[14]

1 0 0
                                    

Moeryl's POV

Napawi ang ngiti ni Kairo nang makita ang notebook ko sa lamesa. Nakaupo siya katapat kong stool. Nakasimangot siya at sinipat-sipat ang notebook ko.

Tumaas ang kilay ko kasabay ng pagkunot ng noo niya. "Ano na namang paka-—" Hindi ko natapos ang itatanong ko dahil sa pagputol niya sa akin. Iba rin.

"Anong oras na 'to, Moeryl? Bakit nasa labas ka pa ng bahay niyo? Tapos nagre-review ka pa rito. Delikado." Umiling-iling ako sa tugon niya.

"Ayaw kong mag-aral sa bahay." Natigilan ako bigla. Seryoso akong bumaling sa kaniya. "Kairo, paano mo pala nalamang nandito ako?" Mahina siyang tumawa kaya nagpakita ang maputi't pantay niyang mga ngipin.

"'Wag mo akong titigan. Naco-conscious tuloy ako kung may dumi ba sa mukha ko." Ngumiwi ako sa sinabi niya. Ako? Tinititigan siya? Taas ang confidence level, a.

"Paano mo nga nalamang nandito ako?" tanong ko ulit. Sumeryoso siya tapos biglang bumusangot.

"Marami akong paraan. 'Lang 'ya, kinikilig ako sa 'yo. Kainis!" Napangiwi ako, kapagkuwa'y tumango, at kalauna'y hindi na siya pinansin. "Moeryl, pwede ba kitang tulungan?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano namang maitutulong niya sa akin?

"Paano ka makakatulong?" Nangingiti siyang tumayo at kinuha ang notebook mula sa pagkakahawak ko.

"Nag-review ka naman, 'di ba?" Tumango ako. Nag-thumbs up siya sa akin. "Tatanungin kita ng tungkol sa mga inaral mo kanina. Dapat ma-perfect mo, a," paliwanag niya. Tamad akong tumango.

"Okay. Number one na. A propaganda technique that appeals to be regular people and their values such as health, family and position."

"Plain Folks."

"Good. Number two. If a famous person recommends a product or a political endorsement, what kind or type of propaganda technique is that?"

"Testimonials."

"Nice. Hmm, trash-talking another product or person. Anong propaganda technique?"

"Name calling." Ngumiti siya.

"Mukhang alam mo naman lahat. Ang talino mo, putek, kaya nagustuhan kita, e, kahit hindi ako ang gusto mo."

"Magsisisi ka pa lang." Seryoso ko siyang tinitigan. Tinantiya ko ang mararamdaman niya. Tumawa lang siya.

"'Wag kang manakot. Kahit masaktan pa ako ng paulit-ulit, gusto pa rin kita at mananatiling gano'n 'yon maliban na lang kung magsawa na ako kakasuyo sa 'yo." Sumimangot siya at ginulo ang buhok ko. "Pero 'di naman ako magsasawa, aasa akong magugustuhan mo rin ako pagdating ng araw," tuloy-tuloy niyang salita.

"Hindi na dadating pa ang araw na 'yon." Ngumiti lang siya pero hindi maikukubli ang lungkot sa bawat ngiting ipinapakita niya sa akin.

"'Di mo masasabi 'yan. Mag-focus ka na lang sa katotohanang gusto kita."

Tumayo ako. Kinuha ko ang notebook ko at inilagay ang phone sa bulsa ng jogging pants ko. Tumingin ako sa wristwatch ko. 11:48 pm na. Ang tagal ko rin pala rito sa playground. "Mauuna na ako. Umuwi ka na."

Hinawakan niya ang kamay ko para patigilin ako. "Sandali lang."

"Kamay," maikli ngunit may diin kong usal. Inalis niya naman ang kamay niya. Sandali siyang tumakbo papunta sa driver niya. Nakita kong may iniabot sa kaniya ang driver niya.

Pati 'yong driver niya naabala pa. Imbis na matutulog na 'yong tao at nang makapagpahinga, naistorbo pa. Umiling na lang ako. Nang makabalik si Kairo sa akin ay may bitbit siyang isang plastic na maraming laman. Ano na naman ba 'to?

