Moeryl's POV
Gabi na at tuloy ang balak kong pagkuha ng mga gamit sa bahay. Narito ako sa labas ng bahay at nagtatago sa isang puno kung saan hindi tumatagos ang ilaw. Alas-otso pa lang. Mamayang alas-diyes pa ako makakapasok dahil siguradong tulog na ang mga tao sa bahay. Pa-low battery na ang phone ko. Fudge.
Paano naman ako maghihintay dito? Magpapaamag ako rito at hahayaang lamukin ang sarili ko? Umupo ako sa madamong parte ng lupa at tinignan ang mapanglaw na langit.
Maliwanag. Nagniningning ang mga bituin. Nagbibigay liwanag ang buwan. Mapait akong ngumiti. Stars still shine after all even though they're surrounded by darkness.
Pagsapit ng alas-diyes ay unti-unti nang namatay ang mga ilaw sa mga bahay dito sa aming village. Tumayo ako at naglakad patungo sa gate namin. Tinignan ko ang paligid at nang makitang walang tao ay dahan-dahan na akong pumasok sa bahay.
Marahan ang bawat galaw ko patungo sa aking kwarto. Tulog na siguro si mama at ate. Pagdating sa kwarto ko ay agad akong nag-impake. Nagdala ako ng maraming damit at inilagay sa maleta ko. Kinuha ko rin ang natitirang pera ko pati na rin ang bank card na nakalagay sa cabinet ko. Sa isa pang bag ko ay aking inilagay ang mga pagkain na nakalagay sa fridge ko. Isinama ko na rin ang iba ko pang mga kailangang gamit. Nang maayos na ang lahat ay dahan-dahan akong bumaba hanggang sa makalabas sa bahay.
Napabuga ako ng hangin pagkatapos makalabas sa gate. Mapait akong ngumiti at tinignan ang kabuuan ng bahay namin.
"Muli akong babalik dito sa lugar kung saan ako nagsimula at lumaki. Panandalian lamang akong aalis dahil tingin ko'y hindi muna ako karapat-dapat na manirahan diyan dahil magulo pa ang pamilya ko. Pahuhupain ko muna ang galit ni mama at ate sa akin. Hanggang sa muli, tahanan at pamilya ko."
Tahimik akong naglakad palabas ng village. Mag-a-alas-onse na rin pala ng gabi. Saan naman kaya ako matutulog nito?
Medyo mabigat ang mga dalahin ko pero kakayanin ko 'to. Nagpalaboy-laboy ako sa kalsada. Nahinto lang ako nang mabunggo ako sa isang pamilyar na tao. Agad gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.
"Noei!" Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang bibig nang makita ako.
"M-moeryl?! Anong ginagawa mo rito ngayong dis-oras ng gabi? H-hala! Ngumiti ka rin, 'di ba hindi mo 'yan ginagawa? Woah!" hindi makapaniwala niyang sabi sa akin. Namamangha siya sa akin dahil nakikita ko 'yon sa mga mata niya. "Gosh! Tumawa ka rin! Oh my! Hala! 'Di ako makapaniwala." Mas lumawak pa ang ngiti ko hanggang sa napunta na ito sa tawa.
Hinila niya ako patungo sa isang shed dito sa kalsada at pinaupo. "Teka, Moeryl. Hala bakit may dala kang mga bagahe? Gabi na, a? 'Wag mong sabihing lumayas ka?" Namilog ang mga mata niya.
Natatawa akong umiling. "Hindi naman paglayas ang tawag sa ginawa ko. Kailangan ko lang ng oras. Aayusin ko muna ang sarili ko. Aayusin ko ang mga problema ko. Aayusin ko ang buhay ko. Naghahanap nga lang ako ng pansamantalang matutuluyan," mahabang pagpapaliwanag ko. Tumango-tango siya at hinila ako hanggang sa makarating kami sa isang apartment na hindi kalayuan sa lugar kung saan kami nagtagpo kanina.
Kasalukuyan kaming nanunuod ng isang palabas sa telebisyon nang bigla siyang magsalita.
"Moeryl, bakit umalis ka sa bahay ninyo?" takang tanong niya. Ngumiti ako at suminghap.
"Mahabang istorya. Babalik din naman ako kapag maayos na ang lahat. Hmm, ikaw? Bakit nasa labas ka pa kanina?" Nangingiti siyang umiling sa tanong ko.
"'Yong boyfriend ko kasi, tinawagan ako kaya sa labas ng bahay ko sinagot. Ayaw ko rito sa loob ng apartment dahil trip ko lang. HAHAHA!" Sinabayan ko siya sa pagtawa. May sira rin pala ang isang 'to.
