[10]

1 0 0
                                    

Moeryl's POV

Ang sakit ng ulo ko pagkagising kinaumagahan. Tinanghali tuloy ako ng gising. Alas-siyete ang pasok ko pero alas-otso na ako nagising. Minadali ko na lang ang pagkilos at agad na pumunta sa school.

Mabuti na lamang at pinapasok pa rin ako ng guard kahit late na ako. Nakaliban na ako sa dalawang klase ko para sa umagang ito, sana kahit papaano'y hindi nito maapektuhan ang mga grado ko. Mas lalong mamumuhi sa akin si mama kapag nagkataon.

Tinakbo ko na ang distansiya mula sa gate hanggang sa room ko. Pagdating ko ay nagkaklase na ang guro namin para sa ikatlong subject. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ako.

"Why are you late, Ms. Villaforte?" Fudge. Kailangan pa man ding English ang gamiting lengguwahe kapag nasa English class.

"My head hurt. I woke up late." Tumango-tango si ma'am at pinapasok na ako.

Agad akong sumunod sa kaniya at nakinig na lamang sa discussions.

"Class, we'll be having a quiz tomorrow. Be ready." Umalis na rin si ma'am pagkatapos ng paalala niya. Mag-aaral pala ako mamaya. Teka...

Ano namang pag-aaralan ko kung hindi ako nakaabot sa klase niya ngayon? At saan naman kaya ako mag-aaral? Sa bahay? Mababagot lang ako.

Fudge. Sa playground pala sa village namin, pwede roon.

Recess. Naglalakad ako papunta sa cafeteria nang biglang may sumalubong sa mukha ko na mainit na lugaw. Fudge.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng palda ko at pinunasan ang mukha ko. Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa akin ang nakangising si Zira. Uh... 'yong babaeng walang magawa sa buhay.

"Oops. Sorry. Hindi ko sinasadya," she stated in a sarcastic tone.

Tinanguan ko lang siya. Nalagyan din ng lugaw ang damit ko kaya ang lagkit sa pakiramdam. Umiwas ako sa daraanan niya pero nahila niya ang kwelyo ng damit ko kaya napabalik ako.

"Hindi pa tayo tapos." Kumunot ang noo ko.

"Walang matatapos kasi wala namang nasimulan," sagot ko. Sarkastiko siyang tumawa. Ang sarkastiko ng babaeng 'to.

"You're making me laugh again." Mahina niyang tinapik ang balikat ko hanggang palakas na ito ng palakas. Napaapatras na ako.

"Mabuti naman pala at ganoon. Masaya akong napapatawa kita mula sa mga maliliit na bagay na aking ginagawa," ani ko. Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Sino ka ba? Bakit ganiyan ka umasta, huh? Bakit hindi ka natatakot sa akin? Bakit hindi ka lumalaban sa akin? Ganiyan ka ba kaduwag, huh?!"

Umiling ako sa kaniya. "Ba't ako lalaban sa isang tulad mong walang ibang alam gawin kung hindi ang mangialam sa buhay ng ibang tao? Ba't ako matatakot sa isang tulad mo, e pare-pareho lang naman tayo rito? 'Wag mong isiping lamang ka sa akin dahil sa kasikatan mo. Pantay-pantay lang tayo rito, mas sikat ka lang, pero mas lamang ako sa 'yo sa ibang aspeto. At kung duwag ako, sana kanina pa ako tumakbo. Kung duwag ako, sana kanina pa kita iniyakan. Kung duwag ako, sana hindi ganiyan ang ekspresyon ng mukha mo. Alam mo kung bakit? Kasi kung duwag ako, hindi ka sana napipikon sa akin. Duwag pala ako? E bakit ang lakas naman ata ng loob kong humarap pa sa 'yo?" Kumuyom ang mga kamao niya at mukhang sasabog sa inis ng ekspresyon niya. Hahamun-hamunin ako pero siya rin pala 'tong hindi lalaban.

Inihanda niya na ang mga kamay niya. Sasampalin niya ako? Kapag talaga pabebe, sampal ang pangganti.

Sinangga ko ang kamay niya mula sa balak nitong pagtama sa aking mukha. Tinagilid ko ang ulo ko at sumeryoso habang nakatitig kay Zira. "Slap me once, and I'll slap you twice – twice the pain, double the intensity." Tinalikuran ko siya. Marami pala ang mga matang nakasaksi sa pag-uusap namin ni Zira. Woah. I really hate attention. Sisikat na naman si Zira nito.

Pinupunasan ko ng panyo ang damit ko habang naglalakad papuntang locker room. Magbibihis pa ako. Mabuti na lang at lagi akong nagdadala ng extra'ng uniform in case na madumihan o masira ang uniform ko.