"Para sa 'yo 'yan. Hmm, 'wag mong itapon, a? Alam ko namang hindi mo ako gusto, pero tanggapin mo na 'yan," ani Kairo. Tumango ako at napaiwas ng tingin.

"Sige. Salamat." Tinalikuran ko siya. Medyo mabigat 'tong plastic na bigay niya. Anong laman nito? Pagkain? Damit? Ano?

Pagdating sa bahay ay gano'n pa rin sa kung ano siya bago ko iniwan kanina. Umakyat ako sa kwarto ko at saglit na umupo sa upuan na malapit sa bintana ko. Binuksan ko ang bintana at nakitang nakahilig si Kairo sa sasakyan nila, tila nag-iisip.

Bakit ba hindi pa umuuwi ang isang 'yon? Teka. Hindi nga pala nakakapasok sa village namin ang hindi taga-rito pagsapit ng alas-diyes ng gabi maliban na lang kung may kamag-anak sila rito. Paano nakapasok si Kairo? Ano namang ginawa niyang excuse para makapasok?

Pumikit siya at pagkatapos ay bumusangot. Tumingin siya sa bahay namin, sunod ay sa bintana ko kaya agad ko ring naisara ang bintana ko. Fudge. Sana 'di niya nakitang nakasilip ako kanina.

Lumapit ako sa plastic bag na ibinigay niya kanina. Teka. Bakit ganito ang mga laman nito? Bakit nandito ang mga paborito kong pagkain? Fudge. May tatlong boxes ng juice na Refresh. May apat na packs ng Fres candy. Mayroon ding 20 packs ng Hansel crackers. Fudge. Paano niya nalaman na ganito ang mga pabori—

Ah, fudge! Baka no'ng ibabalik niya na nakaraan 'yong naiwan kong plastic na may naglalamang mga pagkain ay nakita niya ang laman no'n. Woah. Nalaman niya na agad ang paborito ko.

Tuesday morning. Alas-singko pa lang. Dalawang oras pa bago magsimula ang unang klase namin ngayong umaga. Pumunta ako sa tambayan ko.

Halos wala pang tao sa school pagdating ko kanina. Maaga pa naman kaya wala pa.

Tahimik akong naglakad papunta sa likod ng school patungo sa puno ng mangga kung saan ako tumatambay tuwing umaga. Medyo may kadiliman pa rin sa school pero mas maganda na 'to kaysa ang manatili sa bahay.

Nakalimutan kong sabihin. Ang uniform namin rito ay isang puting blouse na may itim na neck tie at isang palda na kulay itim. Ang palda namin ay maikli, 5 inches mula sa tuhod pataas. Kung nagtataka kayo dahil umaakyat ako sa puno ng mangga sa kabila ng ikli ng palda ko, nakasuot naman ako ng makapal at fitted na shorts. May suot din akong cyclings kaya hindi talaga ako masisilipan.

Pagdating ko sa spot kung nasaan nando'n dapat ako tatambay ay inis akong napapikit.

Bakit nandito na naman siya? Fudge. Kairo naman, wala na atang araw na hindi mo guguluhin ang buhay ko.

Lumapit ako sa puno ng mangga at nagsimulang umakyat pero tinawag ako ni Kairo kaya hindi ako natuloy.

"Moeryl, 'wag ka ngang tumuloy!" he stated in a serious tone. Fudge. Pati pag-akyat ko sa puno ng mangga pagbabawalan niya?

"Bakit?" Tanong ko, nananatiling nakatingin sa kaniya. Tumuloy ako sa pag-akyat.

Umiwas siya ng tingin sa akin. "A-ang ikli ng palda mo."

Mahina akong napatawa sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Fudge. N-natawa ako?

Napalingon ako kay Kairo na ngayon ay namimilog din ang mga mata. "M-moeryl, tumawa ka?"

Bumalik ako sa dating ekspresyon ng mukha ko. Hindi. Hindi ako natawa. Umiwas ako ng tingin. "Hindi." Tuluyan na akong umakyat sa puno ng mangga at hindi na siya pinansin.

Nakangiti si Kairo habang nakatitig sa akin. Umiling lang ako at suminghap.

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now