[5]

1 0 0
                                    

Moeryl's POV

Naantala 'yong pahinga ko kanina sa puno ng mangga. Alas-sais pa lang. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench dito sa field. Sigurado akong sarado pa ang room namin. Alas-syete pa ang klase namin at siguradong mamaya pa magsisi-datingan ang mga kaklase ko.

Kaninang umaga, nakita kong ipinagluluto ni mama ng ulam si ate. Nagkukuwentuhan pa sila habang nasa dining area. Balak ko rin sanang sumabay sa kanila kanina, pero naisip kong baka makaistorbo lang ako sa kanila.

Ang aga rin ng gising nila kanina. Baka maaga ring papasok si ate.

Nagulat ako nang may lumipad na bolang pang-volleyball patungo sa akin. Huli na para maiharang ko pa ang mga braso ko dahil dumiretso na ang bola sa mukha ko.

Fudge. Mariin kong nangitngit ang ngipin ko. Huminga ako ng malalim at tinignan kung kanino nagmula ang bolang hawak-hawak ko na ngayon. Kalma lang, Moeryl. Kalma.

Dalawang babae. Parehong nakasuot ng sports bra, ang isa'y nakasuot ng maikling shorts, at ang isa naman ay jogging pants ang suot.

Hindi naman sila mukhang nakokonsensya sa ginawa nila. Natatawa pa sila. Tinanguan ko sila bago pinalo ang volleyball pabalik sa kanila. Kumunot ang noo ko nang tumama ito sa dibdib ng babae.

Fudge. That hurts. Tinalikuran ko na sila.

Minasahe ko ang noo ko habang naglalakad papunta sa room. Pakiramdam ko tinakasan ako ng dugong dumadaloy sa ilong ko dahil sa impact ng pagkakatama ng bola sa mukha ko kanina.

Sino ba 'yong dalawang babae kanina? Walang magawa sa buhay na pati akong nananahimik, nadamay.

Pagdating sa room ay nakabukas na ito. Dumiretso ako sa loob at nakitang si Ren pa lang ang naroon. Ngumiti siya sa akin at sinalubong ako. Tumango lang ako sa kaniya.

Umupo siya sa upuan na katabi ng akin. "Ahm.. Moeryl, may boyfriend ka na ba?" Biglang tanong niya na nagpataas ng kilay ko. Bakit naging interesado siya bigla?

Nagkibit-balikat lang ako. Kagabi nga ay napagkamalan pa ako ni mama na naglalandi kahit hindi naman. Paano na lang kapag nagkaroon pa ako ng kasintahan? Baka mas masasakit na salita pa ang masabi niya sa akin.

Napasuntok si Ren sa hangin at tumatawang humarap sa akin. "May nagugustuhan ka bang ibang lalaki?" Anong pakay niya? Bakit ganiyan siya magtanong sa akin?

Nagkibit-balikat akong muli. "Bakit?" Malawak siyang ngumiti.

"Moeryl... ano kasi, eh. Uh..." Kumunot ang noo ko.

Parang alam ko na. "Ren, aamin ka ba?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

Tinakasan siya ng saya sa mukha niya. Tinantiya ko ang nararamdaman niya. Para siyang kinakabahan na natatakot.

Tumikhim ako. "'Wag mo nang ituloy kung may balak ka. Mababalewala ka lang. Wala kang mapapala sa akin. Iba na lang, 'wag ako." Nagsalubong ang mga kilay niya.

Naiiling siyang tumawa, tila hindi makapaniwala. "Wow, Moeryl. Hindi pa ako nakakaamin, rejected na ako. I can't believe this."

"Then paniwalaan mo na." Hindi ko na siya tinapunan ng tingin pagkatapos no'n. Naramdaman ko rin ang unti-unti niyang pag-alis sa tabi ko.

May nabalewala na naman ako. Pasensiya, Ren.

