[13]

1 0 0
                                    

Moeryl's POV

Sakto alas-diyes na ako nakauwi ng bahay. Safe naman sa village namin kaya okay lang kahit gabi ka na umuwi. Tulog na ang guard mga ganitong oras kaya makakapasok ako sa bahay kahit wala sila. Bakit bukas pa ang ilaw sa baba? Siguro ay naiwanan nila itong nakabukas. Sayang sa kuryente, ha.

Pagbukas ko ng pinto ay gumawa ito ng hindi naman kalakasang ingay. Dahan-dahan kong isinara ang pintuan at nanlaki ang mga mata ko nang makita si mama na nakaupo sa couch. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Napayuko ako.

Tumayo si mama at marahas na hinawakan ang braso ko kaya napangiwi ako. "'Ma... masakit," sabi ko. Nasasaktan ako. Fudge.

Mahinang napatawa si mama. "Kailan ka pa natutong umuwi ng dis-oras ng gabi? Kailan ka pa gumala sa ganitong oras, Moeryl?! Ano? Lumalandi ka na naman ba? Nagmana ka talaga sa ama mong walang hiya! Ang bata bata mo pa lumalandi ka na!" Nangilid ang luha ko sa mga sinasabi ni mama. Hindi naman ako nanlalandi. Bakit 'laging ganito ang sinasabi niya sa akin?

"Ma, g-galing po ako s-sa trabaho po," pagpapaliwanag ko pa.

Umiling si mama. "'Wag mo akong pagsinungalingan, Moeryl! Ikaw? Magtatrabaho? Huh. Anong trabaho? Panglalandi sa mga lalaki?" Agaran akong umiling. Tuluyang tumulo ang mga luha ko.

Ang sakit pala. Ang sakit masabihang malandi. Ang sakit mapagbintangan. Ang sakit hindi paniwalaan. Ang sakit mahusgahan. "M-ma, nasasaktan din ako. Sana alam mo 'yon." Natahimik si mama. Marahas niya akong binitawan at umiling pa.

"You're such a disappointment, Moeryl. Dapat ay ginaya mo ang ate mo. Walang-wala ka kumpara sa ate mo." Tumango ako at seryosong tinitigan si mama.

"Huwag mo po kaming ipagkumpara. Kasi 'ma, magkaiba kami. Kasi iba siya, at iba rin ako. Kasi hindi naman ako siya at hinding-hindi mangyayaring gagaya ako sa kaniya." Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Tinakbuhan ko si mama. Disappointment pala ako? Fudge. It hurts like hell.

Pinaalis ko ang luha sa mukha ko. 'Wag na kayong magtaka kung bakit hindi ako ngumingiti. 'Yong mga pangyayari pa lang sa bahay, sapat na dahilan na para mapawi ang mga ngiti na nakatakdang lumabas sa aking mga labi.

Nagbihis na ako ng pantulog at sandaling nahiga sa kama ko. Kinuha ko ang notes ko sa English para sandaling mag-review. Inaantok na ako, dahil ito sa pagtrabaho kanina. Normal kasi na oras ng pagre-review ko ay mga alas-siyete hanggang alas-otso, kaya lang ay nagtrabaho ako kanina.

Sumilip ako sa pintuan ko at nakitang patay na ang ilaw sa baba. Siguro'y natulog na si mama. Kahit gano'n na ang trato sa akin ni mama, hindi ako galit sa kaniya. Kasi alam kong darating ang araw na babalik ang lahat sa dati. Ang masayang pamilyang mayroon kami ay muling sisibol. Marahil hindi pa ngayon, pero sa kasalukuyan, magiging ayos din ang lahat. Pinanghahawakan ko ang tiwala ko sa oras. Dahil alam kong sa bawat paglipas ng oras ay maghihilom ang mga sugat ng nakaraan.

Umupo ako at biglang may naisip. 'Yong playground dito sa village hindi kalayuan sa bahay, pwedeng doon na lang ako mag-review. May streetlights naman at hindi naman ako mapapahamak doon. At doon, tahimik, kalmado, at mababawasan ang problemang binibitbit ko.

