[19]

1 0 0
                                    

Moeryl's POV

Alas-kuwatro ng hapon. Maya-maya ay papanhik na ako para bisitahin siya. Habang naglalakad palabas ng unibersidad ay hindi maiiwasang marinig ang mga salitang binibitawan ng ibang estudyanteng nakakakita sa akin.

"Eww. Siya pa? Siya pa ang nam-busted kay Kairo?"

"Oh gosh! She's not even pretty tapos gano'n ang ginawa niya kay Kairo?!"

"Hindi deserve ni Kairo ang maranasan 'yon! Argh. I pity him. Moeryl's really ugly."

Pilit ko na lang na iwinawaksi sa aking isipan ang aking mga narinig. Masakit sa part ko pero wala naman akong magagawa. Hindi ko man intensyong saktan siya, ako pa rin ang lumalabas na nanakit.

"'Yan ba 'yong Moeryl? 'Di naman maganda, a!"

"Anong naki—"

Nagtaka ako nang biglang tumahimik ang paligid na animo'y may nagpatigil. Tumingon ako sa paligid ko – sa likuran ko't nakita ang seryosong mukha ni Kairo na nakaharap sa kanila.

Nang makita niya ako ay nakangiti siyang tumakbo palapit sa akin. Ba't kasi pinagpapatuloy niya kung alam naman niyang masasaktan lang siya?

Huminto ako dahil pinigilan niya ako mula sa tangka kong paglakad. Seryoso akong bumaling sa kaniya. "Mauuna na ako. 'Yong kamay mo." Binitawan niya ako at tumitig lang sa akin.

Sandali siyang umiling at ngumiti rin pagkatapos. "Uuwi ka na? Ihahatid kita. Kailangan syempreng safe ka pau--"

Pinutol ko siya. "May pupuntahan pa ako."

"I'll accompany you," ani Kairo. Inilingan ko lang siya. Nagpipilit na naman siya, e. Hahayaan ko naman siya kung pwede, kaya lang hindi.

"'Wag na. Umuwi ka na." Nakangiti siyang umiling sa akin.

"Sige na nga. Basta ikaw sumusunod ako. Ang lakas naman ng tama ko sa 'yo."

"Sana nga hindi ka na lang nagkaroon ng tama sa akin. 'Di ako maganda. I'm not every boy's ideal girl. Sakit lang ang matatanggap mo mula sa akin," usal ko at nilayasan na siya.

Tahimik akong nag-abang ng taxi. Medyo matagal pero may dumating din naman na inihatid ako sa kung saan naroon ang bibisitahin ko.

Halos ayaw pa akong payagan para lang makalapit sa kaniya. Buti naman at hindi na sila nag-inarte pa.

Pati ba naman ang makita siya ay ipagkakait pa sa akin? How selfish of them!

Malungkot lang ako habang tahimik na pinagmamasdan siya. Hindi naman kasi dapat humantong sa gan'to, e. Masaya naman dapat tayo.

Mapait akong ngumiti at nangilid ang mumunti kong mga luha. "Miss na kita, miss na miss." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at sandali siyang sinulyapan.

Nang masalubong ko ang mga magulang niya ay galit at poot lang ang nakita ko mula sa mga mata nila. Dinuro ako ng nanay niya at umiling. "Sana hindi na nagkrus ang landas ninyong dalawa ng anak ko, Moeryl. Ikaw ang dahilan kung bakit ganiyan ang lagay niya." Dahan-dahang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko kasalanan. Wala akong kasalanan. I was just there, waiting for him and I didn't expect that incident.

Tumango ako sa mga magulang niya. "I'm sorry p-po. Sana ay ako na lang ang... nasa sitwasyon niya."

Masalimuot ang ngiting ibinigay sa akin ng nanay ni Jan. "Sana nga ay ikaw na lang! Peste ka lang naman sa buhay ng anak ko! Napakamalas mo at salot ka sa buhay niya!"

Mabilis akong naglakad palayo sa kanila. Palayo sa mga taong ni minsan ay hindi ako nagustuhan para sa anak nila. Sa mga taong hindi tanggap ang pagmamahalan namin ng anak nila.

Pumunta ako sa village ni Kairo. Mugto ang mga mata ko at hindi ako umiimik. Namalayan ko na lang na nasa playground pala ako habang nakaupo sa swing at kasama si Kairo na nasa tabi ko rin.

Nag-aalala ang mukha niya at bakas ang lungkot. Akmang yayakapin niya ako pero agad akong lumayo. "'Wag na. Kairo, may itatanong ako sa 'yo."

"Ano 'yon?"

"Masasaktan ka ba kapag nakita mong nasasaktan, nahihirapan, at malungkot 'yong taong mahal mo?" Mapait ang ngiting tumango siya sa tanong ko. Kumunot ang noo ko.

"Kaya nga nasasaktan ako ngayon. Haha," sabi niya at malungkot na tumitig sa akin. "Hindi ba talaga pwedeng magkaroon ng tayo, Moeryl?" Agaran akong umiling.