While I'm on my way, I was shocked when I bumped into someone. Nanliit ang mga mata ko nang makitang si Kairo ito. Kumunot ang noo niya nang makita ang damit ko.

"Anong nangyari? Recess ngayon, ba't papunta ka pa ata sa locker room?" Magkasunod niyang tanong sa akin.

Umiling ako. "'Wala 'to." Hinawakan niya ang kamay ko at pinatigil ako sa pagpunas. Inis kong iniiwas ang kamay ko sa kaniya,

"Ano ngang nangyari? Mahirap bang sagutin 'yon?" Bumuga ako ng hangin. Tamad ko siyang tinapunan ng tingin.

"Nabuhusan ako ng lugaw sa mukha at damit kanina." Namilog ang mga mata niya.

"Ano ba naman 'yan? Siguradong mainit 'yon. Mag-ingat ka nga sa susunod, Moeryl." Mainit talaga. Nag-ingat naman ako, pero umeksena si Zira, e. Anong laban ng isang tulad kong nananahimik lang sa tulad niyang pakialamera ng buhay ng iba?

"Sige. Mauna na ako. Magbibihis pa ako."

"Hihintayin kita sa labas ng locker room. Sasamahan na kitang mag-recess sa cafeteria mamaya. Ako na rin ang maghahatid sa 'yo sa room mo mamaya."

Binalingan ko siya at umiling. "'Wag na. May klase ka pa. Ayaw kong maging abala."

Tumaas ang isang kilay ni Kairo. "Kailan mo ba ako inabala, Moeryl?"

"Ngayon."

Umiling siya at sandaling pumikit. "Hindi ka magiging istorbo sa akin, at alam mo 'yon." Tumango-tango na lang ako.

"Ikaw ang bahala." Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad na ulit palayo sa kaniya. Akala ko ay aalis na rin siya pero naririnig ko ang yapak ng mga paa niya na sumusunod sa akin.

Tumigil ako sandali at nilingon siya. Seryoso lang ang tinging ipinukol niya sa akin. Ba't ba sumusunod pa 'to? O baka naman assuming lang ako na maghihintay nga talaga siya sa labas ng locker room mamaya. Baka mamaya pareho lang kami ng daraanan. Tama.

Tahimik ang corridor. Tanging tunog lang ng mga yapak ng paa ko't paano ni Xamiro ang naririnig. Baka nasa cafeteria pa ang iba, o 'di kaya'y nagkaklase na.

May iilang estudyanteng napapalingon sa amin mula sa pagmamasid nila sa bintana ng kanilang mga silid-aralan. Bata pa ang mga ito, siguro ay mga grade 7.

Pagdating sa entrance ng locker room ay huminto ako. Tumingin ako kay Kairo na nakasunod pa rin sa akin. Tama, lalampas din siya sa locker room kaya bakit ko pa siya iintindihin?

Lahat ng estudyante ng Lavian University ay may locker. Hindi lang para sa mga athletes ginawa ang locker room. Ang bawat locker room ay ginawa para sa bawat section ng bawat baitang. Kaya kung gaano karami ang mga seksyon dito sa unibersidad, gano'n din karami ang locker rooms.

Sandali lang akong nagbihis at lumabas na rin. Bahagya pa akong nagulat nang makita si Kairo na nakahilig sa gilid ng pintuan ng locker room. Nakangiti niya akong hinarap.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, hihintayin kita... kahit gaano pa 'yan katagal." Bakit pakiramdam ko doble ang kahulugan no'n? Uh... I'm just overthinking.

"May 20 minutes pa. Tara, sasamahan kita sa cafeteria. Hindi ka dapat nagugutom, okay?" Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Wala naman siyang pakialam kung pagutuman ko man ang sarili ko o hindi. He's not my father. He's not my mother. He's not my boyfriend. Wala siyang karapatan.

"Hindi na. Magre-review pa ako." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "May quiz, bukas." Tumango-tango siya.

"Pero hindi pwedeng hindi ka kakain, Moeryl. Hindi ka papasok sa klase na walang laman ang tiyan," nakangiti niyang saad.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Sino ka ba?" seryosong tanong ko sa kaniya.

Natatawa siyang bumaling sa akin. "Hmm... ako 'yong may gusto sa 'yo?" Napailing ako at huminga ng malalim.

"Pero hindi kita gusto, kaya bakit ganiyan ka umasta sa harap ko?" Ngumiwi ako sa sariling sinabi.

Naglakad na ako palayo... palayo sa kaniya.

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now