[3]

2 0 0
                                    

Moeryl's POV

Nagulat din si Kairo nang makita niya ako kanina. Kasalukuyan kaming nandito ni Kairo sa garden. Hiniram niya muna ako sa mga kaklase ko. Kahit ayaw ko, napilitan na lang din akong sumama.

Nakaupo kami sa isang bench dito sa garden nila. Buti 'di mainit dito.

"Moeryl, bakit nandito kayo sa bahay? Saka classmate mo ba si Kent?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Para sa Research Proposal. Oo." Lumawak ang ngiti niya. Palangiti siguro 'tong lalaki na 'to.

"Okay. Mas matanda pala ako sa'yo ng isang taon." Tumango lang ako sa kaniya.

"Kaano-ano mo si Kent?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Kapatid ko." Namilog ang mga mata ko. Woah. Ngumiti siya at natawa sa reaction ko. "Tara na. Ibabalik na kita sa kanila." Tumango lang ako.

Nakasunod lang ako kay Kairo habang naglalakad papasok sa loob ng bahay nila. Ang yaman nga nila. Sementado ang pathway mula sa garden hanggang sa bahay nila. Maraming halaman at puno. Ang taas ng bakod nila. May third floor pa ang bahay nila.

"Ang yaman niyo," biglang nasabi ko sa hangin. Nanlaki ang mga mata ko lalo na no'ng tumawa siya.

"Ang swerte mo," sambit niya na siyang naging dahilan para lingunin ko siya. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Nalilitong tanong ko. Ano bang pinagsasabi nito?

"Wala. Hahaha." Umiling na lang ako. Nang makapasok kami sa mansion nila ay bumungad sa amin ang nagtatawanang si Kent at Ren.

Nang makita kaming dalawa ni Kent ay naglaro ang kakaibang ngisi sa labi niya. "Kayo h-" Sinapok siya ni Ren kaya tumigil ito. Tumaas ang isang kilay ko.

"Moeryl, Kent, tara na. Gawin na natin 'yong proposal," iritadong wika ni Ren. What's with the sudden change of mood? Tumango ako. Nagpamaunang maglakad palabas si Ren. Papunta na siguro sa garden – kung saan kami galing ni Kairo kanina.

Napansin ata ni Kairo ang pananatili ko kaya tumawa siya. "Sinong hinihintay mo?" Umiling ako.

"Wala. Aalis na rin ako." Tinalikuran ko siya pero hinila niya ako at halos yakapin na. Nagpumiglas ako pero bubulong lang pala siya. I felt uneasiness kaya iniwasan ko siya, kinabahan ako. Napangiwi siya at humingi ng paumanhin.

"Halatang may gusto sa 'yo si Ren," seryosong sabi niya at tinalikuran na ako. Umakyat na siya sa taas ng bahay nila.

Kumunot ang noo ko. Si Ren? May gusto sa akin? Imposible. May mapagbirong side rin pala si Kairo. Lumabas na ako at tinungo ang garden.

"Kent, ikaw 'yong ia-assign ko sa Background of the Study. Ren, ikaw na sa Significance of the Study. Ako na lang ang gagawa ng Statement of the Problem at Scope and Limitations." Tumango lang sila.

Kinuha ni Kent kanina sa kwarto niya ang laptop niya. Kumuha pa siya ng extra'ng dalawa para raw may magamit din kami. 'Di nadala ni Ren 'yong laptop niya. 'Yong akin naman ay nasa locker ko – nalimutan kong kunin kanina.

Ang study namin ay about sa paggawa ng insecticide. Yeah, common na idea para sa paggawa ng proposal but we're left with no choice. Wala ng time pang mag-isip ng unique na topic to be studied kasi baka i-rush din 'tong Research Proposal na 'to.

Nagtipa lang ako ng ilang mga importanteng bagay pagkatapos ay tapos na! Minsan ay nahuhuli ko ang pagsulyap-sulyap ni Ren sa akin kaya napapadalas ang panliliit ng mga mata ko. Weird niya, a.

Totoo ba 'yong sinasabi ni Kairo? Ugh. That's a lie for sure.