Dala ang notebook ko ay maingat at dahan-dahan akong naglakad pababa hanggang sa pintuan. Maging ang pagbukas ng pintuan ay sobrang bagal para hindi ito mag-ingay. Naglakad na lang ako papunta sa playground na iyon. Ayaw ko nang sakyan ang bisikleta ko. Mas nakaka-exercise ang paglalakad.

May iilang bahay na may ilaw pa. Siguradong gising pa ang ibang pamilya. Maaari ring nagkakasiyahan pa sila. Tiningala ko ang langit sabay sabing, "Kailan kaya maaayos ang pamilyang meron ako?" Sagutin mo ako, langit.

May tiwala at nananalig ako kay Lord God. Alam kong pagsubok lang itong kinakaharap ko. Gusto lang i-test ni God ang katatagan at pagiging matibay ko sa buhay na ipinagkaloob niya sa akin.

Pagdating sa playground ay napakatahimik. Walang ibang tao. 10:44 pm na pagtingin ko sa relo ko. Malawak ang playground kapag nakita mo sa malapitan. Mayroong limang mga seesaw. Mayroong sampung swings. Mayroong dalawang padulasan. Mayroon ding mga monkey bars. Mayroong tables at stools sa gilid.

Ipinatong ko sa table ang notebook at phone ko at umupo sa isang stool. Inunat ko ang mga braso ko. Nakakapagod ang araw na ito. Binuklat ko ang notebook ko at nagsimulang magbasa-basa.

Tumunog ang phone ko. Agad ko iyong binuksan at nakita ang isang message galing kay Noei.

Winoei:

Good evening, Moeryl! Sorry sa istorbo pero maaari ko bang malaman kung nasaan ka ngayon? 'Yong exact na place sana.

Kumunot ang noo ko sa mensahe niya. Bakit niya naman itatanong kung nasaan ako?

Me:

Bakit?

Agad naman siyang nakapag-reply. Iba rin. Marami ba 'tong load? Hmm. May boyfriend kaya itong babaeng 'to? Baka wala kasi edi sana iyon ang kausap niya sa texts at hindi ako.

Winoei:

Just asking hehe. Weird, 'di ba? Wala kasi akong magawa rito sa bahay kaya nagtatanong-tanong ako sa iyo.

Napatango-tango ako. Hmm. Pwede namang mag-aral siya, o 'di kaya'y matulog na lang.

Me:

Nasa playground ako hindi kalayuan sa bahay namin.

Winoei:

Ahw. Hala. Hindi ba delikado riyan? Gabi na pa man din.

Me:

Hindi naman siguro. Surrounded ng security guards ang village namin.

Pinatay ko na ang phone ko. Hindi ako makapag-focus sa pag-aaral ko, e. Tumunog ang phone ko, baka nag-reply pa si Noei. Bukas ko na lang iyon babasahin o hindi kaya ay mamaya na.

Ang sabi ni ma'am, magbabalik-aral daw kami tungkol sa Propaganda at Propaganda Techniques. Isasama na rin daw niya ang Active and Passive Voice. Grade 7 lesson pa 'to, tapos ibabalik nilang ituro? Kung nagturo na lang sila ng mas advance hindi iyong binabalikan 'yong past lessons. Napailing na lang ako sa hangin.

Pitong Propaganda Techniques lang ang itinuro sa amin kaya iyon lang ang aaralin ko. Sa Active and Passive Voice naman, doon lang nagkakalituhan sa pag-change ng isang sentence na nasa active voice into passive voice at vice versa. Binasa ko lang nang paulit-ulit hanggang sa maging familiar ako sa bawat isa sa kanila.

Nasilaw ako nang may humintong isang sasakyan sa harap ng bakuran ng playground lalo na at nakatutok pa sa akin ang ilaw. Namatay din naman ang ilaw. Ba't may taong huminto riyan sa labas? Anong oras na 'to, ah?

Hindi kalayuan ay may isang lalaking naglalakad patungo sa akin. Nakangiti siya at nakasuot ng isang itim na t-shirt at pantalon.

Teka...

Si Kairo? Nagsalubong ang mga kilay ko at napatayo. Ano na namang ginagawa niya rito?

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now