nasaktan ata ako lalo dahil sa pagsisinungaling mo. Zira's right. Bakit nga ba kita minahal? Fvck this heart." Ngumiti siya sa akin. "Oo nga pala. Ang swerte sa 'yo no'ng taong mahal mo." Tumalikod siya pero agad ko siyang pinigilan.

"Saan ka... pupunta, K-kairo?" Humarap siya sa akin at mapait na ngumiti.

"Anong pakialam mo? Ang lakas ng loob mong magtanong samantalang pinagsinungalingan mo ako."

"Kai—"

"Goodbye, Moeryl. Lalayuan na kita tulad ng pangako ko." 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now