Moeryl's POV
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Kulay asul ang buong kwarto kung saan naroon ako ngayon. Iginala ko ang paningin at kumunot ang noo nang makita ang mahimbing na natutulog na si Kairo sa tabi ko. I mean sa tabi ko sa gilid ng kama.
Bakit nandito siya? Bakit nandito rin ako? Anong ginagawa namin dito?
Sinubukan kong tumayo at nagtagumpay naman ako pero bigla ring gumalaw si Kairo. Bumalatay agad ang lungkot at pagkabahala sa mukha niya. "Moeryl, ayos ka lang ba? Anong nangyari sa 'yo? May masakit ba sa katawan mo?"
Umiling lang ako. "'Wag ka nang makialam, please lang. You're not my boyfriend, so please don't act like a one." Nakangiti siyang tumango. Iniwas niya ang tingin sa akin at tumango-tango pa.
"Yeah, right. Ang baliw mo rin kasi, Kairo. Nag-aalala ka sa taong wala namang pakialam sa 'yo." Kahit pabulong lang ang sinabi niyang iyon ay nagawa ko pa rin 'yong pakinggan. Tama nga naman siya. Alala nang alala, wala naman akong pakialam sa kaniya. Ang kulit, e.
"Bakit nandito ako?" Tamad niya akong nilingon.
"Muntik na kitang masagasaan kanina habang papunta ako sa inyo. You're c-crying earlier. Wala naman akong nagawa kung hindi ang dalhin ka na lang dito sa amin. Don't worry, I still care for you but I promise to stop. Ito na ang huli." Tumango lang ako sa kaniya. "Sige, aalis na ako. Umuwi ka na lang kung gusto mo. Magpagaling ka. I love you..."
Lumabas na siya mula rito sa loob. Mabuti pala at hindi niya ako inihatid sa loob ng bahay. Wala rin namang pakialam sa akin si mama. Baka pagtawanan pa ako no'n 'pag nagkataon.
Bakit pala pumunta si Kairo kanina sa village namin? Dahil sa akin? Nasasaktan na nga, pinagpipilitan pa 'yong sarili sa akin.
Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang dala kong school bag. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin ako nakabibihis ng uniform ko. Wala rin akong dalang gamit. Naglayas ako sa bahay ni hindi naman ako nakahanda ng mga dadalhin ko.
Mamayang gabi siguro, patago kong aakyatin ang kwarto ko. Kukunin ko lahat ng kailangan ko at bukas na bukas ay maghahanap ako ng matitirhan.
Lumabas ako sa kwartong ito at tahimik na naglakad palabas sa mansion nila Kairo. Mabuti at walang ibang tao. Wala na ring nakapansin ng pagkawala ko.
Nag-abang ako ng taxi at sinabi kung saan ako pupunta. Naisip ko lang, siguro ako na ang babaeng may pinakapangit at pinakamalas na buhay. Hindi naman siguro mangyayari ang lahat kung nanatili na lamang akong tahimik noong nakita ko si papa... at ang babae niya.
Tahimik ang araw ko noon. Nagkaroon ng group study sa bahay ng boyfriend ko. 'Wag ninyong isipin na malandi ako tulad ng iniisip ng nanay ko sa akin ngayon. Inspirasyon ang hangad ko kaya ako nag-boyfriend at hindi landian.
Nagkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta sa mall. Sumama na ako dahil mababagot lang ako sa bahay. Si ate kasi ay may pasok pa, pero kung wala sana, tumambay na lang ako sa bahay.
Kumain kami ng mga kaibigan ko at boyfriend ko sa isang restaurant. Minsan ay nagbibiruan at nagtatawanan. Namili rin kami ng kung anu-ano since tapos na ang pag-s-study namin. Nang matapos ang lahat ay bumili ako ng isang cake dahil gusto ko itong ibigay kay mama at papa. Malapit lang kasi sa mall ang pinagtatrabahuhan nila kaya bibisitahin ko na lang sila.
Nag-presenta pa ang boyfriend ko na samahan ako pero tumanggi ako dahil ayaw ko ring maabala pa siya.
Masaya at nakangiti ako habang dala ang box ng cake patungo sa floor ng office ni mama at papa. Nagha-hum pa ako sa hangin.
Hindi kalayuan sa pinto ng office ni mama at papa ay narinig ko ang tawanan nila. Ang nasa isip ko, baka masaya silang nagkukwentuhan... pero mali ako.
YOU ARE READING
Unchained Hearts
Teen FictionShe's a girl who's part of a broken family. She's a girl who's tired of loving because of always getting broke. She's a girl who suffered pain and betrayal. Moeryl was broke. Moeryl was backstabbed. Moeryl was pained. Moeryl fears to love... and...