Dumating na rin ang mga kaklase namin. Magkakaroon na naman ng boring discussions. Minsan naiisip ko, kahit mag-effort pa akong pagbutihin ang pag-aaral ko, balewala naman ang lahat para sa pamilya ko – para kay mama.

Lunch. Naglalakad ako papunta sa cafeteria habang nakikinig ng mga kanta sa phone ko. Hindi ko napansin na may nakabunggo pala ako.

Fudge. Ito 'yong isa sa dalawang babae nakaraan, a? Tinanguan ko lang siya ngunit mukhang nakilala niya pa ako. "Sorry," tamad kong saad at nilampasan siya.

Marahas niyang hinila ang siko ko kaya napaharap ako sa kaniya. Nakangisi siya at mas humigpit ang hawak sa braso ko. Marahan kong binawi ang kamay ko pero hindi siya nagpatinag. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya. Ano na naman bang gusto niya? "Bitaw," mahina pero may diin kong sabi.

She laughed. Nakakuha na kami ng atensyon ng ibang tao. Pati 'yong lunch ko naantala dahil sa babaeng 'to. "Moeryl. 'Yon pala ang pangalan mo. Hahaha! Ang baho."

Tumaas ang isang kilay ko. "Naamoy mo?" I asked her in a sarcastic tone.

Umirap siya. Tumawa ulit siya. Sarkastiko. "Nakakatawa ka rin pala, 'no?"

Marahan akong umiling. "I'm not a clown nor a joker, but thanks anyway, because I made you laugh." Binawi ko na ang kamay ko na naging dahilan para mapaatras pa siya. May iilang natawa sa sinabi ko. Bumaling siya sa ibang mga tao at pagalit na nagdabog.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Pakialamera kasi.

Umalis na ako bago pa lumama ang lahat. Sino ba ang babaeng iyon? I'll do a background check.

Habang tahimik na kumakain sa cafeteria, napapansin ko ang iilang titig at pasulyap-sulyap sa akin ng ibang kapwa ko estudyante. Fudge. Ayaw ko na nakakakuha ako ng atensyon. Dahil ba ito sa nangyari kanina? Dahil ba sa eskandalong sinimulan no'ng babaeng 'di ko naman kilala?

Tumayo na ako dahil tapos na akong kumain. 'Yong totoo, hindi ko naubos 'yong pagkain ko. Hindi ko lang talaga matagalan 'yong paninitig ng iba. Like what I said, I hate attention.

Pagdating sa exit way ng cafeteria ay nagulat ako dahil sa naapakan kong balat ng saging. Nadulas ako at nagtuloy-tuloy hanggang sa labas. Ang daming natawa sa nangyari sa akin. Fudge. Bakit may ganito na namang eksena?

"Dahil 'yan sa ginawa mo kay Zira kanina! Napakapabida mo kasi!"

Oh. So Zira is her name. Zira... maldita. Zira... pabida. Zira... suplada. Zira, anong pakay mo sa buhay ko? Ba't nakikisali ka sa buhay na mayroon ako?

4:02 PM. Narito ako sa bench sa parking lot para pansamantalang tumambay. Tinatamad pa akong umuwi. Sigurado naman akong ang malamig na pakikitungo ni mama at ate lang ang maaabutan ko roon.

Hindi kalayuan ay nakita ko si Kairo habang nakikipagtawanan sa isang lalaki at dalawang babae. Tingin ko papunta sila rito sa parking lot. Magkakaabutan na naman pala kami.

Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko. Tumingin ulit ako sa kanila at nakitang nakatingin na rin sa akin si Kairo ngayon.

Nagmadali akong naglakad palabas. Hindi ko pa siya nare-reject, at 'pag nagkataon, baka ngayon ko siya ma-reject. Kaya aalis na lang muna ako.

Ayaw kong dalawang lalaki ang mare-reject ko. Kaninang umaga, si Ren, ayaw ko munang isama si Kairo ngayon. Baka next time.

Oo, next time ko na lang siya ire-reject kapag nagkita kami sa may puno ng mangga sa likod ng school.

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now