Friday has come. With a blank expression etched on my face, I made my way to the university where I'm studying. Our class actually starts at 7 AM, but I already reached the library at 6:12 in the morning.
I noticed the librarian that's busy checking a paper, so I smiled a bit. "Good morning po," I greeted. Kumurba naman ang mga labi niya bago rin ako batiin.
Dumiretso ako sa pinakadulong table at ipinatong doon ang suot kong sling bag. I heaved a sigh after seeing the dirt at the string of it. I should wash this when I go home.
Hindi ko rin alam kung may ibang taong pumupunta rito pero kasi mayroong bench sa ibaba which is very unusual lalo na at sa likod pa 'to ng school. Dating gawi, umakyat ako sa taas ng puno at nahiga. Malapad naman ang sanga kaya hindi ako mahuhulog dito.
May isang oras pa bago ang klase ko kaya mananatili na lang muna ako rito. Ginawa kong unan ang bag ko. Nakinig lang ako ng music sa phone ko hanggang sa makatulog ako.
Napabalikwas ako at agad na napatayo nang makita ang isang lalaking nakatitig sa akin. "Anong ginagawa mo riya— AAAHHH!" Dahil doon ay hindi ako nakabalanse sa sanga ng puno at tuluyang nahulog sa baba ng puno.
Nagulat naman ang lalaki at tumalon para tulungan ako. Likod ko ang unang tumama sa lupa kaya napangiwi ako. Ang sakit! Fudge! 'Yong phone ko! Naipit pa ng paa ko ito. Sinubukan kong buksan at mabuti naman ay gumagana pa ito.
Inis kong binalingan ang lalaki na halatang natatawa dahil sa nangyari sa akin. Binigyan ko siya ng matalim na titig kaya tumigil din siya. Inabot niya ang kamay niya para siguro tulungan ako pero hindi ko 'yon tinanggap. Nahihiya siyang binawi ang kamay niya. "Ayos ka lang ba?"
Umirap ako sa kaniya. "Hindi. Halata naman, 'di ba?" Sinikap kong bumangon pero nahihirapan lang naman ako. Akmang lalapit sa akin ang lalaki para tumulong pero pinigilan ko siya. "'Wag na." Woah. Ang hirap tumayo, pero sa huli ay kinaya ko rin. Dinampot ko na rin ang bag ko. Buti walang maaaring mabasag o masirang bagay sa bag ko.
Umupo ako sa bench na nasa ilalim ng puno at sandaling sumandal doon. Tumabi 'yong lalaki sa akin pero hindi ko siya pinansin. "Ang sakit. Fudge." Minasahe ko ang likod ko kahit alam kong hindi sapat iyon. Medyo may kataasan 'yong puno ng mangga kaya masakit 'yong pagkabagsak ko. Wala pa man ding sumalo sa akin.
"Sorry." Tamad kong nilingon 'yong katabi ko. "Hindi ko naman alam na magugulat ka, e. Sorry."
Tumango lang ako. "Sige." Ngumiti siya. "Bakit naroon ka sa taas kanina?"
Tumawa ulit siya. Kumindat pa sa akin ang loko. "Tumatambay ako rito tuwing umaga. Dito ako sa bench na 'to natutulog o 'di kaya'y nagbabasa. Basta kung anong matipuhan kong gawin dito sa lugar na 'to." Tumango lang ako ulit. Tumingin ako sa wristwatch ko.
6:43 am na. Malapit nang mag-alas-syete. Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko. Good thing at Friday ngayon. Nakasuot ako ng PE uniform kaya ligtas sa pambabastos lalo na at nakita ng lalaking ito 'yong pagbagsak ko.
"Mauuna na ako." Tinalikuran ko siya pero napatigil din nang magsalita siya.
"Kairo nga pala ang pangalan ko. Nice to meet you." Hindi na ako lumingon sa kaniya, bagkus ay itinuloy ang paglalakad.
Nang makarating sa room ay dumiretso agad ako sa upuan ko. Nakaupo ako sa pinakalikod. Villaforte ang apelyido ko, kaya sa likod ako nakapuwesto. Alphabetical kasi ang arrangement ng upuan.
Hindi rin nagtagal ay dumating ang teacher namin. "Good morning, class."
"Good morning, ma'am!" They said in chorus. Yeah, 'di ako kasali sa bumati. Tinatamad ako.
"Group yourselves into three. Gagawa na kayo ng inyong Research Proposal." Napanting ang tainga ko sa narinig. Bakit by group pa? Bakit hindi na lang individual?
I mean, magkakaroon na naman ng asahan sa bawat group. Walang perpektong grupo sa paggawa ng Research Proposal. Dadating talaga sa point na mag-aasahan. May mga hindi gagawa ng nakaatang na trabaho sa kanila.
"And the last group, is the group of Moeryl, Kent, and Ren." Napapikit ako pagkatapos marinig ang mga magiging kagrupo ko. Kent Cervantes? Bagsak 'yan sa Research, a? Ren Yuen? Matalino pero tamad naman.
Kung individual na lang sana, hindi pa 'to magiging mahirap. "Pumunta na kayo sa kaniya-kaniya niyong mga grupo at pag-usapan ang mga gagawin. Gagawin niyo ang Chapter 1 ng Research Proposal niyo. Chapter 1 is Introduction. Choose your leader. Mag-usap kung saan niyo gagawin ang inyong proposal. Goodbye, class."
Lumapit naman agad sa akin ang dalawang kagrupo ko. Pinaikot nila paharap sa akin ang mga upuan na nasa harap ko at doon umupo. Tumango lang ako sa kanila.
"M-moeryl, ikaw na lang a-ang leader." Nanliit ang mga mata ko sa sinabi ni Kent pero wala rin akong ibang nagawa kung hindi ang tumango na lang. Alam kong walang mangyayari sa grupo namin kung hindi ako ang magli-lead.
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko. "Saan at bakit." Mukha namang nalito ang dalawa sa sinabi ko.
"Saan tayo gagawa ng Research Proposal at bakit doon?"
Mukha namang nag-isip ang dalawa at ngumiti. "Moeryl, sa inyo na lang kaya?" Hmm.
"Gusto naming makita 'yong bahay ninyo. Wala pang nakakapunta sa bahay ninyo, 'di ba? Kami pa lang kung saka-sakali," nakangiting saad ni Ren. Lame reason. Iyon ang rason para sa bahay kami gumawa ng Chapter 1?
Umiling ako. "'Wag sa bahay. Walang tao roon. Walang pagkain." Sumimangot si Ren. Subukan mong tumutol.
"Sa bahay na lang namin, guys." Napatingin ako kay Kent dahil sa suhestiyon niya. "Willing naman ako. Maraming pagkain sa bahay. Saka pupwedeng doon tayo gumawa sa garden namin. Refreshing din sa bahay. Safe at hindi tayo mahihirapang gumawa roon." Tumango ako. Pwede na rin. Ngumiti si Ren at nakipag-apir kay Kent.
"Sige. Kailan tayo magsisimula?" Tamad kong tanong.
"Mamayang hapon na." Sumilay ang ngiti ni Ren pagkatapos iyong sabihin. Tumango ako.
"Sige. Mamayang alas-kuwarto magkikita tayo sa gate," sambit ko at minasahe ang likod ko nang maramdaman ang kirot mula rito.
YOU ARE READING
Unchained Hearts
Teen FictionShe's a girl who's part of a broken family. She's a girl who's tired of loving because of always getting broke. She's a girl who suffered pain and betrayal. Moeryl was broke. Moeryl was backstabbed. Moeryl was pained. Moeryl fears to love... and...