"Hindi rin ba pwedeng maghanap ka na lang ng iba, Kairo?" Nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Iiyak na naman ba siya? Ba't ba iniiyakan ako nitong si Kairo, e, napakawalang kwenta kong tao?

"M-moeryl, umaasa kasi ako sa 'yo. Umaasa akong... magkakaroon ng t-tayo. Umaasa a-akong balang-araw, sa 'kin pa... rin ang bagsak... mo. Umaasa akong t-tayong dalawa hanggang dulo..." Nautal pa siya habang binibitawan ang mga salitang 'yon. Pagod ko siyang tinitigan.

"Sana kasi ay hindi ka nagmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba," mahinang usal ko na sana ay narinig niya. Tumayo ako at nginitian siya. "Don't cry. Sayang 'yang mga luha mo. You deserve someone better than me."

Umalis ako at tiningala ang langit. "My life is a mess. Mula sa pamilya, patungo sa kaibigan, hanggang sa buhay pag-ibig. Ikaw na lang ang natitira sa akin, God, at umaasa akong maaayos rin ang lahat."

Tahimik kong binabaybay ang daan patungo sa bahay. Baka maabutan ko na naman si mama at ate na masayang magkasama. 'Lagi na lang bang gano'n ang scene na maaabutan ko sa bahay?

Masayang moment ni mama at ate na biglang titigil dahil sa pagdating ko?

Masayang salu-salo nila ba biglang matatapos kapag dinaluhan ko?

Masayang pagliliwaliw nila na hindi man lang naisip na isama ako? I'm also a part of the family. Tanggap ko sana... kung ampon ako, pero hindi naman.

Pagpasok sa bahay ay naabutan kong mag-isa si mama. Si ate siguro ay nasa school pa o 'di kaya'y kasama ang mga kaibigan niya. Nagmano ako kay mama pero hindi niya iyon pinansin.

Umupo ako sa katapat niyang sofa. Ayaw ni ate na sabihin ko kay mama ang nakita ko pero tapat akong tao. Hindi ako masikreto. Sa pangatlong pagkakataon, kapag masama lang ang idinulot ng pagsusumbong ko kay mama, titigil na ako.

"Ma, si ate po kasi..." Salubong ang mga kilay na hinarap ako ni mama.

"Ano na naman ba ito, Moeryl? May balak ka na naman bang magsumbong ng mga walang kwentang bagay?" Umiwas ako ng tingin. Ang pagsusumbong ko ang sumira sa pamilya namin, pero wala akong magagawa dahil tanging pagsumbong na lang ang magagawa ko para sa katotohanan.

"N-nakita ko pong may kahalikan s-si ate, ma. Nakaraang gabi po 'yon dito mismo sa sala po. Kakain p-po dapat ako ng dinner pero pagbukas ko ng ilaw ay nakita kong naghahalikan s-sila ng kasama niyang lalaki." Imbes na tuwa ay isang malutong na sampal ang natanggap ko mula kay mama.

Pakiramdam ko ay namanhid ang kalahati ng mukha ko. Uminit ang sulok ng mga mata ko at bumigay lang din ito nang makita ang galit na galit na mukha ni mama.

"Liar! Sinira mo na ang lahat, Moeryl. Anong isusunod mo? Pati ang ate mo, idinamay mo? Ganiyan ka ba talaga ka-walang hiya? Alam mo, 'wag na 'wag mong igagaya ang ate mo sa 'yo, dahil hindi siya isang malandi na tulad mo!"

I slapped her. Yes, I slapped my mom. Umiling ako at huminga ng malalim. "Pagod na ako, 'ma. Pagod na ako kasi hindi mo naman ako pinaniniwalaan. Pagod na ako kasi hindi mo ako tinatanggap. Pagod na ako kasi lagi na lang ako ang mali sa mga mata mo. Pagod na akong patunayan ang sarili ko sa 'yo, 'ma. Pagod na ako kasi ginawa ko naman ang lahat, but I still feel useless. Pagod na akong intindihin ka, kayo ni ate. Pagod na akong mabuhay na kasama ninyo. Tulad ng sinabi mo, hindi mo na ako itinuturing na anak, kaya bakit pa ako mananatili rito? Ang hirap kasi sa 'yo 'ma, pilit mong ibinabalik 'yong nakaraan – 'yong nakaraan na dapat na nating kalimutan. Ako ba? Ako ba ang karapat-dapat na sisihin sa pag-alis ng una't pangalawa mong asawa? Ako ba ang nagloko? Ako ba ang nambastos? Ako ba? Pasensya 'ma, pasensya kung nawala na 'yong respeto ko. Kasi alam mo ba? Deserve ko ring makatanggap ng respeto mula sa 'yo."

Tumakbo ako palabas ng bahay at doon ay muling tumulo ang mga luha ko. Nakita ko ang isang nakasisilaw na ilaw at nagulat nang biglang dumilim ang paligid ko.

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now