Sandali akong sumeryoso. "Noei, pwede ba akong makitira rito? Magbabayad naman ako ng upa." Tumango siya. Tumayo siya sandali at may itinurong isang kwarto.
"Doon ang kwarto mo. May kasama kasi ako rito nakaraan pero umalis din dahil kinuha ng mga magulang niya." Tumango ako at sinuyod ang kwartong iyon. Maganda siya at malinis. Mayroong isang malaking kama at bakanteng cabinet sa tabi. Apartment pa bang matatawag ito? Mukha naman itong condo unit. Nakakamangha lang.
"Sige, Noei. Salamat."
"You're welcome! Moeryl, magkuwento ka naman ng tungkol sa inyo ni Sir Kairo," usal niya habang nakanguso. Bumuntong-hininga ako.
"Wala naman tayong pag-uusapan tungkol doon. Walang namamagitan sa amin." Sumimangot siya sa sinabi ko. Wala naman talaga.
"Pero mahal ka ni Sir Kairo. Paanong walang namamagitan sa inyo?" Pagod akong yumuko. Huminga ako ng malalim at seryosong tinitigan si Noei.
"Mahal niya ako pero hindi ko siya mahal. Walang namamagitan sa amin dahil siya lang naman ang nag-iisang nagmamahal sa aming dalawa." Namilog ang mga mata ni Noei, tila hindi makapaniwala.
"H-hala! Kawawa naman pala si sir. Ang ganda mo kasi, e. Ang bait mo pa. Nako, Moeryl. Kaya pala laging nangangamusta 'yong tao," sambit niya. Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Nahihiya siyang ngumiti – iyong pilit na ngiti.
"Araw-araw at gabi-gabi ka niyang kinakamusta sa akin. Hindi naman kita laging nakakausap kaya wala rin akong masabi sa kaniya. Hays. Ang lungkot naman ng buhay pag-ibig ni sir." Napaiwas ako ng tingin at napailing sandali. He loves me that much?
Ano bang mayroon ako na hindi natagpuan ni Kairo sa ibang babae? Bakit ako ang minahal niya? He's not aware of the fact that I'm... argh!
"Ako pa kasi 'yong minahal niya." Napatingin sa akin si Noei at mapait na ngumiti.
"Bakit hindi mo bigyan ng chance si Sir Kairo, Moeryl?" Diretso akong napatitig sa kaniya pagkatapos iyong sabihin.
"Hindi pwede... kasi may nauna," mahina ngunit may diin kong sambit. Namilog ang mga mata ni Noei at napatakip sa bibig niya.
"Gosh! Ba't ang sabi ni Sir Kairo kagabi sa tawag ay hindi ka pa handa kaya hindi mo siya kayang bigyan ng chance? T-tapos, ang totoong dahilan pala ay dahil may nauna sa kaniya?" Pagod akong tumango. Hindi niya pala narinig. Hindi niya narinig nakaraan ang sinabi kong, "Sana kasi ay hindi ka nagmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba."
I pity him. I pity someone like him for loving someone like me. Kasi bago siya, may nauna na. Bago pa niya mapasok ang puso ko, mayroon nang nakapasok na iba rito. Bago pa niya ako mahalin, mayroon nang nagmamahal sa akin na mahal na mahal ko rin.
Tumayo ako at nilapitan ang mga gamit ko. Aayusin ko na ito sa aking kwarto at magpapahinga na rin. Bukas na lang siguro ako magbabayad ng parte ko sa upa namin sa apartment.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa silid na nakatalaga sa akin. "M-moeryl," pagtawag sa akin ni Noei dahilan para mapatigil ako. Nagtataka akong nilingon siya.
"Bakit?" Tanong ko naman sa kaniya.
Nahihiya siyang ngumiti at yumuko pa. "F-friends na b-ba tayo?" Dumiretso ang titig ko sa kaniya. Napawi ang ekspresyong nakatakdang lumabas mula sa mukha ko.
Kaibigan? Handa na nga ba ako? Kasi kapag niloko lang ako ni Noei sa bandang huli, hindi ko alam kung may salitang 'kaibigan' pa ang lalabas sa bokabularyo ko.
Dahan-dahan akong tumango at pilit na ngumiti. "S-sige."
Sana magtagal ka sa tabi ko, Noei. Sana pangmatagal ka rin. Sana totoo ka at hindi peke tulad ng mga nauna kong kaibigan.
YOU ARE READING
Unchained Hearts
Teen FictionShe's a girl who's part of a broken family. She's a girl who's tired of loving because of always getting broke. She's a girl who suffered pain and betrayal. Moeryl was broke. Moeryl was backstabbed. Moeryl was pained. Moeryl fears to love... and...