"Okay na 'yong part ko," mataman kong sinabi. Ngumiti naman si Kent at iniharap sa akin ang nasa laptop niya. Hmm. Natapos niya rin pala 'yong part niya. Akala ko iaasa niya na naman. Si Ren naman, napakamot sa ulo. Tumaas ang isang kilay ko. Ipinakita niya sa akin ang nilalaman ng laptop niya. Tapos na rin. Akala ko tatamarin na naman siya. Tinanguan ko lang silang dalawa.

Tumingin ako sa wristwatch ko. 5:51 pm na. Sigurado akong hinahanap na ako ng magulang ko. Oh. Hahanapin nga ba niya ako? I doubt that. Tumayo ako at tumango sa kanila. "Mauuna na ako."

"'Wag muna! Dito na kayo mag-dinner sa bahay." Nakangiting sabi ni Kent. Umiling ako. Baka kung ano na namang isipin ni mama kapag late na akong umuwi.

"Sige, Kent... ah... wait. Mom's calling." Tinawanan lang siya ni Kent. Pinapanuod ko si Ren habang kausap ang nanay niya. Kumunot ang noo niya at inis na suminghal. Pinatay niya ang tawag at humarap na sa amin.

"Argh. Sorry, guys. Magkakaroon daw kami ng dinner kasama ang grandparents ko." Tinanguan lang namin siya. Umalis na rin siya. Kami na lang ni Kent ang naiwan dito.

"Aalis na ako."

"Mamaya na. Dito ka na lang kumain. Nandiyan na si mom at dad. Ang rude naman kapag tumanggi kang kumain sa dinner kasama kami." Napasinghap ako.

Wala naman na akong magagawa. "Sige." Inakbayan niya ako kaya nanigas ako. "'Y-yong kamay mo." Naaalala ko na naman. Fudge. Inalis niya naman 'yong kamay niya sa pagkakaakbay sa akin.

Lumayo ako sa kaniya ng ilang metro. "T-tara na," sabi ko at nautal pa. Tumango lang siya. Sumabay na lang siya sa aking maglakad.

Nandito ako sa dining kasama ang pamilya ni Kent. Tahimik lang ako sa isang tabi. Hindi pa kami nagsisimulang kumain. Napatingin ako sa wristwatch ko. 6:46 pm na. Dapat kaninang 5:30 pa ako nakauwi. Fudge.

Ito 'yong puwesto namin.

Kairo's Mom—Kairo's Dad—Kent

-------Ako-----------Kairo-----Vacant

Waluhan ang table ng dining area nila rito. May tatlong bakante. Nakangiti lang ang mag-asawang Cervantes habang nag-uusap. Minsan ay nakikisama ang dalawang mga anak nila. Mapagbiro ang tatay ni Kairo. Sinasakyan naman iyon minsan ng nanay ni Kairo. Matatapos sila sa isang tawanan at halakhakan.

Mapait akong napangiti. 'Yong pamilyang mayroon si Kairo, ay 'yong pamilyang mayroon ako noon. 'Yong pamilyang mayroon sila, ay iyong pamilyang ninanais kong magkaroon ulit. 'Yong pamilyang mayroon sila ay iyong pamilyang sumasalamin sa isang masaya at matatag na samahan. Iyong pamilya nila ay 'yong pamilyang papunta na sa perpekto. Iyong pamilya nila ay 'yong pamilyang kumpleto at mahirap matibag.

Iyong pamilya mayroon sila, ay 'yon pamilyang wala ako ngayon.

'Yong pamilya ko, hindi na masaya, hindi pa buo.

Napabalik lang ako sa ulirat nang tawagin ako nang nanay ni Kairo. "Hija, ikaw ba ay may gusto sa isa sa mga anak ko?" Nakangiti niyang tanong. Umiling ako.

"Hindi k-ko po alam. Pero... napakaliit lang po ng posibilidad na mangyari 'yon." Kumunot ang noo ni tita. Should I call her tita?

Tumawa si Kent. "May girlfriend na ako, mom. 'Wag niyo akong idamay diyan."

"Bakit, hija?" Napabaling ako kay tita. Huminga ako ng malalim.

"Patuloy lang po akong mababasag kapag nangyari 'yon. I'm too tired to let someone enter my heart again. Wala na pong bubuo sa akin kapag nabasag ako ulit." seryoso kong sabi.

"B-but... I'm here." Nanlaki ang mga mata ko at napatitig kay Kairo pagkatapos niya iyong sabihin. 

Unchained HeartsWhere stories live. Discover now